Naglalakad siya sa loob ng village para naman may magawa kahit papaano. Hapon na at halos tumulala na lang siya magdamag sa kwarto niya. Dahil naka-leave pa rin siya sa trabaho ay talagang buryo na siya sa bahay. Wala si Xion dahil umalis na naman ito.
Napanguso siya at sinipa ang bato na maliit sa kalsada. Dumeretso siya sa playground at may Nakita siyang naglalaro na mga bata sa slide. Lumapit siya at umupo sa bench na bakante.
Bigla niya tuloy na-miss ang mga kapatid niyang makukulit. Siguro magpapaalam siya sa susunod na buwan para mabisita ang mga ito sa laguna, sana lang pumayag ang asawa niya.
"Ate, ate!" Napatingin siya sa batang babae na papalapit sa kaniya. Mahaba ang nguso nito at parang galit pero cute pa rin tingnan.
"Ano 'yon?" tanong niya rito.
"That boy is not playing with me! He said that he has a crush on me but he don't want to play with me because of that other boy," kwento nito sa kaniya. Napanganga naman siya dahil mukhang nasa 7 o 8 years old pa lang ito. Iba na ba talaga ang mga kabataan ngayon, may pa-crush crush na kaagad sa edad na 'yan.
"Bakit ayaw kang isali?" tanong niya rito. Umupo naman ito sa tabi niya kaya inalalayan niya.
"Because it's a boy thing daw po, and I'll might get hurt if I join them," sagot naman nito. Napangiti siya rito at napatingin sa lalaking naglalaro ng habulan.
"Gusto ka niya kaya ayaw ka niyang masaktan," sambit niya naman dito.
"Gano'n po ba 'yon?" tanong nito gamit ang cute na boses. Ginulo niya ang buhok nito at tumango.
"Gano'n 'yon, nagagalit sila kahit sa mababaw na dahilan lalo na pag nakita nilang nasaktan ka. Nag-aalala kasi siya sa'yo na baka masugatan at mapahamak... ka..." Natigilan siya nang may pumasok sa isip niya. Ang mukha ni Xion na galit na galit sa kaniya noong napahamak siya at ang boses din nito na pinapagalitan siya.
Napailing siya at natawa ng pagak. Imposible naman ang mga nasa isip niya. Xion would like her? Of course not! She has a husband and Xion is the loyal bodyguard of her husband.
Binuksan niya ang tubigan na dala at tiyaka uminom. Huminga siya ng malalim dahil sa kakaibang nararamdaman. Walang araw na hindi pumasok ang binata sa isipan niya at hindi na talaga iyon maganda.
"Ate, bye na po! Thank you po sa pakikipagusap sa akin, nandiyan na ang mommy ko!" Paalam ng bata at hindi na siya nito hinintay makapagsalita dahil tumakbo na papalapit doon sa may babae.
Tumayo na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay. Para siyang lutang habang naglalakad dahil sa mga kung ano-anong iniisip.
"Tumigil ka Aj, tumigil ka," bulong niya sa sarili. Kilala niya ang sarili at alam niya kung nagkakagusto na siya sa isang tao ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit mas ibang iba itong nararamdaman niya. May kung ano na hindi niya maipaliwanag sa kaloob-looban niya. Hindi naman siya ganito noong nagkagusto siya sa ex niyang manloloko.
Bumuga siya ng malalim at tiyaka binuksan ang gate nang makarating siya sa bahay. Bagsak ang balikat niya dahil wala pa rin sa bahay si Xion. Nakailang buntong hininga na siya, para na siyang baliw na gustong magmukmok. Umupo siya sa upuan at kinuha ang cellphone, hindi na siya nakatiis kun'di i-text ito kung uuwi ba ito ng hapunan.
To Xion,
- Uuwi ka ba at dito maghahapunan? Magluluto ako! 😊
Kagat-kagat niya ang labi habang naghihintay sa reply nito. Nakayakap na siya sa kaniyang tuhod habang nakatanaw pa rin sa cellphone. Ilang minuto ang lumipas at nag-reply rin ito kaya lumawak ang ngiti niya sa labi.
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
RomanceCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...