Chapter 6

150 11 0
                                        

Kinleigh Paloma Tigasin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinleigh Paloma Tigasin

***

Kumunot ang noo ko habang sinisilip ang nagkukumpulan sa stall ni Mang Dani, ang paborito naming nagtitinda ng fishball dito sa barangay Talak.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa isang lumang bench na gawa sa semento at saka lumapit sa kaguluhan. Taas noo kong hinawi ang mga binatilyong nagsisiksikan sa stall, mukhang nag-aagawan sa tinitinda ng matanda.

"Hoy, umayos nga kayo! Mga patay gutom!" pananaway ko dahilan para lahat sila'y mapalingon sa'kin.

Namaywang ako't tinaasan sila ng kilay. "Ano'ng tinitingin-tingin niyo? Pumila kayo ng maayos!" utos ko sa malakas na boses bago ko sila isa-isang pinagpapalo sa puwet.

Ang iba'y nagsireklamo habang ang iba nama'y tila nahiya sa ginawa kong paghampas sa kanila. Kilala naman nila 'ko, pero hindi ko sila kilala dahil sa mukha ko lang sila natatandaan. Hindi kasi talaga ako magaling tumanda ng pangalan lalo na kapag wala naman akong pake sa tao.

Nginitian ko si Mang Dani at lumapit sa kaniya.

"Huwag kayong mataranta, Mang Dani. Inayos ko na ang patas nila," nakangiti kong turan na kaniyang tinawanan. Baliw yata 'tong matandang 'to, buti sana kung kumpleto pa bagang niya e.

"Ate Kips, ano'ng mas magandang brand ng sigarilyo? Gusto kasi namin magtry," napalingon ako sa isang binatilyong lumapit sa'kin. Teka nga, kilala ko 'to e, ano nga'ng pangalan nito? Nathan?  Nath?

"Sa'kin ka pa nagtanong e, hindi naman ako naninigarilyo. Echosero ka," nakangiwi kong sagot saka siyang binatukan.

"At saka, ikaw! Ilang taon ka na ba at gusto mo ng manigarilyo? Alam mo ba na mababawasan ang buhay mo kapag sumubok ka n'yan?" pananakot ko na kaniyang inilingan.

"Sabi nila 5 minutes daw ang mababawas pero ayos lang 'yon ate Kips, limang minuto lang naman e," katwiran niya habang nagkakamot ng batok.

Muli ko siyang kinaltukan sa batok. "Ikaw talaga! Sumbong kita sa Nanay mo e," pananakot ko pero bigla niyang pinitik ang noo. Napahawak ako roon at pinandilatan siya ng tingin. 'Tong batang 'to, ang lakas ng loob ah. Kaltukan ko 'to sa esophagus e.

"Ate Kips naman, isang taon ng patay ang manay ko e!" kumakamot sa batok niyang sabi. Hindi ko na nagawang ihampas pa sa balikat niya ang nakabuwelo kong kamay. Napatigil ako at hindi agad nakapagsalita.

"Ay, sorry." Napangiwi ko. Tumango lamang siya at naiilling akong tiningnan.

"Nga pala, ate Kips. Gusto mo bang sumama mamaya sa hangout namin? Welcome naman mga girls, kahit anong uri ka pa," aniya na tila hindi na masama ang loob sa pagbanggit ko tungkol sa nanay niya.

Nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Hangout? Hindi ako nakikipag-hangout sa mga dugyot, so pass ako," mayabang kong sagot.

Ngumiwi siya sa mukha ko at naiiling na umalis sa harapan ko. Napatawa ko habang sinusundan siya nang tingin at saka naglakad para habulin siya.

Palengke Series #7: Take it or Leave it | ✓Stories to obsess over. Discover now