Love And Affliction 23

91 17 17
                                    

CHAPTER 23

Masaya kaming nagbubukas ng regalo. Pasko na... sa shoppee! Ang saya ng pasko ko ngayon, grabe! Binigyan pa kaming magpipinsan ng tig pafive thousands nina Lola! Bukod pa ang mga regalo.

Nagbigay kami ni Papa ng regalo sa kanila. Si Papa ang namili no'n since ako ang nagbantay ng kiosk namin kahapon. Tinabi ko ang mga natanggap kong regalo sa kwartong tinulugan namin, kasama ko doon sina Lea matulog kagabi. Si Papa ay natulog sa dating kwarto ni Mama at sina Tito naman ay sa dating kwarto ni Tita noong nakatira pa sila dito.

Umalis si Kally para mamasko, habang nagiinuman naman sa terrace ang matatanda. Syempre nakikipulutan lang si Lolo, may katandaan na si Lolo bawal na ang alak. Si Lola at si Tita naman ay nagluluto sa kusina. Naiwan tuloy kami ni Lea para maglinis.

Pinulot ko ang mga sirang wrapper, mga pinagbuksan 'yon ng regalo. Nang matapos ay pumunta ako sa garden sa may likod ng bahay. May pabilog na lamesa na napapalibutan ng apat na upuan sa gitna. Hindi ganoong kainit doon dahil may bubong.

Umupo ako do'n at nagunat-unat, nakangitu akong pumikit habang dinadama ang sariwang hanging ibinibigay ng mga halaman at bulaklak. Unti-unting kong minulat ang mata ko nang marinig kong tumunog ang bangko sa gilid ko. Bakal kasi 'yon kaya malakas ang tunog kapag inipod.

Nawala ang ngiti ko, napakamot ako sa gilid ng ilong at nagkross ng braso. Iniwas ko ang tingin sa kan'ya. May dala s'yang green paper bag, wari ko ay para sa akin 'yon. Hindi ako feeling, nakita ko kasi ang pangalan ko na nakasulat sa paper bag!

Naramdaman ko ang pag-upo n'ya. Sandali nabalot ng katahimikan nang magpasya siyang basahin 'yon.

"Kamusta ka na?" Wow? Parang hindi nagkita kahapon, ah?

Inayos ko ang nagulong buhok dahil sa hangin. "Okay lang, nakakasurvive pa naman." Narinig kong pinatong n'ya sa lamesa ang dala n'ya at bahagyan inipod sa harapan ko.

Tumingin ako sa kan'ya, nakatingin s'ya sa akin, sinenyasan pa akong buksan ang regalo. I sighed and start unboxing her gift. Kumunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang kahon  ng cellphone, IPhone 11 'yon! Aba, ang yaman naman. Para sa 'kin ba 'to? Kung ganto ba s'ya lagi ay talagang patatawarin ko s'ya! Joke!

Binuksan ko ang box at may cellphone nga! Ang nakakapagtaka lang ay wala itong plastic 'yung tinatanggal sa screen.

"Para saan naman 'to?" Tanong ko at tinaas ang cellphone. "Sorry to tell you pero magkakaroon na kami ng branch." Pagyayabang ko.

Napatawa naman s'ya doon at pabiro akong sinapok. "Baliw, hindi! Evidence 'yan."

Kumunot naman ang noo ko. "Evidence para saan?" Nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig. "Don't tell me may ginawa kang hindi mag- hmmm!" Tumayo s'ya para takpan ang bibig ko.

Binitawan n'ya rin agad. "Hindi! Buksan mo kasi para malaman mo!" I rolled my eyes at binuksan 'yon. "Hilig mo kasing magreact ng hindi inaalam ang totoo kaya ka nasasaktan e."

I play the video. Compilation ito ni... Ethan? Hindi lang pala s'ya, nandoon din si Francis, Paulina, at Andy.

"What do you mean by protecting her? Matanda na s'ya, why do I fvcking need to protect her?" Nakatutok sa mukha ni Ethan ang video, mahina akong napatawa, dahil hindi na naman mawari ang mukha n'ya.

"It's a dare! You can't do anything about it, y'know." Boses ni Lea sa video.

"Fvck, fine! Hanggang kailan ba?"

"1 month lang, basta kapag okay na s'ya pwede mo na s'yang iwan. Depende na lang kung gusto mong magstay, ayieee!"

Madaming scenes ang nasa video, isa na doon ang nagma-make out sila ni Francis. Ang pagkausap n'ya sa dati kong mga kaibigan. At ang nagpakirot sa puso ko ay ang pinakahuling parte ng video, Ethan... Umiiyak s'ya habang may soju at ilang can beer sa harapan, kung titignan ang nasa gilid ng video, masasabi kong nasa 7-11 sila.

Love And AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon