(Completed)
•••
Meet Kinleigh Paloma 'Kipay' Y. Tigasin, the pretty and badass girl of Barangay Talak. Isa siyang maganda at tigasing tindera ng mga sariwang gulay at prutas sa kanilang palengke. Isa man siyang siga, feeling gangster at chismosa ngu...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kinleigh Paloma Tigasin
***
"Gara ng mata mo ah, hindi kumukurap habang nakatingin sa dibdib ko," puna ko sa manyakis na si Burnok. Tumawa at nagkagat labi lang ito sa sinabi ko. Parang hindi natakot sa seryoso at nagbababala kong boses.
Hindi siya natinag at ang kapal pa ng mukha para lumapit sa akin at walang sabi-sabing umakbay. Kinuyom ko ang kamay ko at pinalobo ang kaliwang pisnge gamit ang aking dila. Wala pang ilang segundo'y napatayo na si Burnok habang sapo-sapo ang kanan niyang pisnge.
Napangisi ako. "Tigas ulo ka rin, 'no?"
Sinamaan ko siya ng tingin at muling inambaan ng suntok dahilan para mapa-atras ito at mapailag habang ang braso'y nakaharang sa kaniyang mukha.
"Ha! Duwag ka rin pa lang gago ka eh. Lumayas ka nga sa paningin ko, tsupe!" pagtataboy ko saka muling umayos ng pagkakaupo.
Nandito ako ngayon sa bakery shop ni Hopia, tumatambay. Kakagaling ko lang sa palengke at mamaya pa naman ang uwian ng tatlo kaya naisipan kong tumambay muna rito at mangungutang na rin.
"Hanep ka talaga, Kips. Lakas mo pa rin manapak ng ganoong mukha," namamanghang komento ni Maria na kararating lang. Pawisan at amoy malansa. Mukhang kagagaling lang niya sa palengke. Nagtitinda rin kasi ng mga isda itong si Maria eh.
Mayabang kong pinagpagan ang kaliwang balikat at ngumisi sa kaniya.
"Hindi ka pa rin sanay sa lakas ko?" pagmamayabang kong sabi.
Naiiling na ngumiti si Maria bago tuluyang tumabi sa'kin. "Nasa'n si Hopia?" tanong nito.
Bago ako sumagot ay dumi-kuwatro muna ako, "nasa loob. Ayaw magpautang, ampota."
Masama talaga ang loob ko ngayon kay Hopia. Uutang sana ako ng isang putok dahil natakam ako nang makita ko iyon na naka-display pero nung sabihin kong uutangin ko'y bigla niyang inalis at itinago. Mabibigyan ko talaga siya ng pektus sa esophagus niya mamaya.
"Ang haba na yata ng listahan mo sa kan'ya, Kips. Bayad-bayad din 'pag may time!" pang-aasar pa ni Maria dahilan para mapa-ismid ako.
"Ulol. Mas mahaba 'yong lista mo kaysa sa'kin. Tanga," balik asar ko sa kaniya, na siyang tinawanan lang ng babae.
Ilang minuto pa kaming nag-asaran at chismisan ni Maria nang dumating Moy na may dala-dalang bilao. Nang makita niya kami'y saglit pa siyang tumigil upang kumuha ng kinakain namin na inutang namin sa bakery shop ni Hopia. Iyon lang ang ginawa ni Moy at umalis din.
Kasunod naman na dumating ay si Rumi. Nakabuntot sa kaniya si Burnok na sinamaan pa ako ng tingin habang sapo-sapo ang bahagi ng pisnge na nasuntok ko. Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay.
"May buntot ka na naman pala, Rumi. Gusto mo ba putulin ko 'yan?"
Umismid si Rumi at saglit na nilingon ang lalaki na kaagad naman na ngumiti at inalis ang kamay sa pisnge.