1

10.8K 194 4
                                    

Maganda ang gising niya dahil may nag message sa kaniya sa social media at balak nitong pakyawin ang mga cosmetics na tinitinda niya. Hindi siya nag live ngayon dahil kahapon ay pinadala niya ang mga products na in-order sa kaniya noong isang araw na nag-live selling siya.



Mamayang alas-kwatro ng hapon pi-pick-up in at cash daw ang bayad kaya hindi na siya mahihirapan pa. 

Nilagay niya sa isang malaking box ang mga cosmetics at sinigurado niyang hindi mapipipi ang mga iyon. Inayos niya ang pagkakasara ng box at nang matapos ay tinabi niya iyon.

Nasa 35 thousand pesos din ang total no'n at mga nasa sampung libo naman ang tubo niya. Sobrang laking tulong para sa kaniya. 

Nagpapasalamat talaga siya sa diyos na kahit anong paghihirap niya at ng pamilya nila ay hindi siya nito pinapabayaan.

Pinagluto niya ang mga kapatid niya at dahil malaki-laki ang tubo niya mamaya ay bumili siya ng isang buong manok at nagluto. Tuwang-tuwa ang mga kapatid niya dahil nag fried chicken sila ngayon.

Si Aimee at ang ina niya ay nasa ospital pa rin pero umuwi kanina si Aimee para kumuha ng damit kaya inabutan niya ito ng pera para kumain ang mga ito. 



Magana rin siyang kumain at nang matapos siya na rin ang nagligpit dahil hinayaan niyang maglaro ang mga kapatid niya dahil hindi na masiyado nakakapaglaro ang mga ito. 

Nang mag alas-kwatro na ng hapon ay sakto narinig niya ang pagbusina sa tapat ng bahay nila. 

Lumabas siya habang bitbit ang malaking box, malakaw ang ngiti niya nang makita ang isang mamahaling sasakyan. 

"Magandang hapon po—" natigilan siya nang tuluyan niyang makita ang lalaking lumabas sa sasakyan.

"Good afternoon!" ngumiti ito sa kaniya at itinaas ang kamay. 

"Ikaw?!"

"Yes. I'm the buyer," saad nito. Naibaba niya ang box na bitbit at napakunot dito.

"Alam ko babae ang ka-chat ko kahapon?" paninigurado niya sa kaharap niya.

"It's my secretary. This is my calling card, para alam mong hindi ako masamang tao." Inabot nito ang calling card galing sa mamahaling coat nito.



Inabot niya iyon at gano'n na lang ang gulat niya nang lawyer ito sa isang sikat na law firm. 

Francis Johnson, Lawyer.

"Can we talk? but not here," mahinang sambit nito at napatingin sa paligid. Pati siya ay napatingin na rin at kita niya ang mga kapitbahay niyang nakiki-chismis sa kanila. Ang iba ay mga naglalaba sa labas, 'yong iba naman kunwari nagdidilig pero mahaba naman ang leeg at halatang gusto makinig.

Napabuntong hininga siya at tumango. Siguro kailangan niya talaga ito kausapin dahil mukhang hindi siya nito titigilan.

"Okay."

Nagpaalam muna siya saglit sa kapatid niya na kailangan niya lang umalis. Sumakay siya sa shotgun seat at kita niyang nilagay nito ang box sa likod ng sasakyan. Napaisip tuloy siya kung sinadya lang ba nito pakyawin ang paninda niya para makausap siya.

Umandar ang sasakyan at sa sobrang tahimik ay siya na ang bumasag sa katahimikan.

"Huwag mong sabihin na binili mo ang mga paninda ko para lang makausap ako?" pagtatanong niya.

Tumawa naman ito at tumango.

"Yes, but don't worry i'll donate all the cosmetics."

"Sino ba ang kliyente mo at bakit naghahanap ng mapapangasawa? 'di ba magpapakasal ka lang pagmahal mo ang isang babae o lalaki?" naguguluhang tanong niya.

Affair with her BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon