(Completed)
•••
Meet Kinleigh Paloma 'Kipay' Y. Tigasin, the pretty and badass girl of Barangay Talak. Isa siyang maganda at tigasing tindera ng mga sariwang gulay at prutas sa kanilang palengke. Isa man siyang siga, feeling gangster at chismosa ngu...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Hinihingal akong pumasok sa loob ng bahay namin at malalaki ang hakbang na dumeritso sa kusina kung saan ko naabutan si Nanay. Abala ito sa pagluluto at nang makita ako ay napatalon ito sa gulat.
"Susmaryosep, Paloma! Aatakihin ako sa puso sa'yo e!" saway nito habang kapa-kapa ang dibdib.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Mabilis kong tinawid ang distansiya namin bago ko ipinakita ang pirasong papel na napulot ko sa bakuran ni Ivan.
Kagat-labi ko siyang hinihintay na magsalita matapos makita ang nakasulat sa papel. Pigil na pigil kong lumabas ang galit na namumuo sa dibdib ko.
Sa loob nang maraming taon na lumipas, isang kasinungalingan lang pala ang pinaniniwalaan ko?
"Bakit, 'Nay? B-Bakit hindi niyo sinabi sa'kin ang totoo?" mapait at puno ng hinanakit kong tanong.
Umiwas siya nang tingin. Tinalikuran ako't ipinagpatuloy ang ginagawa sa kusina. Napatawa ako at tinupi ang papel. Itinago ko ito sa bulsa ng aking pantalon saka lumapit sa gilid ni Nanay.
"Buong akala ko namatay siya dahil sa panganganak? Totoo iyon 'diba? Hindi siya pinatay, 'diba?" sunod-sunod kong tanong. Ang luha ko ay hindi ko na napigilan.
Napasinghot ako habang inaalog ang braso niya.
"Tumigil ka na, Kinleigh. Ang nangyare ay nangyare na. Wala na tayong magagawa pa," seryoso niyang aniya. Napatigil ako't hindi makapaniwala sa mga nasabi niya.
"Mayroon pa tayong magagawa para kay ate, 'Nay! Iyon ay ang pagbayarin sa batas ang mga dapat managot!" gigil kong sambit habang nakasabunot sa sariling buhok.
Malalim na nagpakawala ng buntong hininga si Nanay. Nilapag niya ang sandok sa lababo at hinarap ako.
"Mahirap lang tayo Kinleigh. Ang sinasabi mong batas ay para lamang sa may mga pera. Wala tayong pera. Tiniis ko ang mabuhay sa araw-araw kahit na alam kong malayang namumuhay ang mga pumatay sa ate mo," masakit niyang sambit habang nagbabadya ang mga luha sa mata.
"Yung puso ko, parang araw-araw may nakabaon na kutsilyo. Hustisya ang pangarap namin pero kailangan kong piliin ang mas makakaayos sa pamilyang ito. Para sa mga apo ko at sa'yo. Ayokong may magawa akong mali at maging isa kayo sa kabayaran. Hindi ko kilala kung sino ang gumawa noon sa ate mo, pero ayokong isugal ang mga buhay niyo, naiintindihan mo ba?" dugtong niya.
Napasinghot ako. "Hahanapin ko kung sino siya. Kung hindi batas ang pwedeng magparusa sa kanila, ako na lang ang gagawa." Matigas kong saad saka pinunasan ang luhang patuloy na umaagos.
Nanlambot ang tingin ni Nanay sa'kin at akmang hahaplusin ang pisnge ko, ngunit hindi ko siya hinayaan. Mabilis kong iniwas ang sarili ko. Tumalikod ako sa kaniya at umalis sa kusina. Galit pa rin ako sa katotohanang nagawa nilang itago nang ilang taon ang totoong nangyare sa kapatid ko.