CHAPTER 5
Masaya akong pumasok sa bookstore malaki-laki ang perang dala ko compared last time. Paniguradong madami-dami akong mabibili. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko para magcalcu, baka kasi mapasobra hindi ako makabili ng scientific calculator. Mukhang pasira na 'yun ginagamit ko medyo matagal-tagal na rin ang isang iyon. Siya kapartner ko noong grade 9, naalala ko na naotso ako sa letcheng math. Lintek! Kasalanan 'yun ng SOH CAH TOA! Need pa kasing i-round off. Pero kasalanan ko din naman kasi nakakalimutan kong maground off.
Madali naman ang SOH CAH TOA kaysa sa Sine Law talagang wala akong maintindihan doon kahit anong focus at aral ko. Hindi ko nga akalaing tatlo lang ang naging mali ko doon e hinulan ko lang 'yung formula kasi nakalimutan ko! Nagpaquiz kasi agad si Ma'am Math pagkadiscuss niya e ako si tanga, lutang. Pero okay lang atleast hindi nakakuha ng otso, over 30 'yun! Tapos otso lang nakuha ko, pighati!
Ang nakakatawa du'n kumopya ang mga traydor kong dating kaibigan sa 'kin kaya ayun otso din sila! Hindi ko mapigilang hindi matawa kapag naaalala ko iyon, atleast hindi ako nagiisa. Lesson learned kapag hindi sigurado sa sagot magpakopya para may kadamay ka kapag bumagsak.
I'm wearing plain pink off shoulder dress paired with flat sandals. Simpleng pink shoulder bag ang dala ko, regalo ni Mama bago siya mawala. Hay! miss ko na siya, paborito ko ang bag na ito, ito lagi ang ginagamit ko kapag may lakad ako dahil pakiramdam ko kapag kasama ko ang bag na 'to ay para ko na ring kasama si Mama.
Kumuha ako ng basket, pinaglalagay ko agad ang mga kailangan ko doon. Katulad ng mga ballpens, pad papers, highlighters, at iba pa. Inuna ko muna ang mga necessary needs ko baka kasi magkulang ang budget ko na isang libo.
"Magkano po ang scientific calculator?" Tanong ko sa saleslady sa gilid. Nandoon lahat ng mga mamahaling gamit, nakatago sa glass drawer habang nakasabit naman ang ilan.
"Depende po, Miss." Sagot niya at kinuha ang isang calculator. "Katulad po nito 1084 pesos," may iba siyang sinabi at pinakita na brands ng scientific calculator pero kulang ang budget ko! Hindi ko naman akalain na ganun pala kamahal iyon, akala ko ay nasa limang daan lang. Pagtsa-tsagaan ko muna 'yung luma ko, nagana pa naman iyon tsaka na ako bibili ng bago.
"Sige po, thank you po sa infos pero next tim-" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang pamilyar na lalaki.
"Can I have two please?" Kumuha ng isa ang saleslady at inabot sa kanya. "Thank you, let's go." Nagulat ako nang nilahin niya ako papunta sa counter.
"H-Hoy." Tumigil ako at inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "W-Wala akong pambayad d'yan tsaka sino ka ba?" Humigpit ang hawak ko sa basket, inaantay ang sagot niya.
"Nakalimutan mo na ako?" Yumuko siya upang pantayan ako, hanggang baba niya lang ako.
I shook my head. "A-Ano... ah basta." Mahina siyang napatawa. "Bakit mo ba ako hinila papunta dito? Hindi mo ba nakita na may binibili ako?" Taas kilay na tanong ko.
"Mukha namang tapos ka na."
"Natingin pa ako ng brand ng calcu na afford kong bilihin kaso hinila mo ako papunta dito."
Hindi siya nagsalita sa halip kinuha niya 'yung basket na hawak ko! Ano bang gusto niya? Bakit napaka-fc niya? Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya tapos kung makaasta siya parang isang dekada na kaming magkakilala.
"Ano ba? Akin na 'yan." Sinubukan kong kuhain ang basket pero nilayo niya iyon.
He placed his index finger on my lips. "Shut your mouth, pinagtitinginan tayo." Nilibot ko ang paningin ko, tama nga siya, pinagtitinginan kami! Napagpasyahan kong tumahimik hanggang makarating kami sa unahan.
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou