Isang araw na ng mag-isa lang siya sa malaking bahay. Hindi naman totally mag-isa dahil sinusundo at hatid siya ng babaeng driver na dating naging driver niya noong wala rin si Xion. Ngayon niya nga lang ulit naalala ang contract husband niya. Hindi niya alam kung paano kinakausap ito ng binata.
Medyo na-bothered din siya dahil gumagawa siya ng kasalanan sa likod ng asawa niya. Kahit hindi niya ito kilala pakiramdam niya kasalanan pa rin ang ginagawa niya dahil kasal pa rin sila kahit sa papel lang.
Napabuga siya ng hangin at pinagpatuloy ang paglilinis ng lamesa. Nasa restaurant kasi siya at kasalukuyang naka-duty. Nagbigay na rin siya ng resignation letter. Nakapagdesisyon na siya na bumalik na lang sa pagbi-business dahil mas malaki ang kita roon.
Ang bilis ng panahon at mag a-apat na buwan alakna siya roon. Malaki na ang ipon niya dahil idagdag mo pa ang sweldo niya sa contract husband niya na hindi niya nababawasan dahil sa sweldo niya sa restaurant at allowance pa sa living expenses niya.
"Paano ba 'yan? Hanggang linggo ka na lang pala rito, siguraduhin mong magkikita pa rin tayo ha?" sambit sa kaniya ni Dianne nang makabalik siya sa counter.
Ngumiti siya rito at tumango. "Oo naman! Bibisita pa rin ako rito paminsan."
"Tiyaka pag nakapagbenta ka na ulit ng cosmetics, alukin mo ako at bibili ako. Mag-aalok din ako sa mga kakilala ko para naman may benta ka kaagad!"
"Salamat sa suporta, Dianne," pagpapasalamat niya rito. Mami-miss niya talaga ang mga tao sa restaurant na 'to. Swerte na talaga siya dahil walang toxic na ka-trabaho siya rito. Lahat ay mababait at maintindihin pag may emergency ka at hindi ka makakapasok. Pati na rin ang owner na manager pa na si Ms. Sharron. Wala siyang masabi na masama sa restaurant at mga empleyado. Kung malapit lang si Maceh dito ay ipapasok niya ito sa restaurant na 'to.
Bumati siya nang may pumasok na customer pero natigilan din siya kaagad nang makita si Lloyd na papasok. Kahapon din ay pumunta rin ito at may dalang bulaklak para sa kaniya. Ayaw niyang ipahiya ito sa iba kaya wala siyang nagawa kun'di tanggapin.
"Good evening. Ikaw na ulit ang bahala kung ano ang dapat kung kainin para sa hapunan," ngiting sambit nito sa kaniya sabay abot ng tatlong pirasong bulaklak.
"'Di ba sabi ko sa'yo na 'wag mo na akong dadalhan ng bulaklak? May asawa ako, Lloyd," bulong niya rito. Parang wala lang ang sinabi niya rito dahil ngumiti lang ito at nagkibitbalikat.
"I like you, that's why I'm giving you a flower and a chocolate," kaswal na ani nito.
"Kasal ako. May asawa ako."
"I know. And I can get you from him," ngisi nito. Nainis siya sa sinabi nito at nayabangan na rin.
"Ano ba ang problema mo? Gusto kong intindihin ka pero hindi ka na nakakatuwa," mariin na sambit niya sa mahinang boses. Mabuti na lang ay kaunti lang ang tao at nasa dulo umupo si Lloyd.
"The problem is I already like you but when I found out that you're that asshole's wife... Hmm... I kinda want to mess him a lot? Well, I still like you, so I'll do what I want," mahabang sambit nito. Straightforward ito magsalita at parang wala lang ang mga sinasabi nito, hindi man lang nahiya o ano.
"Tumigil ka na Lloyd. Wala kang mapapala sa akin," ani niya at tinalikuran na ito. Wala siyang oras para makipaglokohan dito, inaaksaya lang nito ang oras niya. Dumeretso siya kay Dianne para sabihin na ito ang umasikaso kay Lloyd.
"Ginugulo ka na ba niya? O sadiyang ayaw mo lang talaga magpaligaw?" bulong ni Dianne sa kaniya. Alam niyang napapansin naman na ng lahat ang ginagawa ni Lloyd sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
RomansaCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...