(Completed)
•••
Meet Kinleigh Paloma 'Kipay' Y. Tigasin, the pretty and badass girl of Barangay Talak. Isa siyang maganda at tigasing tindera ng mga sariwang gulay at prutas sa kanilang palengke. Isa man siyang siga, feeling gangster at chismosa ngu...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Isang mahaba at malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang matapos ang pagsasampay. Ramdam ko rin ang tagaktak ng pawis sa likod at noo ko dahil sa pagod at init ni haring araw.
Araw ng linggo ngayon kaya medyo nagpahinga muna kami sa pagtitinda sa palengke. Bago ako tuluyang bumalik sa loob ng bahay ay saglit muna akong tumingin sa bahay ni Ivan.
Napaingos ako nang maalala ang halos isang linggo niyang hindi pagpapakita sa'kin. Ni hindi ko alam kung nakatira pa rin ba siya sa bahay na iyan. Kahit anino yata ay ayaw nang magpakita sa'kin.
Hindi ko alam kung dapat na ba akong mag-alala o isipin ko na baka nawala na ang pagkagusto niya sa'kin at naisip na umalis para takasan ako. Pero ang babaw naman kung ganoon nga, p'wede naman niya 'kong diretsuhin. Matatanggap ko naman at makakatanggap din siya ng isang uppercut sa'kin.
"Kinleigh anak, puwede mo bang kunin kina Hopia ang in-order kong brownies sa kanila?" kakaupo ko lang talaga nang sumulpot si inang reyna.
Muli akong humugot ng buntong hininga sabay sagot nang, "okay, wait lang ho. Limang minuto lang, 'Nay,"
***
Binaybay ko ang daanan papunta kina Hopia. Nakasimangot ako habang nakapila dahil marami na kaagad ang customer ng bakery shop niya pagkagsapit pa lang ng alas-sais ng umaga.
Bakit kaya nag-order ng brownies si Nanay? Wala naman akong natatandaan na may okasyon ngayon sa'min.
"Agang-aga naman ng mukhang 'yan, Kips. Basted ka na ba ng kapitbahay mo?" nang-aasar na saad ni Hopia habang nagsusulat sa maliit na kwaderno.
Kumunot ang aking noo at umingos. Ano ba'ng pinagsasabi ng gagang 'to?
"Dami mong ebas, akin na 'yung order ni Nanay sa'yo," wala sa mood kong litanya. Tinawanan at inilingan niya 'ko bago kinuha ang pakay ko.
"Kailan ka pala magbabayad ng utang mo? Aba, mahaba-haba na 'to!" aniya habang ibinabalot ang mga brownies.
"Utang as friend yun, dapat mahaba ang palugit mo," tumaas ang aking kilay. Bumusangot naman ang mukha ni Hopia.
"Sinasabi ko na. Mukhang kapag tumahol na ang baboy saka niyo pa lang babayaran ang mga utang niyo," nakaingos niyang sabi.
Nagkibit balikat ako. Bobo 'tong si Hopia, kailan pa tatahol ang mga baboy?
"Una na ako," pagpapaalam ko nang makuha ang brownies ni Nanay.
Itinaas na lamang ni Hopia ang kamay niya nang hindi ako tinitingnan. Umalis na ako't umuwi sa bahay.
Malapit na ako sa bahay nung matanaw ko ang kotse ni Ivan na nakaparada sa bakuran niya. Kaagad na kumabog ang dibdib ko habang naglalakad palapit.