CHAPTER 13
"Let me help you."
Kinuha n'ya ang lunch box na hawak ko kung saan nakalagay ang paninda kong brownies. Kasalukuyan kaming nasa room, vacant class namin. Buruin mo kakatapos pa lang ng first subject namin vacant agad.
"O, iyo na, kailan ka ba hindi tumulong?"
Tumawa siya. "Patapusin mo muna ako, sabi ko let me help you to eat this." Kumuha s'ya ng brownies, akmang isusubo na n'ya ang 'yon nang mabilis kong pinasok sa bibig n'ya ang crumpled paper, na nasa desk ko.
Scratch ko 'yun kanina sa math, nagquiz kasi kami. Binalik ni Ethan ang brownies, mabilis kong kinuha ang lunch box nang iluwa niya ang papel sa table ko! May laway pang kasama, bastos!
"Yuck, ewww!" Nagkunwari akong naduduwal, kinuha n'ya ang panyo sa bag n'ya at pinunasan ang gilid at ibaba ng labi. "Kadiri ka, Ethan, nanliligaw ka tapos gan'yan ka pala." Natatawang sabi ko, ang cute n'yang asarin, palaging nakakunot ang noo at hindi maipinta ang mukha.
"Tsk, ako pa ang kadiri? After you put that fvckening shit paper inside my mouth." Nakaturo s'ya sa papel at tinignan iyon ng may pandidiri.
"Aba, paano na lang kung naging papel ako? Baka murahin mo rin ako tsaka pandirian!"
Umangat ang gilid ng labi n'ya. "Kung nagiging bagay ka lang din naman e 'di hihilingin kong maging bagay din. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?" Salubong ang kilay na tanong ko.
"Para bagay tayo." Malaki ang naging ngiti n'ya. Sa pagkakataong ito ako naman ang umangat ang gilid ng labi.
"Corny, cringe, cringey! Pero maganda 'yan ha, napapadalas ang pagtatagalog mo, hindi na ako mahihirapang kausapin ka." Napansin kong nasa desk ko pa rin ang papel na may laway n'ya. "Linisan mo 'yan!" Utos ko, akala ko ay magrereklamo s'ya pero pumilas siya ng malinis na papel sa notebook at gamit 'yon kinuha n'ya ang papel na niluwa niya.
Hindi pa s'ya natapos, kumuha s'ya ng wipes at alcohol sa bag n'ya. Nagspray siya ng alcohol sa desk ko at tinuyo 'yon gamit ang wipes. Unti-unting gumuhit ang malademonyong ngiti sa labi ko nang makaisip ako ng kalokohan.
"Basaa! Paano ko ipapatong ang braso ko? E, 'di mababasa ako?!" I bit my lower lip to hold my laugh, humugot siya ng hangin at hinipan ang desk ko para madaling matuyo. "Bait naman ng aso ko." Natatawa kong ginulo ang buhok niya gamit ang kamay.
Napansin ko ang maya't mayang pagtingin ni Francis sa direksyon namin, nasa pinakadulo kasi siya, hagip siya ng paningin ko kapag nakaharap ako kay Ethan. Hindi ko malaman kung anong nais n'yang iparating do'n, muli s'yang tumingin sa direksyon namin at saktong nagtama ang mata naming dalawa. Mabilis s'yang nag-iwas, kinuha ang notebook at kunwaring nagsulat doon.
Nabaling ang atensyon ko kay Ethan nang magsalita s'ya. "Kung pagiging aso ang solusyon para maging sa 'yo, pwes simula sa araw na 'to aso na ako." Pinigilan kong ngumiti, sinundot n'ya ang tagiliran ko kaya napaiktad ako at bahagyang lumayo sa kanya. "Your blushing." Pang-aasar n'ya.
"Asa, tara magbebenta na."
Hindi n'ya ako hinayaang magbenta, sabi n'ya siya na raw ang bahala. Mukhang maganda rin pala ang may manliligaw, para ka na ring may katulong, joke! Baka isipin n'ya na inaalipin ko s'ya.
Umupo siya sa upuan niya, nakaharap sa akin. Nilapag n'ya sa desk ko ang perang napagbentahan n'ya maraming barya, pero mas lamang ang buo.
"Bilis mo naman magbenta."
He winked at me. "It's just me." He said proudly, nakataas pa ang noo.
"Yabang." Bulong ko at nagsimulang bilangin ang pera. Pitumpo ang lahat ng brownies at kinse ang isa, kaya 1050 dapat ang napagbentahan n'ya. Saktong 'yon ang kinalabasan ng pinagbentahan n'ya hinati ko ang pera, bake tig 525 kami ni Ethan.
BINABASA MO ANG
Love And Affliction
Romance[COMPLETED] A high school student who was used by her friends, cheated on by an ex-boyfriend, and despised by her cousin. Book cover made by: Sai Satorou