Tahimik lang siya sa tabi ni Xion habang nakikinig sa mga pag-uusap ng mga nakapaligid sa kanila. Medyo nakaramdam siya ng out of place dahil talagang mga businessman ang halos ng tao rito. Pasimple siyang napatingin sa kabilang tabi ni Xion na si Alora, panay ang hawak nito sa braso ng binata at naiirita siya.
Napabuga siya ng hangin at inalis ang tingin sa babae. Gusto niya sanang magpaalam dito para magbanyo pero mukhang na-busy na talaga ito sa mga kinakausap. Pasimple siyang naglakad palayo at tumungo sa cr dahil talagang naiihi na siya. Nang makapasok sa banyo ay dumeretso siya sa isang cubicle at doon umihi.
Pagkatapos niya ay lumabas din agad siya at natigilan siya nang makita roon si Alora na nag-aayos ng makeup. Akala niya ay hindi siya nito papansinin pero nang makalapit siya rito para maghugas ng kamay ay tumingin ito sa kaniya sa salamin.
"Do you have a business?" tanong nito sa kaniya habang pinapasok sa pouch ang lipstick.
"Wala," deretsong sagot niya rito. Pinagpag niya ang kamay niya at kumuha ng tissue para magpunas.
"Hmm, so, it's true that you're just a common server in a restaurant," puna nito sa kaniya at hinarap siya kaya hinarap niya rin ito. Hindi siya nagpapakita ng kung anong kahinaan dito. Kinakabahan siya dahil mukhang mang-aaway ito kaya mas lalong hndi siya pwedeng magpakita ng kahinaan sa babae.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at nakita niya ang pagtaas ng kabilang dulo ng labi nito.
"It's impossible that you're Xion's wife. Was he using you to be his wife? Well, anyways, he's going to be mine. It's not a threat, it's a fact," kumindat ito sa kaniya at ngumisi bago siya talikuran. Siya naman ay hindi makapagsalita at mahigpit lang ang hawak sa tissue.
Aagawin?
Tama nga ang hinala niya kaya ito gano'n umasta sa binata, may gusto nga ito kay Xion. Hindi niya alam kung matatakot ba siya sa sinabi nito o hindi. Pinaniniwalaan niya na kahit katiting ay gusto siya nito at doon na lang siya kumakapit sa paniwala niya.
Isa pa't asawa siya sa tingin ng mga nakikilala sa binata kaya hindi niya mawari kung bakit napakalakas ng loob ni Alora na sabihin iyon sa harapan niya. Napabuga siya ng hangin bago lumabas ng banyo. Pagkalabas niya ay agad din siyang napahinto dahil nakita niya si Lloyd na papuntang banyo ng lalaki. Magkaharap lang kasi ang comfort room ng babae at lalaki.
Nagkatitigan sila at hindi siya makapagsalita dahil sa tingin nito sa kaniya. Akala niya may sasabihin ito dahil medyo bumuka ang labi nito pero nauwi rin sa ngisi. Kumunot ang noo niya at sinundan ito ng tingin hanggang sa makapasok sa cr.
Lloyd was very kind to him but now he doesn't know anymore. Para bang naging misteryoso ito sa kaniya dahil sa pagdaliang pagbago, o talagang ganito naman ito? Ayaw niyang manghusga pero hindi niya rin mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano.
Bumalik siya sa pwesto nila kanina at nakita niyang wala ng kausap na iba si Xion, tanging si Alora na lang. Napatingin pa sa kaniya ang babae at lalong ngumisi bago haplusin ang dibdib ng binata habang nakatingin sa kaniya. Naikuyom niya ang kamao dahil sa matinding iritasyon na bumubulusok sa kalooban niya.
Gusto niyang sabihan na ahas ito pero hindi naman kasi sa kaniya si Xion. They're just pretending that they are married and a happy couple.
Deretso siyang tumungo kay Xion at nang makalapit ay hinawakan niya agad ang kamay nito at hinatak.
"Oh, you're here. You didn't say that you're going to the comfort room," ani nito sa malambot na ekspresiyon nang makabaling sa kaniya.
"Pagod na ako, pwede na ba tayong pumunta sa room natin?" deretsong sambit niya habang nakatingin sa mga mata nito. Kita niya roon ang pagtataka nito pero hindi na rin nagtanong.
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
Storie d'amoreCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...