Magkahawak kamay silang naglalakad sa park ni Xion. Naisipan kasi nila na gumala ng gabi at sa park siya nag-aya. Masaya siya ng ganito lang, simpleng date.
"Do you want some ice cream?" tanong nito sa kaniya at tinuro ang stall ng ice cream. Tumango siya rito kaya tumungo sila sa stall. Bumili ng isang ice cream na nasa malaking cup.
"Just one spoon," ani nito sa tindera. "Subuan mo ako," baling nito sa kaniya. Nailing na lang siya dahil sa kakulitan nito. Siya ang umabot sa ice cream na brownies fudge flavor. Tinikman niya kaagad at napapikit dahil sa sarap.
"Let me taste it," sambit nito kaya sumandok siya pero bago niya pa mataas ang kutsara ay nagulat siya ng halikan siya nito ng mariin sa labi. Nanlaki ang mata niya nang kagatin nito ang labi niya para makapasok ang dila nito sa bibig niya.
"Hmm... sweet," wika nito nang maghiwalay ang labi nila. Siya naman ay natulala ng ilang segundo bago hampasin ito sa dibdib.
"Baliw ka ba! Nasa park tayo, ang daming tao!" mahinang bulalas niya. Agad siyang napalingon at may iilan doon na kababaihan na nakatingin sa kanila. Napayuko siya at naunang maglakad. Bigla siyang nahiya dahil PDA sila ni Xion.
"Wait for me wife!" sigaw ni Xion. Mas lalo siyang nahiya dahil narinig niya ang bulungan ng mga kababaihan,
'Ay mag-asawa na pala!'
'Ang guwapo ng lalaki, mukhang mayaman at masarap.'
'Nakita mo naman humalik 'di ba? Magaling 'yan panigurado, 'yong mapapasigaw na lang sa sarap!'
Patakbo na niyang nilagpasan ang mga 'yon, hindi niya alam kung maiinis siya dahil pinag-uusapan at mukhang pinagnanasaan pa ang asawa niya o mahihiya dahil nakita ng mga ito ang halikan nila.
Natigil siya sa pagtakbo nang may humawak na sa kamay niya.
"Why are you running?" he chukled.
"Natatawa ka pa ha!" pinanlakihan niya ito ng mata pero tumawa lang ito sa kaniya.
"Sorry, sorry, it's just that you're too cute. You're blushing, wife," puna nito sa kaniya at ginulo ang buhok niya. Ang dali-dali nito hawakan ang ulo niya dahil mas matangkad ito sa kaniya.
Inakbayan siya nito kaya sabay na silang naglakad. Pumunta na sila sa kotse at doon na tumambay. Alas-onse na rin ng gabi at medyo sumakit na rin ang paa niya kakalakad nila. Sa loob ng kotse niya tinuloy ang pagkain ng ice cream.
"Do you want to go home now or are you fine to go somewhere?" Binalingan niya ito ng tingin habang kumakain ng ice cream.
"Okay lang sa akin pumunta pa sa iba, hindi pa ako inaantok. Ikaw ba? Galing ka pa sa trabaho kanina, baka pagod ka na," pagtatanong niya rito dahil nag-aalala siya. Pagkatapos kasi nila mag dinner sa bahay dahil pinagluto niya ito ay mayamaya ay umalis na sila dahil nakapag-decide agad sila na gumala.
Gusto niya rin magkaroon sila ng quality time, lalo na ngayong alam na nila ang nararamdaman sa isa't isa. Wala ng pag-aalala at takot na baka siya lang ang umaasa at nagmamahal.
"Baby, can we go to your family's home next week? I want to formally introduce myself to your parents and siblings." Natigilan siya sa pagkain ng ice cream.
"Sigurado ka?" wala sa sariling tanong niya. Siyempre, nagulat lang siya dahil ito mismo ang nag-aya para makilala ang pamilya niya. Hindi naman kasi nila napag-usapan ang bagay na 'yon. Hindi niya rin alam kung paano ipapaliwanag sa magulat ang mga kapatid na kasal na siya at mag-iisang taon na.
"Of course. If it's hard for you to explain how we met, I'm the one who'll explain," ani nito na parang napakasimpleng bagay lang no'n. Tumango na lang siya para sumangayon dito, siguro ito na rin ang sign para malaman ng magulang niya ang nangyayari sa buhay niya. Gusto niya rin naman ipakilala ang asawa sa pamilya niya sadiyang natatakot lang siya at hindi alam kung paanong paliwanag ang gagawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/316065405-288-k309809.jpg)
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
RomanceCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...