Prologue

339 20 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


THIRD PERSON'S POV

***

Iba't ibang ingay ang maririnig sa loob ng palengke ng Barangay Talak. Maaga pa lamang ay marami na kaagad ang mamimili. Sigawan dito, sigawan doon, hindi na malaman kung kaninong boses ang nangingibabaw sa lahat.

Ngunit sa gitnang parte ng pamilihan, matatagpuan ang isang dalagang halos makita na ang litid sa kaniyang leeg sa pagsigaw upang may bumili sa kaniyang panindang gulay at prutas.

Maaga pa lamang ay naghahanda na siya mula sa kanilang bahay upang magtinda sa kanilang puwesto sa palengke. Iba't ibang sariwang prutas at gulay ang kanilang ibinibenta.

Siya ay nakatokang magbantay sa kanilang puwesto hanggang tanghali, at sa pagsapit ng alas-una ng hapon ay papalitan na siya ng kaniyang magulang upang siya ang magsundo sa tatlo niyang pamangkin na maagang naulila.

Dalawa lamang silang magkapatid at s'ya ang bunso. Maagang nabuntis ang kaniyang nakakatandang kapatid at sa kasamaang palad ay namatay ito nang manganak ito sa tripleng supling. Mula noon, ay siya na ang halos tumatayong nanay sa triplets. Hindi na rin kasi kaya ng kaniyang magulang ang mag-alaga pa ng mga makukulit at sutil na bata dahil may katandaan na rin ito. Isa pa ay mas nais niyang siya na lamang ang napapagod kaysa sa kaniyang mga magulang.

Sa umagang iyon ay pawisan na si Kipay mula sa pag-aayos ng mga gulay at sa pagsigaw upang makatawag ng costumer ngunit kahit isa ay walang lumapit at bumili sa kaniya.

Lukot ang mukha niyang umupo sa monoblock at humalukipkip habang masama ang tingin sa bawat taong dumadaan sa puwesto niya. Wala na siyang pake kung walang bumili. Napagod na siya at nabadtrip.

"Ineng, magkano ang isang tali ng sitaw niyo?" mabilis na lumingon si Kipay sa kaniyang gilid. Sumalubong sa kaniya ang isang matandang babae na sa tingin niya'y nasa edad 35-40 na.

Kaagad siyang tumayo at malapad na ngumiti sa Ale.

"Sampung peso ho ang isa," masigasig niyang sagot. Tuluyan ng nawala ang pagkabadtrip at kaniyang pagod.

"Dalawang tali at saka magakano ba itong kalahating kalabasa niyo?" ani pa nito at itinuro at p'westo ng mga malalaking kalabasa na nakapatas ng maayos.

Ibinalot ni Kipay sa plastic ang dalawang tali ng sitaw. "Kwarenta'y singko ho ang kalahati," ani niya habang abala.

"Sige, kunin ko na rin. Ilang taon ka na ba, ineng?" hindi inasahan ni Kipay ang pahabol na tanong ng Ale. Sa isip niya ay ano bang pakialam nito kung ilang taon na siya pero mas pinili niya na lang huwag kwestiyunin at sumagot na lamang ng maayos.

Palengke Series #7: Take it or Leave it | ✓Where stories live. Discover now