Hiyang-hiya siya hanggang sa makauwi sila sa bahay. Paano ba naman ay paniguradong nagtataka ang lahat ng mga ka-trabaho niya at mga interns kung bakit nai-reserved ang buong restaurant ng dalawang oras para lang makakain siya ng maayos na dinner.
Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ito mga katrabaho.
"Stop avoiding me, Aj." Napatigil siya sa paglalakad nang magsalita ito. Paakyat na sana siya sa taas para pumunta sa kwarto at doon ikulong ang sarili.
"Hindi kita iniiwasan," deretsong sambit niya.
"Don't lie, I know you're avoiding me since that night. What did I do? Tell me." Hinatak nito ang kamay niya kaya napaharap siya rito. She was stunned for a second when she realized that they are too close to each other.
She swallowed hard and then looked at him.
"Hindi," simpleng saad niya habang nakatingin siya sa mga mata nito. Taas noo siyang nagsisinungaling harap-harapan. Kung sasabihin niyang iniiwasan niya ito ay paniguradong manghihingi ito ng rason sa kaniya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na nagkakagusto siya rito dahil baka pagtawanan siya nito.
Xion is working for her husband. Isang malaking kahihiyan na magmukha siyang hindi mabuting asawa. Hindi naman niya pwedeng i-explain na contract husband lang niya ang asawa at hindi niya pa talaga ito kilala.
Bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi nito. He licked his lower lip while looking at her. He looks like he is calming hisself.
"You... why are you smiling while looking at that intern guy earlier?" Her lips parted because of what he said.
"H-huh?"
"You're smiling brightly while talking to that guy. And both of you are too close to each other," he clenched his jaw.
"A-ano bang pinagsasabi mo!" inis na sambit niya at winaksi ang kamay nito ngunit mas mabilis ito sa kaniya kaya nagawa nitong hawakan muli ang kamay niya at gamit ang isa pang kamay nito ay hinapit pa siya nito sa bewang kaya mas lalong naging dikit ang katawan nila.
Gulat siyang nakatingin dito habang nakaawang ang labi. Nakakunot lang ang noo nito na parang hinihintay ang explanation niya.
"Ano naman kung nakangiti ako sa kaniya at magkalapit kami? Tinuturuan ko siya sa cashier at kung ano ang dapat gawin."
"He's not listening to you!"
"Paano mo naman 'yon nasabi! Eh kakarating mo lang no'n," hinampas niya ito sa dibdib para pakawalan siya pero hindi pa rin siya nito pinakawalan. "Ano ba, bitawan mo ako," dugtong niya pa. His gripped tightened. Hindi siya roon nasasaktan pero nag-iiba ang pakiramdam ng katawan niya dahil sa klase ng paghawak nito sa bewang niya.
Ramdam niya ang mabibigat na paghinga nito dahil nakalapat ang kamay niya sa dibdib nito.
"You're making me crazy, Aj." Lumakas ang tibok ng puso niya at sunod-sunod ang paglunok niya ng pinasadahan na naman ng dila nito ang labi. Natulala siya mapupulang labi nito na parang masarap kagatin.
"You also didn't eat that much! I thought you'll enjoy it if we eat together but —"
Hindi niya na ito pinakinggan at mariin niyang pinikit ang mata at tiyaka tumingkayad para abutin ang labi nito. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya na para bang may nagkakarera roon. Umawang ang labi niya ng kaunti nang maramdaman ang malambot na labi nito sa kaniya. Unti-unti niyang binuksan ang mata niya at nagtama ang paningin nila.
Napaatras siya dahil sa klase ng tingin nito. Pakiramdam niya ay tinitignan siya nito hanggang sa kalooban. His stare is like a switch, suddenly his body is like on fire.
Aatras pa sana siya nang umakyat ang isang kamay nito sa batok niya at mabilis siyang hinapit dahilan para maglapat muli ang labi nilang dalawa. Tuluyan na siyang nalunod sa ginawa nito at awtomatikong inangat niya ang dalawang kamay para ipalupot ang kamay niya sa batok nito.
"Uh..." Umawang pa lalo ang labi niya nang nangigigil itong kinagat iyon. Lunod na lunod na siya na parang hindi na siya magigising sa reyalidad nang biglang makarinig siya ng tunog ng cellphone. Mukhang hindi iyon narinig ng binata o hindi lang nito pinansin dahil patuloy pa rin ito sa pag halik sa kaniya.
Siya naman ay napatigil sa pagtugon dahil para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Agad niya itong naitulak ng malakas habang nanlalaki ang mata niya.
M-mali ito... Mali 'to Aj!
"Fuck," he cursed while getting his phone. Tama nga siya dahil talagang may tumatawag.
Patakbo siyang umakyat papunta sa kwarto niya. Pagkapasok niya ay napasandal siya sa pintuan at napaupo na lang sa sahig habang nakatulala. Hinawakan niya ang labi dahil ramdam niya pa rin ang malambot na labi nito na nakadikit sa kaniya.
Sinubsob niya ang mukha sa tuhod, gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil maririnig siya ni Xion.
Did they just kiss?! Hindi siya nananaginip at mas lalong hindi naman siya sabog. Hindi siya lasing pero nagawa niyang siya ang mag first move sa binata.
Paano niya na lang ito haharapin bukas. Wala na siyang mukhang ihaharap dito dahil sa ginawa niya. Kahit tumugon ito sa halik niya ay hindi pa rin mapagkakaila na siya ang nauna. Kung bakit ba kasi siya parang na hipnotismo sa labi nito.
Napakaharot mo talaga, Aj! Paano na lang kung malaman ito ng asawa mo?
Ginulo niya ang buhok bago naisipan tumayo para kumilos. Tulala lang siya buong gabi at halos hindi na siya makatulog sa kakaisip sa nangyari.
Kinabukasan ay nagising na siya ng alas-diyes ng umaga. Talagang napuyat siya dahil hindi siya agad nakatulog. Naligo siya at nag-asikaso. Nang matapos maligo at magbihis ay hindi siya kaagad nakalabas ng kwarto dahil nahihiya siyang magpakita sa binata pero dahil kailangan niyang magluto at kumain dahil papasok siya ay wala siyang nagawa.
Bago pa siya makalabas ng kwarto ay tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon.
From Xion,
I ordered your food and your driver is already there. I'll be gone in a week. Let's talk after I come back.
Natulala siya sa mensahe nito at parang hindi iyo nagproseso sa utak niya. Lumabas siya ng kwarto at mabilis na bumaba. Wala nga talaga ito, ang tanging nakita niya lang ay ang babaeng naka formal attire na nakaupo sa sofa.
"Good morning ma'am! I'm your driver for a week. I'm Zashai Ortega. Nasa table na po ang mga pagkain, hihintayin na lang po kita para maihatid sa trabaho niyo," magalang na sambit nito.
"S-si Xion? Kakaalis lang ba?" tanong niya rito.
"Yes ma'am, 5 minutes ago po." Bumagsak ang balikat niya dahil sa narinig. Isang linggo itong mawawala at hindi man lang nakapag paalam sa kaniya ng personal.
Pero paano nga pala makakapagpaalam kung hindi niya naman ito kaya harapin dahil sa nangyari kagabi. Siguro naman mas okay ito dahil kahit papaano ay maalis sa utak niya si Xion. Siguro naman kung hindi niya ito makakasama ng isang linggo ay mawawala ang nararamdaman niya rito.
Tama. Tama lang ito para naman malaman ko kung simpleng atraksyon lang ang nararamdaman ko.
Tumango tango siya para maging positibo sa mga bagay-bagay. Dumeretso siya sa kusina at mayroon nan gang mga pagkain. Itsura pa lang ay mukha ng galing sa mamahalin na restaurant. Umupo siya at nagsimulang kumain kahit na nawalan siya ng gana.
Kailangan niyang maiwaksi sa isipan niya ang binata dahil kung hindi niya ito magagawa ay talagang lagot na ang puso niya.
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
RomanceCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...