Chapter 10

146 8 0
                                        


Kinleigh Paloma Tigasin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinleigh Paloma Tigasin

***

Kakatapos ko lang malinis ang buong bahay bago ko naalalang dadalhin ko pa pala ang itinabi kong minatamis na saging na saba sa bahay ni Ivan.

Sa totoo lang ay nagdadalawang isip talaga akong magdala sa bahay niya. Pero pakiramdam ko'y kailangan niya ang pagkain na 'to. Feeling ko kasi may pinagdaraanan siyang kinikimkim lang niya para sa sarili. Feeling concern na naman tayo, Kipay.

Habang papalapit sa bahay niya ay unti-unti akong kinakabahan. Hindi ko nga rin alam kung bakit, siguro ay dahil sa sinabi niya at nangyare kagabi.

Nang tumapat na ako sa pinto ay saglit akong tumigil para huminga nang malalim saka tuluyang kumatok. Nakailang beses na katok ako bago nabuksan ang pinto.

Pigil ko ang hininga nang tumambad sa'kin ang hubad niyang pang-itaas na katawan. Bahagya pang nanlaki ang mata ko at dalawang beses na napakurap.

"Lady Kinleigh, may sasabihin ka ba?" Kinaway niya ang kamay sa tapat ng mukha ko.

Napapahiya akong yumuko bago inabot ang tupperware na hawak-hawak. Kagat ko ang ibabang labi habang nakayuko at habang nakapikit nang mariin.

Inaakit niya ba 'ko gamit ang katawan niya?!

"Kinleigh, are you okay?" untag nito dahil nanatili akong nakayuko.

"Ha? Oo," mabilis kong sagot saka tumunghay at nagpeke ng ngiti sa harap niya.

Bahagyang nakakunot ang noo niya habang tinititigan ang buo kong mukha. Napataas ang sulok ng labi ko habang nakatitig sa noo niya.

Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya ngayon, masyadong mahina ang tuhod ko para suportahan ang sarili. Bakit ba ang hilig niyang manitig? Tusukin ko kaya ang mata niya?

Malakas akong tumikhim at saglit na nag-iwas ng tingin bago ko inabot sa kaniya ang dala kong tupperware na naglalaman ng minatamis na saging na saba. Para akong kinuryente nang dumapo ang isang daliri niya sa kamay ko. Nagugulat akong napalayo sa kaniya.

"Okay ka lang ba, Lady Kinleigh? Your lips is pale," untag nito. Wala sa sarili akong napahawak sa labi bago napatingin sa kaniya.

"Anemic kasi ako," palusot ko. Gusto ko ng umalis pero ayaw makisama ng mga paa ko. Ano ba 'to? Malandi na ba ako nito? Ginayuma yata ako ng Ivan na 'to.

Tumango-tango siya sa sinabi ko bago marahang ngumiti. Nagkasalubong ang kilay ko nung lawakan niya ang pagkakabukas ng pinto.

"Come in," nakangiti niyang pagyayaya.

Isang ngiwing-ngiti ang namutawi sa labi ko habang nag-iisip ng puwedeng dahilan para tumanggi. Kaso wala na akong nagawa dahil siya na mismo ang humila sa'kin papasok sa loob ng bahay niya.

Palengke Series #7: Take it or Leave it | ✓Stories to obsess over. Discover now