(Completed)
•••
Meet Kinleigh Paloma 'Kipay' Y. Tigasin, the pretty and badass girl of Barangay Talak. Isa siyang maganda at tigasing tindera ng mga sariwang gulay at prutas sa kanilang palengke. Isa man siyang siga, feeling gangster at chismosa ngu...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Warning: Sensitive Language
Kinleigh Paloma Tigasin
***
Lumipas ang isang linggo na paulit-ulit lang ang naging takbo ng buhay ko. Palengke, bahay, palengke, bahay. Nakakasawa pero walang magagawa kasi kailangan maghanapbuhay para sa aking mga biik.
Hindi ko na rin pinapaduty sina Nanay at Tatay dahil alam kong pagod na sila kakatinda. Halos tatlong dekada na silang ganoon ang gawain kaya naman naisip ko na ako na lang ang magtitinda. Well, paminsan-minsan pinapalitan ako ni Tatay kapag niyaya ako nina Moy tumambay, pero ilang oras lang din naman yun.
Halos mag-iisang linggo na rin na MIA si Ivan. Missing in action. Katulad ng dati, hindi na naman siya nagpaalam o kahit man lang may mabanggit sa'kin.
Ayoko sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hindi ako mahalaga sa kaniya kahit na ilang beses niyang ipagsabi na gusto niya 'ko. Pakiramdam ko ay hindi ganoon kalalim ang pagkakagusto niya sa'kin.
Naiisip ko nga minsan na ginusto niya lang ako kasi siguro ay dahil ako lang ang nakakausap niya rito sa barangay Talak. Well, may nakakausap siyang iba pero tanging ako pa lang ang babaeng nakakapasok sa bahay niya.
Gusto kong paniwalain ang sarili ko sa mga sinasabi niya. Ang bawat kilos niya, pakiramdam ko ay mas malalim pa sa pagkagusto ang nararamdaman niya. Pero may nagsasabi rin sa'kin na huwag maniwala.
Huli na yata para pigilan ko ang sarili ko. Nahulog na 'ko sa kaniya. Wala ng bawian 'to.
"Palengke 'to, Kips." Napakurap ako at napalingon kay Moy. Nakalimutan ko na ang presensiya niya. Kapag kasi naiisip ko ang lalaking 'yon ay nakakalimutan ang paligid ko.
Hindi talaga siya healthy simula pa lang. Psh.
"Huh?" Untag ko. Napairap si Moy at akmang ibabato ang ampalaya sa'kin.
Mabilis ko siyang pinigilan. "Singkwenta 'yan. Papabayaran ko 'yan sa'yo!" Pagbabanta ko.
Binaba niya iyon nang labag sa loob bago muling umingos. Pagkatapos ay sabay kaming napatingin sa bagong customer. Napatayo kaagad si Moy nang makita ang isang guwapong lalaki. Napataas ang kilay ko sa ginawa niya.
"Hoy," Tawag ko sa atensiyon niya. Tumingin siya sa'kin na magkasalubong ang kilay. Galit kaagad. Muli niyang nilingon ang lalaki.
Parang ako naman yata ang nawala sa presensiya niya dahil sa lalaking dumating.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" galit na tanong ni Moy. Napalipat ang tingin ko sa lalaki.
Sino kaya 'to? Bakit galit ang MoyMoy namin dito?
Nawala ang mga iniisip ko dahil sa live drama ni Moy sa harap ko. Napakamot sa batok ang lalaki habang nakatingin sa kaibigan ko.
Infairness, gwapo talaga ang isang 'to. Mukhang laging nagpapaalam kapag aalis. Amputa. Bakit ganyan naiisip mo Kipay?