Chapter 20

108 5 0
                                    

Kinleigh Paloma Tigasin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinleigh Paloma Tigasin

***

"Happy Birthday, Mami!"

Nagagalak kong niyakap ang tatlo kong pamangkin nung sabay-sabay nila 'kong binati.

"Thank you po," nakangiti kong sambit. Magkakasunod nila akong hinalikan sa pisnge pagkatapos ay umalis din upang makipaglaro sa labas.

Ngayon ang ika-24 taon kong gulang. May kaunting salo-salo na dinaluhan ng malalapit naming kamag-anak at kaibigan. Speaking of, natanaw ko sina Moy at Isdalia na papalapit sa'kin.

"Happy birthday," magkasabay nilang bati. Nakangisi kong kinuha ang mga regalo nila at saka nagpasalamat. Hindi ko na sila kinailangang alukin pa ng pagkain dahil nauna na silang kumuha sa nakahain.

Natatawa akong napailing bago sinalubong ang papalapit na si Gani, kasama ang taong halos isang taon kong hindi nakita.

"Ano'ng mayroon sa inyo?" naningkit ang aking mata habang kinukuha ang iniabot nilang regalo.

Nakangising umakbay si Gani sa babae.

"Magiging girlfriend ko," taas noong sagot niya. Mabilis naman na inalis nung babae ang braso ni Gani sa balikat niya.

"Don't believe him. Happy birthday, Kinleigh," nakangiti niyang sambit sabay beso sa'kin.

Binatukan ko muna si Gani dahil sa mga pinagsasabi niya bago ko iginiya si Yvionne sa mga pagkain. Pinakilala ko rin siya kina Moy at Isdalia na mukhang pangalawang serving na ang kinakain.

"Yvionne, mga kaibigan ko nga pala, si Moy at Isdalia. Moy, Isdalia, si Yvionne nga pala, nililigawan ni Gani," biglang nanlaki ang mga mata nung dalawa. Kaagad nilang hinigit ang babae upang makipag-kwentuhan.

Naiiling ko silang iniwanan upang harapin ang iba naming kamag-anak na dumalo sa birthday celebration ko. Mayamaya ay nagpaalam na rin sina Moy at Isdalia bago sina Gani at Yvionne.

Makahulugan na tumingin sa'kin si Yvionne bago niya 'ko niyakap na siyang ikinagulat ko.

"Bakit?" naguguluhan kong untag sa kaniya.

"Be happy because I know you deserve it," bulong niya kasabay nang pagbitaw niya sa yakap.

Nakakunot ang noo ko habang pinapanuod silang makaalis. Nagkibit balikat na lamang ako bago tumulong kina Nanay sa pag-aasikaso sa mga bisita.

Mabilis na natapos ang araw na ito. Pagod at sakit ng katawan ang tangi kong nararamdaman habang nakahiga sa aking kwarto. Malalim akong nagpakawala nang buntong hininga habang nakatitig sa kisame.

Hanggang sa hindi ko namalayang hinihila na pala ako papunta sa isang magandang panaginip.

"Maligayang kaarawan." Maaliwalas at puno ng kasiyahan na ngumiti ang aking kapatid. Nakasuot ito ng puting dress habang may bulaklak na naka-ipit sa kaniyang kanang tainga.

Palengke Series #7: Take it or Leave it | ✓Where stories live. Discover now