Kinleigh Paloma Tigasin
***
"Ivan... gusto k-kita. Gustong-gusto kita." Deritso ang mata kong nakatingin nang sabihin ko iyon.
Mukha siyang nagulat dahil sa bahagyang panlalaki ng mata niya. Natigilan siya at napalunok habang lumilikot ang mata.
Mapait akong tumawa habang pilit na pinapahid ang luha sa'king pisnge.
"Nakakatawa na nagkagusto ako sa'yo, hindi ba? Pakiramdam ko tuloy, ito ang pinakatangang emosyon na naramdaman ko sa buong buhay ko," sambit ko. Tumingala ako nung nagbabadya na naman ang luha ko.
"Ang galing mo nga eh, nagawa mong kunin ang puso ko nang hindi ko nalalaman," tumigil muna ako't huminga nang malalim. "Sana naman maayos mong ibalik sa'kin ang kinuha mo, kahit iyon na lang," pagsusumamo ko.
Nagsimula akong tumalikod at naglakad palayo. Buong akala ko ay hahabulin niya ako't pipigilan. Pero wala. Walang pumigil sa'kin. Hinayaan niya akong umalis sa harapan niya.
Tulala akong naglakad pabalik sa bahay. Hindi ko nagawang pansinin ang kakauwi lang na sina Nanay at Tatay. Nilampasan ko sila na nagtataka.
Umakyat ako sa kuwarto at humilata. Pagkatapos ay tulala akong tumitig sa kisame habang paulit-ulit kong naririnig ang mga salita niya. Para akong paulit-ulit na sinasampal sa pisnge. Ang bobo ko lang para maniwala sa lahat ng mga ginawa niya.
"Tangina..." mahina kong usal habang baliw na nakangiti sa kuwarto.
***
Sinag ng araw ang kaagad na bumungad sa'kin nang buksan ko ang bintana ng kuwarto ko. Ang sariwang hangin ay kaagad na sinayaw ang nakalugay kong buhok.
Malalim akong bumuntong hininga bago sumulyap sa katapat kong bintana na kasalukuyang sarado ngayon.
Napailing ako. Muli kong isinara ang bintana at pumasok sa banyo. Naghilamos muna ako at nagtootbrush. Nagsuklay rin ako ng bahagya bago bumaba sa sala. Naroon ang tatlo na tahimik na nanunuod.
Isa-isa ko silang hinalikan bago dumeritso sa kusina.
Naabutan ko roon si Nanay. Nang makita niya 'ko ay parang may gusto siyang sabihin pero mabilis kong iniwas ang tingin ko.
Pagkatapos kong kumain, umalis na ako para pumunta sa puwesto namin. Mag-aalis siyete pa lang ng umaga pero mataas na ang haring araw.
May suot-suot akong belt bag sa baywang habang naglalakad papunta sa palengke. Nakasalubong ko pa sina Gani na nakipag-fist bomb muna sa'kin bago naglakad paalis. Sunod kong nakasalubong ay si Hopia na mukhang nagdeliver ng mga order sa customer niya.
Sinubukan niya 'kong singilin pero mabilis akong lumiko ng daan. Rinig na rinig ko ang inis niya na nakapagpangiti sa'kin.
Magbabayad naman ako kapag naging makinis ang rambutan e.
YOU ARE READING
Palengke Series #7: Take it or Leave it | ✓
Humor(Completed) ••• Meet Kinleigh Paloma 'Kipay' Y. Tigasin, the pretty and badass girl of Barangay Talak. Isa siyang maganda at tigasing tindera ng mga sariwang gulay at prutas sa kanilang palengke. Isa man siyang siga, feeling gangster at chismosa ngu...