(Completed)
•••
Meet Kinleigh Paloma 'Kipay' Y. Tigasin, the pretty and badass girl of Barangay Talak. Isa siyang maganda at tigasing tindera ng mga sariwang gulay at prutas sa kanilang palengke. Isa man siyang siga, feeling gangster at chismosa ngu...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay pagkatapos kong masundo ang tatlong bulilit na ngayo'y iniwan ko sa gate dahil ang babagal nilang maglakad.
Kinakabahan ako dahil baka nawala ko ang kuwintas na binigay ni ate Bea sa'kin. Baka kapag binawi niya at walang akong maibalik ay sampalin niya 'ko. Grrr, ayoko no'n.
Patakbo kong inakyat ang kuwarto ko at kaagad na naghanap sa study table ko pero wala roon. Sunod kong binuksan ang mga drawer na pinaglalagyan ko ng mga mahahalaga kong gamit pero wala rin doon. Mas lalong nadadagdagan ang kaba ko habang tinitingnan ang mga posibleng pinaglagyan ko pero wala pa rin.
Lagot ako nito kay ate Bea. Bakit ba ang burara kong tao? Kainis naman.
***
Dumating na ang gabi ngunit hindi pa rin nagpapakita sa'kin ang kuwintas. Nakasimangot na nga ako habang nakatungangang nakaharap sa screen ng cellphone.
Mayamaya lang din ay naramdaman ko ang malakas na kaltok sa ulo ko dahilan para mabitawan ko ang cellphone at mapangiwi sa sakit. Kamot-kamot ko ang ulong natamaan bago lumingon sa may kagagawan.
Tumambad sa'kin ang nakapameywang na si Nanay habang hawak ng kaniyang kanang kamay ang sandok na pinangpukpok sa'kin. Napangiwi ako at pasimple siyang sinamaan ng tingin.
"Parang hindi ako anak ah. Bobong-bobo na 'ko kakapukpok niyo sa ulo ko," reklamo ko habang humahaba ang nguso. Pero tinaasan lang ako ng kilay ng magaling kong nanay. Para talagang hindi ko nanay ang isang 'to. Hanep sa galing.
"Dami mong satsat. Dalhin mo nalang 'to kay Sir Ivan bago ka kumain. Bilisan mo," kinuha niya ang isang maliit na tupperware na naglalaman ng ginataang tilapia at inabot sa'kin.
Kinuha ko iyon habang nakasimangot bago tumayo at umalis para pumunta sa kapitbahay naming may kakaibang epekto sa sistema ko. Feeling ko, bad for the health si Ivan na 'to e. Feeling ko lang ah.
Nakalabas na ako mula sa gate namin nang mapansin kong lumabas ng bahay niya si Ivan. Nakamaong jacket at black cup. Pagkasara ng pinto ay nagmamadali ang bawat hakbang niya papunta sa kaniyang sasakyan.
Nagkasalubong ang kilay ko habang pinapanuod siya paalis. Pagkatapos ay napatingin ako sa tupperware kong dala. Nagkibit balikat ako't bumalik sa bahay.
"Oh, ayaw ba niya?" tanong ni Nanay nang makitang nasa akin pa rin ang ulam.
Umiling ako. "Umalis siya e. Hindi ko naibigay," sagot ko.
Tumango-tango siya at niyaya akong kumain. Saglit ko munang nilapag ang tupperware bago pumuwesto sa hapag kainan.
Sa kalagitnaang pagkain ay naalala kong may itatanong nga pala ako. Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago uminom ng tubig.