(Completed)
•••
Meet Kinleigh Paloma 'Kipay' Y. Tigasin, the pretty and badass girl of Barangay Talak. Isa siyang maganda at tigasing tindera ng mga sariwang gulay at prutas sa kanilang palengke. Isa man siyang siga, feeling gangster at chismosa ngu...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Nagkatinginan kaming pito habang kumakain si Bea, iyong babaeng tinulungan namin. Nakaligo na rin ito at pinahiram ni Hopia ng damit. Kumakain na siya ngayon at mukha talaga siyang gutom na gutom.
Abala ako sa panunuod sa kaniya nang maramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Moy sa tagiliran ko. Napalingon ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
"Ano'ng gagawin mo kay Mayor ngayon? Tigas din kasi ng bungo mo," bulong niya dahilan para ngumuso ako at napakamot sa kaliwang kilay.
Kanina ko pa nga rin naiisip kung ano'ng gagawin ko kay Mayor. Bakit nga ba kasi ako padalos-dalos sa desisyon sa buhay? Mukhang ito na yata ang huling desisyong magagawa ko sa buhay na ito. Nakakalungkot.
Ano nga ba ang maling napansin ko kanina? Ni hindi ko na magawang itanong kay ate Bea ang bagay na iyon. Sana wala na lang akong napansin na mali para hindi ako naging papansin kanina roon at naging bida-bida.
Pero, ano pa nga ba nga ba'ng magagawa ko? Natapos na. Nagawa ko na. Nagpapansin at nagbida-bida na 'ko. Wala na akong magagawa kun'di ang harapin ang dapat na harapin. Ako si Kipay Tigasin ang hindi tumatalikod sa kaniyang responsibilidad.
"Kipay! Nandito si Mayor kasama ang magulang mo!" sigaw ni Rumi na nagmamadaling pumasok sa bakery shop na pinagtatambayan namin ngayon.
Nanlaki kaagad ang mata ko at biglang nanginig ang kalamnan.
"Ano?!"
"Tanga, kasama ni Mayor sina Aling Kely at Mang Kanor! Patay ka!" malakas pa na pang-aasar ni Juday na kaagad kong sinamaan ng tingin.
"Funny mo. Huwag mo ng uulitin 'yan ah," sarkastiko kong tugon. Tumawa siya at naglagot-sign.
"Lumabas na tayo!" suhestiyon ni Moy na siya mismong nagtulak sa'kin papunta sa pintuan ng bakery shop.
Napailing-iling ako habang pinagtutulungan nila 'kong itulak.
"Save me, Mari! I don't want to die," naiiyak kong sigaw kay Marisol na siyang hindi kasali sa pagtutulak sa'kin. Ngunit umiling lang siya't nagthumbs up sa'kin. Nanlumo ako sa ginawa niya.
Pagkalabas nami'y marami ang mga tao. Kinakabahan man ako sa awra ni Mayor pero mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mga magulang ko na may dala-dalang arnis. Napasimangot ako at nagmamakaawang tumingin sa kanila.
"Ikaw ba si Kinleigh, iha?" Napakurap ako't napatingin kay Mayor. Bahagya akong tumango at saka napakamot sa kaliwang kilay.
"Ako nga ho, Mayor," kunwari ay hindi ako kinakabahan ngayon. Iniisip ko lang ang mga mukha ng mga pamangkin ko'y nawawala na ang kaba sa dibdib ko pero putangina, biglang pumasok sa isip ko sina Nanay at Tatay na may hawak na mga arnis. Wala na, bigla ulit akong kinabahan.