(Completed)
•••
Meet Kinleigh Paloma 'Kipay' Y. Tigasin, the pretty and badass girl of Barangay Talak. Isa siyang maganda at tigasing tindera ng mga sariwang gulay at prutas sa kanilang palengke. Isa man siyang siga, feeling gangster at chismosa ngu...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Nakakawala talaga ng kaangasan ang lalaking 'to. Hamak ba namang sadyain ako rito sa palengke para lang ibigay ang napitas niyang gumamela malapit sa bakery shop ni Hopia.
Hindi ko alam kung anong itsura ko nang ilagay niya sa tainga ko ang bulaklak. Siguro mukha akong tangang nanlaki ang mata habang gulat na gulat sa ginawa niya.
Kasabay nang gulat ay ganoon din ang pagbilis nang pagtahip ng dibdib ko. Kahit ngayon na mataman itong nakangiti habang nakatitig sa buo kong mukha.
Naco-conscious na nga ako sa itsura ko. Pawisan at walang suklay ang buhok na basta ko na lang pinuyod.
"You look more beautiful with that flower, my lady Kinleigh," anas nito dahilan para mapakurap siya nang ilang beses. Inaasahan niya na ang mga papuri nito, kasi kapuri-puri naman talaga ang kagandahan niya. Iyon nga lang ay, bakit ang OA magreact ng internal organs niya sa simpleng salita ni Ivan.
Kahit ang kakaiba kong nararamdaman kapag naandiyan ang lalaki ay nagpapagulo ng isip ko. Kahit kailan ay walang sino mang lalaki nagbibigay ng ganitong pakiramdam sa akin. Tanging ang lalaking lang na ito, na kung tutuusi'y hindi ko naman siya lubos na kakilala.
Napaismid ako at itinago ang kakaibang nararamdaman. Nang makabawi ay mabilis kong inalis ang bulaklak sa tainga.
"Basta-basta mo na lang nilagay sa tainga ko! Pa'no kung may langgam pa?" kunwari ay inis na saad ko bago tinapon ang kawawang bulaklak sa basurahan.
Saglit na nabura ang munting ngiti sa labi ni Ivan sa ginawa ko ngunit ilang sandali lang ay muli itong ngumiti sa akin. Mukha siyang baliw.
"I'd already inspect that flower before giving it to you. No need to worry, lady Kinleigh," anito. Napalunok ako at mahinang tumikhim.
"Bakit ka nga pala nagpunta rito? 'Di ba, nagtuturo ka?" pag-iiba ko ng usapan.
"Well, I'm just a substitute teacher and the original teacher was already back. Besides, my job is not really teaching," aniya.
"Ano ba'ng talagang trabaho mo?" mabilis kong tanong.
"Ang trabaho ko ay isang sikreto pero kung gusto mong malaman, I will tell it to you at my home," nakangiti niyang sagot. Napangiwi ako at inirapan siya. Bakit kailangang sa bahay niya pa, kung puwede naman na rito na lang.
"Bahala ka. Hindi ako interesado. Alis na," pagtataboy ko. Mahina siyang natawa at sumusukong gumilid habang may kung anong kinukuha sa bulsa ng pantalon niya.
"Come at my home later. I will give this back to you," nanliit ang mata ko sa bagay na nasa palad niya. Nang masuri ko nang mabuti ay nanlaki ang mata ko.
Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Teka, bakit nasa kaniya 'yon.
"P-paanong—" hindi ko nagawang matapos ang itatanong ko dahil bigla na lang siyang tumalikod at nagalakad palayo.