CHAPTER 11
Palubog na ang araw at malapit nang magsimula ang Mr. & Ms. Mathalino Pageant. Kasama sa program ng math fair 'yun. Ala sais na ng gabi at naisipan kong ayain si Ethan kumain dahil nagugutom na ako.
"Ehm, kain na us." Nasa sulok siya, nakapupo sa monoblock, as usual nagce-cellphone.
Tumingin s'ya sa 'kin at tinago ang cellphone. Inaya ko siyang pumunta sa isang tindahan sa may entrance ng gymnasium. Once na pumasok kasi kami ay bawal na lumabas, baka daw kung saan pa pumunta.
Nakapantulog kami, ang cute ngang tignan ni Ethan, ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng gan'yan. All black ang suot niya, nakikita pa naman siya dahil maputi siya. Naka-light blue naman ako, hindi kasi ako maputi, sakto lang ang kulay ko hindi maitim at hindi rin maputi.
"Nabusog rin."
Kanina pa ako nagugutom, hindi lang ako nabili kasi sayang sa pera. Nagtitipid ako ngayon, malapit na kasi ang pasko.
Natapos kong kainin ang inorder kong adobo at kanin. Tinapon ko ang paper meal box sa tabi, sa basurahan. Ganu'n din naman ang ginawa ni Ethan pagkatapos niyang kumain.
Nakakahiya ngang tumabi sa isang 'to 'pag kakain, napakasosyal. 'Yung pagsubo niya sa kutsara pa-sweet lang, samantalang ako kulang na lang ipagsalaksakan ang kutsara sa bibig.
"Ethan! Malapit na magsimula 'yung pageant, tara na sa loob!"
"Chill, young lady. Hindi ka tatakbuhan no'n." Natatawang sabi niya pero kaagad ding sumunod sa akin papunta sa loob.
Kakaunti lang ang upuan at marami nang naka-upo du'n. Wala kaming nagawa kundi puwesto sa gilid, kung saan hindi gaanong matao, nandoon din ang iba naming mga kaklase. May kanya-kanyang banner ang mga estudyante, sinusuportahan ang kanilang representative.
Mayroong dalawang representative bawat grade level, sa amin ay si Lea at hindi ko kilalang lalaki. Napatakip ako sa tenga at bahagyang napapikit nang biglang tumugtog ang malakas na musika.
Lumabas ang isang grade 7 babae at nagmodel sa stage, nabalot ng malakas na sigawan ang gymnasium. Ganu'n din sa mga sumunod iba't ibang pangalan ang sinisigaw nila!
Hanna! Hanna! Hanna!
Rowenaaaaaa!
GALILEA COTIZ!
"Galilea Marie Cortiz, 15 years old, representing grade 10!" Pagkatapos niyang magpakilala ay muli siyang nagmodel paalis.
Mabilis ang naging takbo ng pageant, nagpakitang gilas sila ng mga talent nila. Ang ginawa ni Lea ay sumayaw, sa tugtog na Taki Taki nina Selena Gomez. Pamilyar ang steps na sinayaw niya, mukhang kumopya siya sa yt.
Sa huli ay grade 12 ang naging Ms. Mathalino at grade 11 naman ang Mr. Mathalino. Nasungkit naman ni Lea ang 1st place, 'yung nanalong Ms. Mathalino ay ang dating Ms. St. Valentine, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit s'ya nanalo.
Akala ko ay tapos na ang program, pero may magaganap pa lang party-party, 'yung katulad ng mga nasa club. Hindi ako mahilig sa ganito kaya pumunta ako sa gilid, nakakahiyang makisayaw sa ibang tao.
"Why don't you join them?" Nakuha ni Ethan ang paningin ko, tumayo siya sa tabi ko habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagsasayawan.
I shrugged my houlder. "Hindi ako mahilig sa mga ganan." Pag-amin ko.
Nabalot ng kami ng katahimikan, tanging malakas na patugtug at sigawan ng mga tao ang aking narinig. Nang tumuntong ang alas diyes ay pinapasok na kami sa room, kung saan kami matutulog.
Nakaayos na ang mga gamit ko. Dalawa nga pala ang mattress na dala ni Ethan, manipis lang 'yon pero komportable kapag humiga, malambot. Nilatag ko na lang ang dala kong makapal na panlatag para hindi madumihan ang ilalim ng mattress.
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou