Love And Affliction 2

180 24 13
                                    

CHAPTER 2

Lumipas ang ilang araw at hindi na ako masyadong naapektuhan sa mga nangyari. Wala naman akong magagawa kung ayaw nila sa akin edi ayaw nila, hindi naman ako 'yung tipo ng taong ipagpipilitan ang sarili sa kanila. Hindi makapal ang mukha ko para gawin ang bagay na iyon, magmumukha lang akong kaawa-awa.

Papunta akong banyo, kanina pa ako naiihi. Mabuti na lang at biglang nagkaroon ng meeting ang mga teachers kaya wala ang kasunod na subject namin. Malayo-layo ang CR na pupuntahan ko, mapalot ang CR sa building namin ang lalamog ng mga umiihi doon hindi nagbubuhos pagkatapos umihi. Nadala akong pumunta doon dahil may nakita akong nakakadiring bagay pati yung bowl ay maron.

Halos masuka ako dahil sa naalala ko. Nang makarating ako sa CR ay kaagad akong pumasok doon. My eyes widened, nabitawan ko ang hawak kong ballpen na naglikha ng ingay. Napatigil si Francis sa paghalik kay Lea, gulat siyang napatingin sa akin!

Parang umurong ang ihi ko. Nanginginig ang mga kamay ko, I saw them making out! Nakaupo si Lea sa gilid ng sink, nakabukas ang tatlong botones puting blouse kita ang pulang brassiere at nakakalat sa sahig ang itim na palda. Nasa harapan niya si Francis na magulo ang buhok at gusot ang nakabukas na polo.

Hindi ako makapagsalita, nais kong tumakbo paalis ngunit hindi ko magawa. Para akong tangang nakatingin sa kanila, sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Ito ba 'yung tinutukoy ni Lea noon?

Napuno ng galit ang dibdib ko, nanlilisik ang mata. "A-Ang bababoy n'yo! Sa dinami-dami ng lugar dito n'yo pa naisipang gawin ang kabababuyan n'yo?!" Tumulo ang luha ko.

"R-Renren, leave..." Nakatungo siya, hindi umalis sa posisyon kanina.

"F-Francis? Anong ibig sabihin nito?!" Hindi ko mapigilang hindi sumigaw. "Ang kapal ng mukha mo, hindi mo ba naisip na maaari kang makabuntis sa ginagawa mo, ha!"

He glared at me, umuusok ang ilong niya, bahagya siyang lumapit sa akin. "Ano bang pakialam mo?" Inis na tanong niya at marahas akong hinawakan sa braso.

"Malamang may paki ako, girlfriend mo ako, Francis. Nakalimutan mo ba? Kaya ka ba nakikipaghalikan sa kaniya kasi nakalimutan mo na?" Pinaghahampas ko ang dibdib niya. Ang sakit, napakasakit!

Sunod-sunod na umagos ang luha ko. Nanghihina akong napaupo, napahilamos ako sa mukha. "Hindi pa ba ako sapat?"

"I don't deserve you, I deserve Galilea, who's better than you."

Halos maguho ang mundo ko sa sinabi niya. Napahagulgol ako. Nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga salitang iyon.

I don't deserve you, I deserve Galilea, who's better than you.

I don't deserve you, I deserve Galilea, who's better than you.

I don't deserve you, I deserve Galilea, who's better than you.

"Leave, leave us alone." He said coldly.

"A-ang kapal ng mukha mo! Manloloko ka! Akala mo ba deserve ko ang katulad mo!" Hinampas-hampas ko ang binti niya. "Nakakahiya ka, nakakadiri ka, napakababoy mo! Ilang taon ka pa lang pero ganan na ginagawa mo!"

Napasabunot ako sa ulo ko at tumayo, umiikot ang paligid. Humarap ako kay Lea na ngayo'y inaayos ang suot niya. Muling pumasok sa isip ko ang ginawa niyang pagagaw sa kaibigan ko.

"At ikaw babae, alam ba ng magulang mo ang pinaggagawa mo? Napakababoy mo! Naturingan kang pinsan, kinuha mo na mga kaibigan ko pati ba naman boyfriend ko?!"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko, nilalamon ako ng galit. Kinagain ako ng emosyon ko, dahil upang magawa ko ang mga bagay na hindi dapat. Lumapit ako sa kanya at kaagad na hinatak ang buhok.

Love And AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon