Lumabas siya ng cubicle at hinugasan ang kamay niya. Nag-cr lang siya saglit dahil medyo hindi na siya makahinga sa mga tanong ng kamag-anak ni Xion.
Paanong hindi siya magiging komportable kung hindi niya alam ang isasagot niya sa mga katanungan tungkol sa kanila. Pagkatapos kasi nila kumain ay marami ng lumapit sa kanila katulad na lang ng mga tito at tita ng binata na kinakamusta ang buhay mag-asawa nila. Binibiro pa sila ng lahat na nag-solo sila sa kasal dahil walang nakaalam.
"Ibang klase ka na pala ngayon." Natigilan siya nang makalabas ng comfort room. Kumunot ang noo niya nang makita si Hendrix na nakasandal sa pader at mukhang hinantay talaga siya makalabas.
"Big time ka na pala! Dati lang ay todo kayod ka para magkaroon ng pera kaya pati ako hindi mo na napagtutuunan ng pansin," tawa nito sa kaniya.
"Ibang klase ka rin, ganiyan pa rin ang ugali mo. Pero atleast nagtatrabaho ka na ngayon, tumigil ka na ba sa panggogoyo mo ng mga babae at binabae?" she scoffed. Mukhang nainis ito sa sinabi niya kaya lalagpasan niya na sana nang hawakan nito ang braso niya.
"Aray! Nasasaktan ako Hendrix!" daing niya rito. Ngayon ay nagtataka siya kung bakit siya nagkagusto sa manloloko na 'to.
"Hindi na maganda ang tabas ng dila mo ah! Ano? Nagmamalaki ka na dahil nakakuha ka ng mayaman? Ganito mo ba kabilis gusto maging mayaman at umasenso?" Tumawa siya ng mapakla at malakas na winaksi ang pagkakahawak nito.
"Wala kang alam! 'wag kang magsabi ng kung ano-ano kung hindi mo alam ang istorya ko!"
"Alam kong gusto mo maging mayaman, Aj. Kaya nga 'di ba kung ano-anong raket ang ginagawa mo? Paano mo nasungkit 'yong asawa mo? Imposible namang binigay mo ang sarili mo para makuha lang 'yang mayaman na 'yan, masiyado ka kasing maarte at panigurado rin na hindi magaling sa kama. Kaya nga ayaw mo makipagtalik sa akin kasi wala kang binatbat —" Malakas na sampal ang pinutol niya sa pagsasalita rito. Nanubig ang mata niya at nanginginig ang kalamnan niya sa galit at poot na nararamdaman niya sa walang kwentang lalaking 'to.
"Ang kapal ng mukha mo —" Natigil siya sa pagsigaw nang biglang bumagsak sa sahig si Hendrix. Nanlalaki ang mata niya nang makita si Lloyd na umibabaw na sa lalaki at pinagsusuntok ang mukha nito.
"A fucker like you is not needed on this earth. You..." Tumayo ito at hinablot ang kwelyo gamit ang isang kamay. "... you should go to hell and meet your family there, you assh*le."
"Nako po! Sir! Tama na po 'yan!" Napalingon siya nang makita ang isang staff ng resort. May nakita pa siyang isang babae na tumakbo papaalis doon, siguro para humingi ng tulong.
"Lloyd! T-tama na 'yan... Baka mapano ang kamay mo sa demonyong 'yan!" Pinigilan niya si Lloyd at nang tumigil ito saglit ay inipon niya ang lakas niya para sampalin muli ito pero sa kabilang pisngi naman.
Bigla siyang nakaramdam ng walang awa sa lalaking nasa harapan niya.
"What is happening here?!" sigaw ng ama nila Xion.
"Calm down Frank!" ani ng ina ni Lloyd sa kasintahan.
Napalingon siya nang may humawak sa braso niya. Nakakunot ang noo ni Xion habang nagtatanong ang mga mata nito sa kaniya.
"What did you do, Lloyd? Another problem again? Really? Here in our family gathering?" galit na utas ng ama nito kay Lloyd. Winaksi niya ang pagkakahawak ni Xion sa kaniya at binalingan ang ama ng mga ito.
"Wala pong kasalanan si Lloyd, pinagtanggol niya lang po ako..." paliwanag niya sa mga ito sa mahinang boses.
"What the fuck did he do to you?" sabat ni Xion at dinampot gamit ang isang kamay ang nanghihinang Hendrix. Hinawakan niya ang kabilang kamay nito dahil pakiramdam niya kung nabugbog ito ni Lloyd ay baka mapatay ito ni Xion.
Kita niya pandidilim ng mata ng binata, hindi pa nito alam ang buong nangyari ganito na agad ito kaya medyo kinabahan siya.
"Nagsabi lang ako ng totoo! Kaya ka siguro inasawa niyan dahil gusto niya rin yumaman! Hindi ko alam kung anong nagustuhan mo sa babaeng 'yan eh noong kami nga ayaw magpagalaw sa akin kaya nagsawa ako at naghanap ng iba. Paniguradong magsasawa ka rin diyan dahil hindi mo makukuha ang katawan niyan —" Sabay sabay ang pagsinghap ng lahat nang tumalsik si Hendrix at tumama sa pader.
Hindi siya nakapag-react agad dahil napakabilis ng pangyayari. Muling sinugod ni Xion ang lalaki at aawat na sana siya nang may pumigil sa kaniya.
"Don't stopped him. Because if I'm your husband? I'll kill him," ani nito sa kaniya. "Gusto ko pa siyang bugbugin pero dahil wala akong karapatan sa'yo, I'll stop here," he added.
"Lloyd..."
"I'm sorry, Aj. I used you to get the company..." Naguguluhan man siya sa sinabi nito pero hindi na siya nakapagtanong dahil mas lalo lang lumakas ang ingay. Puro sigawan ang nangyayari at ang mga bata ay pinaalis sa lugar kung nasaan sila. Tiningnan niya ang ama ni Xion pero blanko lang ang itsura habang nakatingin sa ginagawa ng anak.
"Don't stopped him. He deserve that," baling sa kaniya ng ama nito. Naririnig niya ang pagsaway ng ina ni Lloyd sa ama ng mga ito.
Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kaniya ni Lloyd at siya ang umawat sa binata.
"Xion! Xion! Tama na... Xion!" sigaw niya rito nang hindi ito maawat. Hinablot niya ang matigas nitong braso, hinahatak niya ito kahit hirap na hirap siya dahil malakas ang binata.
"Xion!"
"I'll fucking kill this fucker," giit ni Xion sa kaniya at hindi pa rin tumitigil sa pambubugbog sa lalaki. Kita niya na mawawalan na ng malay si Hendrix dahil duguan na ang mukha nito.
"Xion! Pag hindi ka tumigil lalayas na talaga ako at hindi na kita babalika pa!" sigaw niya. Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon nito sa kaniya. Nagtama ang paningin nila, nagtatas baba ang dibdib nito dahil sa galit. Pabalang nitong binitawan ang lalaki at binalingan siya.
Sinalubong niya ang tingin nito at tinibayan niya ang sarili. Sinamaan niya ito ng tingin at parang naging switch iyon para kumalma ang mukha nito.
"I'm sorry..." Hinatak nito ang kamay at niyakap siya ng mahigpit. "I will not do it again... don't leave me, baby," he murmured. Para namang may pumisil sa puso niya, ramdam niya ang kung ano-anong emosyon sa boses ng binata.
Para itong naging maamong tupa pagkatapos magwala. Bumuntong hininga siya at niyakap ito pabalik.
"Gusto ko ng umalis dito," bulong niya.
"Okay, baby. We'll leave now." He kissed her forehead and held her hands tightly. Her anger towards her ex calmed, she suddenly feel so safe with Xion's embrace and especially when he kissed her forehead and held her hand. Parang sa oras na 'yon ay totoo silang magkasintahan.
Paano siya hindi mako-confused kung ganito ito umakto pag dating sa kaniya? Nagkaroon na naman ng oras umasa ang puso niya kahit may galit pa rin siya rito.
Bakit ba napakakomplikado ng lahat? Please lord, give me a sign if i should held his hand tightly or should i let go it. Lalaban at aasa pa ba ako?
Sa ngayon ay hindi niya muna iisipin ang mga pinoproblema niya at pagtutuunan muna ng pansin ang mga nangyari ngayon.
Talagang kailangan nga nila mag-usap ng masinsinan.
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
RomanceCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...