Kinleigh Paloma Tigasin***
Kinabukasan, nagpaalam ako kina Nanay na hindi muna ako makakabantay sa puwesto namin ngayong umaga dahil ngayon kami dadalaw sa presinto. Hindi kasi namin siya nadalaw kahapon katulad ng ipinangako ko dahil sa naging abala sina Rumi at Hopia, maging sina Juday at Moy din.
Tanging sina Marisol at Isdalia lang ang bakante kaya napagdesisyunan naming lahat na ngayon na lang, tutal ay maghapon din akong nagbantay sa tindahan namin kahapon.
Simple lang ang suot ko, isang jumper suit at kulay itim na tshirt na may print ng mukha ni Mr. Bean. Ang usapan nami'y kina Hopia kami magtatagpo bago kami sasakay sa jeep papunta sa presinto.
Pagkalabas ko ng bahay ay napatigil din agad ako nang makita ko ang bukas na bintana ng kapitbahay namin. Kitang-kita ko ang hubad niyang pang-itaas na katawan habang sumisimsim ng kape.
Nagmumukha siyang modelo sa ginagawa niya, ang kaniyang isang kamay pa ay nakasuksok sa bulsa ng suot niyang pantalon. Para talaga siyang isang modelo. Ang lakas ng dating niya.
"Nasaan ba ang cellphone ko?" bulong ko sa sarili habang kinakapa ang bulsa sa harap at likod ng suot kong pantalon, maging sa dala kong bag ay hinanap ko rin ngunit wala akong nakitang cellphone.
Malalim akong napabuntong hininga dahil naalala kong bago ako umalis ay nagcharge muna ako.
Muli akong tumingin sa kaniya para sa huling sandali pero laking gulat ko nang makitang nakatingin na siya sa'kin ngayon. Bahagyang nanlaki ang mata ko at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Mabilis akong naglakad paalis ng bahay hanggang sa hindi na niya ako nakita. Saka ko lang binagalan ang lakad ko nang makalampas na ako sa gate.
"Kips!" nilingon ko si Moy na patakbong lumalapit sa'kin ngayon.
Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat at tinaasan siya ng kilay.
"Moy, kilala mo ba 'yang kapitbahay namin? Ano'ng pangalan niya?" tanong ko sabay hila sa braso niya at inangkla ang kamay ko roon.
Napaingos siya sa'kin. "Ba't hindi mo tanungin? Sa'kin ka pa magtatanong e, I don't like boys," aniya, bumagsak ang dalawa kong balikat sa sinabi niya.
Wala man sa ugali ko ang pagiging mahiyain pero bigla na lang umuusbong ang malaking pagkakahiya ko sa lalaking 'yon sa hindi ko magtukoy-tukoy na dahilan. Nakakainis, ayoko sa ganitong pakiramdam eh, feeling ko hindi na 'ko astig. Buwesit.
"Kips, napanuod mo ba 'yong balita kahapon?" tanong ni Moy habang naglalakad kami papunta kina Hopia.
"Aling balita?" nalilito kong balik tanong sa kaniya. Feeling yata ng gagong 'to, manghuhula ako.
"Iyong babaeng natagpuang patay na nakalagay sa maleta!" irita niyang sabi. Ay wow, pikon agad ang tanga.
Pero, naalala ko nga iyon. Iba ang pakiramdam ko tungkol doon pero alam kong nagkataon lang ang mga nangyayare. Si ate Bea ay nakakulong at dadalawin namin siya ngayon.
YOU ARE READING
Palengke Series #7: Take it or Leave it | ✓
Humor(Completed) ••• Meet Kinleigh Paloma 'Kipay' Y. Tigasin, the pretty and badass girl of Barangay Talak. Isa siyang maganda at tigasing tindera ng mga sariwang gulay at prutas sa kanilang palengke. Isa man siyang siga, feeling gangster at chismosa ngu...