Love And Affliction 22

72 16 6
                                    

CHAPTER 22

Kinabukasan, lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa hapag. Kasalukuyang naghahanda ng makakakain si Papa. Kakatapos ko lang magwalis at maglinis kaya gutom na gutom na ako.

"Nga pala, inimbitahan tayo ng lola mo para magpasko sa kanila." Sambit n'ya nang makalapit sa akin para ilagay sa hapag ang agahan.

I sighed. Taon-taon na lang kung ayain nila kami pero palaging tumatanggi si Papa. Ang palagi nito dahilan ay busy s'ya sa negosyo namin, simula ng mamatay si Mama ay hindi ko na sila uli nakita. Tho, malapit lang naman ang bahay nina Lea sa amin, pero malayo-layo kasi ang bahay nina Lola.

"Pupunta ba tayo?" Tanong ko habang sumasandok, hindi na ako magtataka kung hindi s'ya pumayag. Umupo s'ya sa gilid ko at pinatong ang siko sa lamesa at pinatong ang baba sa kamay, nakahalumbaba.

"Oo."

Nabitawan ko ang hawak kong sandok dahilan para maglikha ng inggay. Nanlalaki ang mata kong tinagilid ang ulo para makita s'ya at sinuri kung totoo ang kan'yang sinasabi. Wala namang pinagbago sa mukha n'ya ganu'n pa rin, pangit. Chariz, baka palayasin ako!

Hinawakan ko ang noo n'ya at noon ko para pagkumparahin ang tempiratura. Nang pareho lang ay nilapit ko ang mukha sa mukha n'ya. "Seryoso ka, Pa? Anong nakain mo?"

Kumurap-kurap ako, nanliit ang mata n'yang tinulak ang mukha ko palayo gamit ang kamay n'ya. "Kita mong wala pang nakalagay sa plato ko tapos tatanungin mo kung anong nakain ko. Aba, malala na ata ang sakit mo, epekto pa 'yan ng pagiging broken?" Natatawang kinuha n'ya ang sandok at kinuha ako ng kanin.

I secretly rolled my eyes quietly and returned to my seat. "Kitang nagmo-move on 'yung tao tapos aasarin mo pa? Wow, ang galing! Best papa in the world." Sarkastikong sabi ko, umiling s'ya at inabot sa 'kin ang pinggan.

Kumuha ako ng itlog at ham habang sumasandok s'ya para sa sarili n'ya. "Shelvet Maureen 'Broken' Verga." Hagalpak s'yang tumawa na halos marinig na ng mga kapitbahay!

Umangat ang gilid ng labi ko. "Wow, hiyang-hiya naman sa 'yon. Mr. Sergio 'single' Verga."

Mabilis na umarko ang kilay n'ya. "Pasensya ka na pero kasal ako." Pinakita n'ya sa 'kin ang suot-suot n'yang singsing.

Hindi ko pinansin ang pagtawa at pang-aasar n'ya sa 'kin. E 'di s'ya na ang loyal! Ako na ang broken! Parang hindi kapamilya e, bakit gan'yan s'ya? Pinipilit ko namang magmove on pero dahil sa kan'ya 'di ko magawa!

Kasalukuyan akong nasa kiosks, nautusan pa ako ni Papa. Aasikasuhin daw n'ya kasi 'yun sa pinapatayo naming branch ng Creamy Taho. December 24 na ngayon pero natitinda pa din ako, nakakaiyak! Ang sabi ko sa sarili ko magtutulog ako e.

Naisipan ko na lang manood muna ng funny videos sa yt para maibsan ang inip ko. Madami-dami ang costumer ko ngayon halos wala na nga akong pahinga, ngayon na lang uli ako nakaupo ng matagal.

Tawang-tawa ako habang nanonood. Nakakalimutan ko ang mga problema ko. Mabuti pang ganito na lang ang lagi kong gawin, mas madali siguro akong makakamove on. Ewan ko ba si Francis halos tatlong taon kong kasintahan pero mabilis akong nakamove on, pero si Ethan parang ang hirap e, parang hindi ko kaya.

Napabuga ako ng hangin at nilipat ang video, sa mas nakakatuwa, 'yung tipong hindi na ako makakahinga. Para kung mamatay naman ako sa saya, hindi sa lungkot. O, 'di ba maganda ang pagkamatay ko, nakalagay sa cause of death ay kinapos ng hininga kakatawa. Hehe, mas maganda naman 'yun kaysa sa nagbigti kasi broken, aba, ayaw kong masabihang t@nga!

Naabala ako sa panonood ng may biglang bumili. Pinatay ko ang cellphone ko at nakangiting humarap sa consumers. Mabilis na naglayo ang ngiti ko sa labi nang makita kung sino 'yon.

Love And AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon