Love And Affliction 24

98 17 2
                                    

CHAPTER 24

Kinabukasan, umuwi na kami sa bahay. Grabe hanggang ngayon para akong nananaginip, hindi ko ine-expect na maganda ang magiging pasok ng taon. Marami man akong pinagdaan this year pero nakasurvive pa rin ako, I'm so proud of my self!

Nagba-bake ako ng brownies habang nageexperiment naman si Papa ng bagong flavor ng taho. Natigil kami sa paggawa nang may biglang tumawag, pamilyar sa akin ang boses na 'yun.

"Tao po!"

Nanlaki ang mata ko at tumingin kay Papa. Patakbo akong lumapit sa kan'ya at pinagtulakan papunta sa pinto.

"Pa, kausapin mo." Garalgal ang boses ko, kinakabahan ako, nanay 'yun ni Ethan, si Tita Becca!

Hinawakan ako ni Papa sa magkabilang braso. "Kausapin mo, hindi ko 'yan kilala. Tigilan mo nga ang pagngatngat sa daliri mo!" Mahinang bulyaw n'ya at pinitik pa ako sa noo.

Napahawak ako doon at hinimas. "Aray, Pa! Sakit ha!" Inis na bulong ko.

"Puntahan mo na, kanina pa tumatawag 'wag mong pagintayin." Binitawan n'ya ang balikat ko at muling bumalik sa ginagawa.

Tinaboy pa ako gamit ang kamay n'ya. Bumuntong-hininga ako at inayos ang damit. Lakas loob kong binuksan ang pintuan para harapan si Tita Becca.

Nanginginig ang kalamnan kong lumapit sa kan'ya, nagliwanag naman ang mukha n'ya at sumilay ang ngiti nang makita ako. Bahagya pa akong nagtaka nang makita ang hindi pamilyar na lalaki sa tabi n'ya.

May kahabaan ang buhok nito kaya nakatali, mukhang mas matanda lang ng dalawang taon kay Papa. Hindi mapagkakaila ang pagkagandang lalaki nito at medyo maskulado. Nakaparada ang itim na sasakyan sa likuran nila, hindi ako pamilyar doon, basta mamahalin, tapos.

"G-Good Morning po." Binuksan ko ang gate at lumabas para mas formal na harapin sila. Parang lalabas ang puso ko sa loob, ang lakas ng kabog.

"Good Morning, Shelly! I miss you, hindi ka na napunta sa bahay." Niyakap n'ya ako dahilan para mas lalo kong makita ang lalaki sa likuran n'ya. Ngumiti 'yon sa 'kin at nagalinlangan pa akong ngumiti pabalik. Napalunok ako nang kumalas sa pagkakayakap si Tita Becca. "Merry Christmas." May inabot s'ya sa aking limang paper bag, hindi ko alam kung saan n'ya nakuha ang mga 'yon.

Nahihiyang tinanggap ko 'yon. "T-Thank you po." Napalunok ako. "G-Gusto n'yo po pumasok sa loob? Hehe."

Umiling s'ya. "No need, Shelly. Dumaan lang kami para iabot 'yan and I want to invite you sa bahay para sa new year. Nabanggit kasi ni Ethan na nagaway daw kayo, kilala mo naman ako pakielamera. Punta ka ha? Hindi kasi kumakain si Ethan tsaka laging nakakulong sa kwarto. Hindi na rin makausap ng ayos, I know naman 'pag nalaman 'yang pupunta ka, hindi na siya magiging sad." Nanlaki ang mata ko nang hawakan n'ya ang kamay ko at nagpuppy eyes pa! Napalunok ako, sunod-sunod.

Gustuhin ko mang pumunta pero maiiwan si Papa ditong mag-isa, ayaw ko namang malungkot s'ya. Ako na lang ang kasama n'ya at ayaw kong maramdaman n'yang mag-isa lang s'ya, lalo na't sasalubungin namin ang taon.

"'Wag mong pakabahin 'yun bata." Inalis n'ya ang kamay ni Tita Becca na nakahawak sa kamay ko. "Choice n'yang hindi kumain at magmukhang meserable. It's okay, Iha. We understand kung hindi ka makakapunta, you have your family to spend your new year with."

Saktong pagkasabi n'ya doon ay lumabas si Papa. Nakahinga ako nang maluwag ng lumapit s'ya sa amin. Wala naman kaso sa 'kin kung pupunta ako sa kanila, actually maganda nga 'yun para makapag-sorry na ako kay Ethan. Kating-kati na kasi akong makita s'ya lalo na't nalaman kong hindi s'ya kumakain o lumalabas manlang sa kwarto.

"Maganda umaga, you're Shelly's Dad right?" Tanong ng kasamang lalaki ni Tita Becca, wari ko'y asawa, hindi ako sigurado, kamukha kasi ng magkapatid si Tita Becca.

Love And AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon