Chapter 18

80 4 0
                                    

Kinleigh Paloma Tigasin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinleigh Paloma Tigasin

***
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa kaalamang mayroon siyang minahal na babae na higit pa sa buhay niya. Isang babae na pinagkaitan mabuhay sa mundo dahil sa mga taong walang kaluluwa at puso.

Nadamay pa ang batang hindi man lang nasilayan ang ganda ng mundo at buhay. Naaawa ako kay Ivan, sana ay makuha niya ang hustisya na nararapat sa mag-ina niya.

Pero aaminin kong tuluyan ng nabasag ang puso ko. Punyeta, ganito pala kasakit ang magmahal? Sana napigilan ko na habang maaga pa kung nalaman ko agad, hindi ba?

"What are we really looking for?" bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Yvionne sa likuran ko.

Napalingon ako sa kaniya habang kinakalkal ang bawat drawer sa sala.

"Iyong makakatulong kung saan natin mahahanap ang kuya mo. Tumulong ka kaya?" pasaring kong untag. Muli akong bumalik sa paghahanap nang magsimula itong pumunta sa taas.

Nang wala akong mahanap na kapaki-pakinabang ay sumunod ako sa taas. Naabutan ko siyang nasa loob ng kuwarto ni Ivan. Akma sana akong papasok nang maalala kong isang beses niya na akong pinagbawalan pumasok sa loob ng kuwarto niya.

Ilang minuto akong nag-isip kung papasok ba ako hindi. Ngunit sa huli ay pumasok na rin ako para tulungan si Yvionne sa paghahanap dahil life and death situation na ang pinag-uusapan dito.

Unang hakbang ko pa lang ay bumungad na kaagad na pamilyar na amoy ni Ivan sa ilong ko. Ang kaniyang kuwarto ay binuobuo na brown and black color. Puros wooden furniture ang narito. Ilang minuto kong pinagmasdan ang kaniyang kuwarto at saka lang kumilos nang mapagtanto ko ang dahilan nang pagpasok ko.

Unang kong nilapitan ang maliit na side table sa kaliwang gawi ng kaniyang kama. Una kong binuksan ang unang drawer at bumungad sa'kin ang isang litratong nakatago roon. Nakataob ito kaya't hindi ko agad nakita ang picture na nakalagay.

Curious ko itong tiningnan na sana ay hindi ko na lang ginawa. Litrato ng isang hindi pamilyar na babae at si Ivan. Kapwa sila nakangiti habang yakap ang isa't isa. Kitang-kita sa mga tingin nila kung gaano umaapaw ang pagmamahalan nila.

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. Sumisikip ang dibdib ko habang tumatagal ang tingin ko sa picture.

"That's Vanessa." Komento ni Yvionne nang makakita niya ang hawak-hawak ko.

Hindi ko na kailangan magtanong dahil alam ko na ang sagot. Ito ang babaeng mahal na mahal ni Ivan. Ito yung babaeng minahal niya nang higit pa sa buhay niya.

"Kinleigh, tingnan mo 'to," malakas na sabi ni Yvionne. Napalingon ako sa kaniya habang maingat na inilalapag ang litrato sa drawer.

Lumapit ako at tiningnan ang nahanap niya. Isa iyong maliit na notebook. Habang binubuklat ni Yvionne ay mayroong iba't ibang address at date ang nakasulat. Iisa lang ngayon ang nasa isip namin ni Yvionne at iyon ay hanapin ang date ngayon at address kung saan siya pupunta.

Palengke Series #7: Take it or Leave it | ✓Where stories live. Discover now