Binilisan niya ang pagkain nang makitang paupo na si Xion para kumain ng tanghalian. Back to work na siya kaya kahit papaano ay natuwa naman siya. Iniiwasan niya ito dahil iyon ang kailangan. Hindi p-pwedeng matuluyan siyang mahulog at maakit ng sobra rito dahil siguradong masasaktan siya.
Nasaktan na nga siya sa sinabi nito noong nakaraan na kaya lang ito nag-aalala dahil trabaho nito ang protektahan siya.
Pagkaupo nito ay tumayo na siya para ligpitin ang pinagkainan niya. Hinugasan niya iyon ng mabilis dahil gusto niya ng makaalis sa harapan nito.
"I'll eat dinner at the restaurant," sambit nito. Hindi siya umimik at pinagpatuloy ang paghuhugas. Nang matapos ay pinunasan niya na ang kamay niya at balak nang umalis sa kusina nang nagsalita ulit ito.
"Let's eat together later," he added.
"May trabaho ako, hindi na kailangan," she plainly answered. Tuluyan na siyang umalis doon at dumeretso sa kwarto niya para magbihis ng uniform.
Bahala siya dahil hindi ako sasabay sa kaniya!
Hindi siya umalis ng kwarto hangga't hindi pa oras ng alis nila. Nang saktong 12noon na ay tiyaka lang siya lumabas ng kwarto at bumaba. Nakaandar na ang sasakyan at naroon na rin si Xion na naghahantay sa kaniya. Deretso lang ang lakad niya papuntang sasakyan at pumasok agad sa loob ng kotse.
Doon pa rin naman siya umupo sa harapan dahil kung uupo siya sa likod ay baka sobrang mapansin na nito na nilalayuan niya ang binata.
Pumasok din ito at ramdam niya ang titig nito sa kaniya. Mabilis niyang sinuot ang seatbelt pero natigilan siya nang hawakan nito ang kamay niya at ito na ang nag-lock ng seatbelt niya.
"Are you okay?" Hindi!
"Oo," simpleng sagot niya. Hindi niya ito binalingan ng tingin o ano man.
"You're not. Do you have a problem with me?" Halos mapatalon siya sa gulat nang hawakan nito ang baba niya at pihitin para mapatingin sa kaniya. Awtomatikong hinawakan niya ang kamay nito para alisin iyon. Ito ang problema, sobrang laki ng epekto nito sa kaniya sa simpleng hawak lang.
"A-ano ba?" pagsusungit niya. "Wala, wala akong problema," ani niya at iniwas ulit ang tingin.
Bumuntong hininga ito bago paandarin ang sasakyan. Buong biyahe ay alam niyang patingin-tingin ito sa kaniya pero hinahayaan niya lang. Nang makarating sila ay hindi pa rin siya nagsasalita. Palabas na siya ng kotse nang magsalita ito.
"I'll be here at 6 pm, let's eat dinner together."
"May duty pa ako no'n, hindi pwede," sambit niya at nilingon ito. Seryoso naman ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
"It's possible, believe me," he said. Napailing na lang siya at tuluyan nang lumabas ng kotse. Hindi niya na ito nilingon pa at dere-deretso lang na pumasok sa restaurant.
Hindi niya alam kung bakit gusto nitong magsabay sila sa pagkain. Umiiwas nan ga siya tapos bigla itong maggaganon?
"Oh, problema mo?" napatingin siya kay Dianne. Kakarating lang din nito dahil nasa employee room pa ito.
"Huh? Wala naman," sagot niya at nilapag ang gamit sa upuan.
"Anong wala? Nakabusangot ka riyan at mukhang malalim ang iniisip. Nag-away ba kayo ng pogi mong kaibigan na hinahatid sundo ka?" mausisang tanong nito at diniinan pa talaga ang salitang 'kaibigan'.
"Hindi ah!" tanggi niya. Inayos niya ang uniform na suot at tinali niya na rin ang buhok niya. Maaga pa bago sila mag-in kaya tambay muna sila sa room.
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
RomantizmCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...