CHAPTER 8
"What do you want to eat?"
Naglalakad kami papuntang canteen, lunch time na kasi.Nagmamadali kami dahil ang matitirang oras ay gagamitin namin sa pagpa-practice ng folk dance. Malapit na ang science fair at hindi pa namin kabisado ang buong sayaw.
"Ikaw?" Tanong ko.
"Sure, sa'n mo ba 'ko gustong kanin?" I stopped walking as my jaw dropped. "Kaso, I'm mahal ha. Where do you want to eat me? Your house or mine? Or maybe hotel? Vacant room? Toilet?" He teased.
Hinampas ko siya sa balikat. "Anong pinagsasabi mo? Bastos! CR? Kadiri nakakasuka!" Tumawa lang siya.
I remembered again what happened in CR back then, it's traumatic. Simula ng nangyari ang insidenteng iyon kapag pupunta akong CR pakiramdam ko ay may masasaksihan na naman akong gano'n senaryo, napakalaswa.
"Ya, I'm just kidding, y'know." Muli ko siyang hinampas
"Ew, kadiri ka pa rin! Nasa public place ka e, kung ano-ano pinagsasabi mo." I rolled my eyes. "Normal lang siguro sa mga lalaking maging bastos at magloko." Dugtong ko pa.
Tumaas ang isang kilay niya. "Excuse me?" Maarteng tanong nito. "Hindi ako katulad ng ex mo 'no. Tsaka 'wag mong nilalahat, hindi naman lahat manloloko. You just simply went to the wrong person."
I sighed. Siguro nga tama siya, napunta lang ako sa maling tao, napunta ako kay Francis na manloloko. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang nangyari ang bagay na iyon. Madalas ko ring makitang magkasama sina Francis at Lea. Hindi naman ako apektado na doon dahil nakamove on na ako, salamat kina Blessie at Ethan, narealized ko ang worth ko.
"Why don't you... nevermind. Let's go, I'm starving." Hinila niya ako papunta canteen, wala naman akong nagawa kundi sumunod.
Kasalukuyan kaming nasa classroom, kakatapos lang ng practice namin kaya ubos na ubos ang energy ko. Kanina pa ako papikit-pikit, inaantok. Ayaw ko namang matulog baka biglang dumating ang teacher mapapalitan pa ako.
Kabisado na namin ni Ethan ang mga steps. Pero nagkakamali kami minsan dahil sa 'kin, madalas ko kasing makalimutan ang kasunod na steps pati tuloy ang iba nadadamay. Nilaro ko ang ballpen sa kamay ko, pinipigilang makatulog.
"You, tired?" Antok akong humarap kay Ethan at tumango.
Bukas ang tatlong botones ng uniporme niya, kita ang kanyang sando sa loob. Hindi siya matso, hindi sa judgemental ako pero sakto lang ang katawan niya. Tinanong ko noong minsan kung may abs siya pero sabi niya wala. Nasabihan pa nga n'ya akong pervert dahil sa tanong ko pero curious kasi ako! Si Francis kasi may abs kasi nagwo-workout siya tsaka basketball player siya. Paniguradong nakuha niya 'yun sa training niya.
"Sleep." Umiling ako at tumango naman siya. "Gigisingin na lang kita 'pag malapit na magtime."
Pabagsak kong pinatong ang mukha sa mga librong nasa armchair ko. Antok na antok na ako, parang isang linggo akong hindi natulog. Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.
Naalimpungatan ako nang may marahang humahaplos sa buhok ko. Naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi ako kumibo nanatili ako sa posisyon ko, tuluyan kong minulat ang mata ko.
Nakapatong ang noo ko sa braso ko. Humarap ako sa gilid, kung saan narinig ang boses. Napasinghap ako at nanlaki ang mata. His and my lips are linked!
Mabilis akong humalis sa pagkakahiga ko dahilan upang malaglag ako sa upuan at mahulog sa sahig.
"Fvck!"
Kaagad siyang lumapit sa akin upang tulungan akong makatayo at umupo. Nakahawak sa likod ang bumalik sa upuan. Pero hindi iyon ang nasa isip ko ang nasa isip ko ay 'yung nangyari kanina! YUNG FIRST KISS KO!
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou