CHAPTER 21
Nasa school ako, ito na ang huling araw na papasok ako ngayong taon. Christmas party na! Pagkatapos nito pwede na akong magpahinga, hindi pumanaw ha, magpahinga kakaaral.
Gusto kong i-enjoy ang christmas break. Gusto kong makapagrelax-relax, pagpapahingahin ko ang utak ko. Kasalukuyan akong naka-upo sa gilid katabi ko si Blessie, nagsisimula na ang party. Nakasuot ako ng maong jeans at hanging striped shirt.
Naghost ang kaklase kong si Elise. Tinawag n'ya ang grupo nina Ethan na magsasayaw. Napaiwas ako ng tingin nang magsimula silang magsayaw. Tumaas ng kaunti ang puti n'yang t-shirt nang itaas n'ya ang kamay. He was wearing black pants and white shirt topped with a black long sleeve.
Nang matapos silang magsayaw ay bumalik sila sa bangko nila. Saan nakaupo si Ethan? Sa kabilang dulo siguro, hindi, nasa tabi ko s'ya. Sa kanang bahagi si Blessie at sa kaliwa naman si Ethan.
Ayaw pa sana ni Blessie patabihin si Ethan sa 'kin kaso wala nang choice kasi 'yun na lang ang bakanteng upuan. Nahuli kasi ng dating ang mokong, tat@nga-t@nga. Hindi ko nga alam kung nagpahuli ba siya o ano.
Kasi nang umalis kami ni Blessie kanina para puntahan si Lora ay wala pang nakalagay sa katabi kong upuan pero pagbalik namin may nakalagay na doon. Tsaka nga lang namin nalaman na si Ethan ang may ari no'n nang umupo s'ya.
Nagsimulang magpalaro ng 'bring me'. Sobrang active ni Blessie, samantalang hindi kami kumikibo ng isa kong katabi. Hindi ako mahilig sa mga ganitong palaro, hindi kasi ako nananalo, sinasayang ko lang energy ko.
"Ren, aba, galaw-galaw. Baka mamaya tigas ka na d'yan." Hingal na sabi ni Blessie pagkabalik dala ang napalanunan n'ya.
Binuksan n'ya 'yon at ballpen ang bumungad sa kan'ya. Padabog n'yang tinago ang ballpen sa paper bag na nasa likod n'ya. Pang-ilang ballpen na n'ya 'yun, magkakaiba lang ang design.
Napahagalpak ako ng tawa. "Collection lang?" Pang-aasar ko.
Pikon naman s'yang humarap sa 'kin. "Letcheng ballpen 'to, wala na ba silang ibang pa-prize? Ang kuripot naman, araw-araw naman akong nagbabayad ng class fund ah!"
Oras na para sa exchange gift. Natanggap ko ay ang school supplies, as expected kasi 'yun ang nilagay ko sa wish list. Nilagay ko sa gilid ko ang bag na pinaglalagyan no'n.
Nagulat ako dahil pagharap ko ay may nakalagay ng pulang paper bag sa desk na inuupuan ko. Tumingin ako kay Ethan, bahagya akong napahawak sa dibdib ng makitang nakatingin s'ya sa akin. Mabilis kong kinuha ang paper bag ang inalagay 'yon sa desk n'ya.
Ngayon na lang uli n'ya ako pinansin, simula kasi nang magbreak kami ay iniiwasan na n'ya ako. Sineryoso n'ya ang sinabi ko, may parte sa aking nalungkot pero nagibabaw pa rin ang pride ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kapag wala s'ya palagi ko siyang hinahanap tapos kapag nandyan s'ya ayaw ko s'yang makita, ewan ko ba, magulo din ako e.
"Accept it, it's from my mom." Hindi ko s'ya pinansin, humalumbaba ako habang pinagmamasdan ang ibang nagbubukas ng regalo.
Puwesto kasi sa gitna si Blessie katulad ng ilan, doon sila nagbukas ng regalo. Malaki ang ngiti n'ya sa mukha kumpara kanina, mukhang maganda ang nakuha n'yang regalo.
"Accept it," he commanded.
Inis kong kinuha ang regalo sa desk n'ya. Akala ko ay hindi na n'ya ako pepestehin kapag kinuha ko 'yon pero hindi, mas lalo n'ya akong kinulit!
"Open it," he said with authority.
Inis ko s'yang hinarap. "Tinanggap ko na't lahat-lahat, ano pa bang gusto mo?"
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou