Chapter 2

108 11 0
                                    

Kinleigh Paloma Tigasin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kinleigh Paloma Tigasin

***

Mayro'n na siyang asawa? At napakaganda pa. Ano nama'ng laban ko sa ganda nung babaeng 'yon? Ay teka—bakit nasali ako?

Pero kung sa bagay, sa guwapo at tikas ba naman niya'y kahit sino yatang diwata ay mahuhumaling at papayag na maging asawa niya. Pero s'yempre hindi ako kasali sa nahuhumaling at papayag, ano siya, lucky me pancit canton?

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa maiikli kong kuko sa daliri. Kaya nagulat ako nang biglang sumulpot si Nanay sa kusina.

"Aba! Kinleigh, ano pang tinutunga-tunganga mo r'yan?" Sigaw kaagad niya nang makita akong nakatayo lang sa tapat ng lababo.

"Ito na nga, dadalhin ko na." sarkastiko kong sabi. Napa-aray na lang ako nung bigla niya 'kong tinuktukan ng sandok sa ulo.

Napahawak ako ro'n at nakangusong tumingin sa kaniya. "Si Nanay naman parang hindi ako anak ah!"

"Hindi naman talaga," nakaingos niyang sabi. Naningkit ang mata ko at mabilis na bumitaw sa pagkakahawak sa aking ulo.

"Sabi nila magkamukha raw tayo tapos itatanggi mo pa na anak mo 'ko. Ikaw Kelyana ah, you're denying your daughter," napailing-iling ako at umaaktomg dissapointed sa kaniya.

Bigla niya ulit akong tinuktukan sa noo. Aw, tangina naman, nakakadalawa na 'tong Kelyana na 'to ah!

"Ang dami mong kuda, dalahin mo na 'yang arroz caldo ko at baka lumamig na. Hala! Sige! Tsupe!" Hindi pa nakuntento at pinagtulakan pa ako palabas ng kusina kasabay nang pag-abot niya sa'kin nung tupperware.

***

Kakahakbang ko pa lang ng isang hakbang mula sa pinto ng bahay nami'y nakita kong biglang lumabas ang mag-asawa sa kanilang bahay. Napatigil ako at agad na sinuri ang buong katawan ng lalaki. Mula ulo hanggang baba ay tiningnan ko, saka ko binigyan ng mabilis na tingin ang asawa niya.

"Baby please, listen to me! This is for your own good," ang boses nito'y nasa mababang tono at mukhang nagmamakaawa sa kaniyang asawa.

Ano kayang pinag-aawayan nila?

Napataas ang kanan kong kilay bago humakbang nang mabagal para hindi nila marinig ang yabag ko. Hanggang sa makatago ako sa likod ng bakod. Yumuko at nagtago ako at saka binaba ang hawak-hawak na tupperware sa lupa.

"But you can't stay on this kind of place! How can you sleep, eat and comfortable live here? You're not used to this kind of life!" Mukhang galit ang maganda niyang asawa. Idinikit ko sa kahoy ang tainga ko at saglit na nilingon ang likuran dahil baka may makakita sa'king nakikinig dito.

Nang masuri ko ang paligid ay pinagbuti ko na ang pakikinig sa dalawang mag-asawa.

"I'm fine, Yvionne. I can always handle myself. Please, baby, hmm." Napataas ang sulok ng labi ko nang marinig na naman ang malambing na boses ng lalaki.

Palengke Series #7: Take it or Leave it | ✓Where stories live. Discover now