CHAPTER 15
"Let's chat." Napatingin ako kay Ethan na hawak-hawak ang Iphone 11 niya, nandoon ang atensyon.
"Wala akong load. Bakit pa magcha-chat e, magkatabi lang naman tayo." Inismiran ko s'ya, nasa classroom naman kami e.
Kakatapos lang naming maglunch at may time pa kami para magpahinga. Kung ano-ano ang pumasok sa utak ko. Isa na doon ang mga nangyari noong sabado. Napaka-unexpected talaga ng nangyari, buruin mo 'yon, sinauli ko lang 'yung wallet nung babae tapos Mama pala siya ni Ethan. Pakiramdam ko tuloy itinadhana kami, I mean itinadhanang magkakilala!
"Dali na, may i-sesend lang ako." Pangungulit n'ya.
Labag sa loob kong kinuha sa bulsa ng palda ang cellphone, hindi 'yon mahal katulad ng kanya dahil Samsung lang 'yon. Nakakasura ang kakulitan n'ya minsan, nakakaasar.
Parang puputok lagi ang litid ko kapag lumalabas ang kakulitan n'ya. Katulad ng sabi ko noon, mas makulit pa s'ya sa makulit, siya na nga ata ang hari ng mga makukulit.
Binuksan ko ang mobile data, nakafree data lang ako, sayang kasi kung magpapaload may wifi naman kami sa bahay, hindi kami sobrang hirap. Nakakaluwag-luwag din naman kami minsan at dahil 'yon sa pagsisikap ni Papa.
Nagpop up ang chat ni Ethan, binuksan ko 'yon. Sinulyapan ko s'ya at nakangiti s'yang nakatingin sa akin.
Ethan The Rich
12:37 AMEthan The Rich
Good morning maureen❤ mahal kita❤ sana mahal mo rin ako❤ Kidding! I just want to tell na gusto ko 'tong sabihin🙂 Sana malaman mo kung gaano ka kaimportante sa akin because your important🤭 And I want you to know that I love you kasi mahal kita🥰 I want to tell you na pababayaan kita kasi kaya mo na ang sarili mo, malaki ka na😁 I also want you to know that ang maganda ay ikaw👧, ang pangit ay ang ex mo🧔, at ang gwapo ay ako👨. Ikaw ang mundo ko🌏, ang unggoy ay ang ex mo🐒, ang bagay ay tayo💑. 'Yun lang, halabu😍
I smiled and placed the phone on my desk after reading his stupid message. Nakangiti ko s'yang sinenyasan na lumapit sa akin, noong una at ayaw n'ya ngunit nang magbago ang ekspresyon ko ay lumapit s'ya, walang nagawa.
Nang makalapit sa akin ay kaagad kong hinuli ang tainga n'ya para pingutin. "Ouch, fvck!" Mahinang pagdaing n'ya.
"Anong kalokohan na naman ang sinend mo sa 'kin ha?" Mas lalo kong piningot ang tainga n'ya dahilan para mapalunod s'ya sa harap ko. "Bakit ganyan ka magchat? Ang sama tignan, ang cringe!"
Kakaunti pa lang kaming nasa room kaya kahit mapatatas ang boses ko ay ayos lang.
"Please, bitaw, M-Mahal... my ear is pricey."
Binitawan ko ang tainga n'ya ng makitang namumula na 'yon. Mabilis naman n'ya yung hinimas-himas, nang makita ko ang mata n'yang namumula ay napakagat ako ng labi.
Shit, hindi ko naman alam na nasaktan talaga s'ya. Mahina lang naman 'yung pagkakapingot ko e, promise! Bakit namula? Ewan, sensitive lang talaga s'ya.
Mas lalo akong naguilty nang tumalikod s'ya sa akin, hawak-hawak pa rin ang tainga. Sinubukan ko siyang kalapitin, parang tumalon ang puso ko ng humarap s'ya sa akin pero hindi 'yon nagtagal. Lalo na't hindi 'di ko mawari kung anong ekspresyon ang nakakabit sa mukha n'ya, mamumula ang mata, ilong at pisngi, paluha na s'ya!
Napakamot ako sa sentido. "Hehe, sorry." Suminghot lang s'ya at nagiwas ng tingin, hindi pinansin ang paghingi ng sorry ko! Napakagat ako ng labi at nakaisip ng pilyong solusyon para patawarin n'ya. "Gusto mo kiss?"
Mabilis n'yang lumingon sa akin, nagliliwanag ang mukha, mabilis tumango. Sabi na nga ba, basta sa mga ganyang bagay, d'yan s'ya magaling.
"Asa!" Tumawa ako nang mawala ang ngiti n'ya sa mukha. Bumagsak pa ang balikat n'ya, naghalukipkip s'ya na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou