(Completed)
•••
Meet Kinleigh Paloma 'Kipay' Y. Tigasin, the pretty and badass girl of Barangay Talak. Isa siyang maganda at tigasing tindera ng mga sariwang gulay at prutas sa kanilang palengke. Isa man siyang siga, feeling gangster at chismosa ngu...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Nanlalaki ang mata kong napakurap nang ilang beses habang yakap-yakap pa rin ni Ivan. Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko habang patagal nang patagal ang bawat segundong lumilipas na hindi niya 'ko pinapakawalan.
Hinihiling ko lang na sana'y hindi niya ramdam ang kabog ng dibdib ko kasi nakakahiya kung sakali.
"T-teka..." mahina kong reklamo nang maramdaman kong bahagyang humigpit ang yakap niya sa'kin. Punong-puno na ng pagtataka ang isip ko dahil sa ginagawa niya.
Hindi kaya, may gusto siya sa'kin?
"Ivan? Ba't ka ba nangyayakap?" mahina kong tanong bago ko sinubukang kumalas sa yakap niya. Ngunit hindi ko magawa dahil parang ayaw niya 'kong pakawalan.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko habang yakap-yakap niya. May gusto ba siya sa'kin kaya niya ako niyayakap? Wala na kasi akong maisip na ibang dahilan kung bakit siya bigla-biglang nagkakaganito.
Depende na lang siguro kung manyak siya. Teka, hindi kaya nangmamanyak lang talaga 'to?
Kaso mahirap paniwalaan e. Hindi naman kasi siya mukhang manyak.
"Lady Kinleigh, do you think you need this?" mahina niyang bulong, malapit sa tainga ko.
Napakurap ako. "Ha?"
"Or do you think I need this?" tanong na naman niya sa mahinang boses.
Bahagyang kumunot ang noo ko. "Hindi kita gets, Ivan. Chat mo na lang ako," nakangiwi kong tugon. Kung ano-ano pa'ng mga lumalabas sa bibig niya. Kaunti na lang talaga, iisipin kong may sira utak nito, kahit na teacher pa siya e.
Mahina siyang natawa, tapos ramdam na ramdam ko pa sa leeg ko ang mainit niyang hininga. Nagtayuan tuloy bigla ang balahibo ko sa buong katawan dahil doon.
"I'm so tired for all the shit that was happening to me. I wanted to rest but my home isn't here anymore," mahina na naman niyang aniya.
Hindi na nawala ang pagkakasalubong ng kilay ko habang yakap-yakap pa rin niya. Feeling ko, nag-eemote itong si Ivan. Pagod na raw siya? Saan?
"Ivan, ayos ka lang ba?" hindi ko mapigilang tanong kasabay nang marahan kong paghagod sa likod niya.
Naramdaman ko ang mabagal niyang pag-iling na tila nagsasabing 'hindi'.
"Gusto mo ba ng minatamis na saging? Ipagluluto kita kong gusto mo. Iyon kasi ang nagpapawala ng problema ko. Feel ko effective 'yon," mahina kong suhestiyon habang ang puso ay malakas at mabilis pa ring kumakabog.
Ano ba'ng nangyayare sa dibdib ko? Kulang na lang ay lumabas saka sumayaw at magwala.
Sa wakas naisip din niyang pakawalan ako dahil malapit ko na talagang isipin na may gusto siya sa'kin kahit imposible. Oo, alam ko naman na maganda ako at may katangkaran pero haler, wala man akong interes sa mga lalaki pero alam ko naman kung ano ang pinagkaiba ng guwapo sa tama lang. Saka feel ko, anak mayaman 'tong si Ivan e. Halata sa kutis niya at kilos.