Love And Affliction 12

85 19 0
                                    

CHAPTER 12

"W-What?"

Nabalik ako sa huwisyo, hindi ako nagsalita, nanaliti lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak n'ya at nagawa n'ya 'yon, nakakabigla at nakakainis.

Naiinis ako sa sarili ko, dahil may parte sa aking nagustuhan ang ginawa n'ya. Pinangako ko sa sarili kong hindi na uli ako papasok sa isang relasyon dahil sa traumang binigay ni Francis. Nagbreakdown ako dahil 'dun, nawala ako sa sarili, nasaktan ng sobra.

Isang butil ang tumulo mula sa mata ko, pababa sa baba. "B-Bakit... mo ginawa 'yon?" Mabigat ang naging paghinga ko. "A-Akala k-ko ba m-magkaibigan tayo?"

Nakita ko ang sunod-sunod na paggalaw ng adam's apple. Mabagal akong tumungo, hindi ko s'ya kayang titignan ng matagal, naalala ko ang nangyari. Pakiramdam ko'y umiinit ang pisngi ko kapag naalala 'yon.

He sighed heavily. "I-I don't either..." Hindi ako nagsalita, hinayaan ko s'yang magpatuloy. "When I say you earlier, hindi ko napigilan ang sarili kong 'wag gawin 'yun."

Inangat ko ang paningin ko upang tignan siya, nakayuko s'ya, nilalaro ang kamay. "So, Kasalanan ko?"

Tumingin s'ya sa akin at bahagyang umiling. Bumuntong-hininga ako, tumalikod ako sa kan'ya akmang maglalakad na 'ko palayo nang hawakan n'ya ang kanang kamay ko. Bumilis ang tibok ang dibdib ko at tinignan ang kamay n'yang nasa kamay ko.

"Where are you going?" Bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Babalik na 'ko." Pagtukoy ko sa silid na tutulugan ko.

Ayaw ko s'yang makita, gusto kong lumayo muna sa kanya. Para akong napagod bigla, gusto ko na bumalik at matulog.

"W-Wait, I have something to tell you." Matamlay ko s'yang tinignan, suminghap siya nang sariwang hangin. "I-I don't know how to address this, pero nang una kitang makita, I just felt like you were totally unique; you were the only one who could make me feel this way."

Is he confessing to me? Muling nagparamdam ang kabog sa dibdib ko.

"Maureen, I'm Ethan Miles Dizon, and I'd like to tell you how much I like you."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig, hindi ako makapagsalita, ngayon malinaw na sa 'kin kung anong nais n'yang iparating. Pinigilan kong magpakita ng reaksyon, ayaw ko s'yang bigyan ng motibo o kung ano.

I gave him a tiny smile, huminga ako ng malalim. "Ehm..."

"Y-Yes?" Tinignan ko siya, inaabangan n'ya ang susunod kong sasabihin.

"Ethan..." Tumulo ang luha ko, hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin sa kanya, ayaw ko s'yang masaktan. "S-Sorry." Iniwas ko ang tingin sa kan'ya, ayaw kong makita ang reaksyon n'ya.

'Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko ang katagang 'sorry', paulit-ulit kong sinabi 'yon sa kanya. Nagsimulang mabuo ang takot sa dibdib ko, baka iwanan n'ya rin ako dahil dito.

Sorry, pero hindi ko pa kayang pumasok sa isang relasyon, natatakot ako, natatakot akong masaktan uli. Akala ko kapag nasa loob ka ng isang relasyon puro masasayang alala ang mabubuo n'yo ngunit nagkamali ako.

We remained silent for a while. Nang sabihin ko 'yon ay hindi s'ya tumugon, gusto ko siyang tignan at yakapin pero wala akong lakas ng loob para gawin 'yon. Pinagmasdan ko ang puno sa gilid na patuloy sa pagsayaw.

"I understand." He said after a long silence. Mabilis akong napatingin sa kanya, nakangiti s'ya ngunit kita ko ang hinanakit sa mata. "I used to reject someone, pero hindi ko alam na ganito pala ang feeling na ma-reject."

Love And AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon