Katatapos lang nila mag-video call ni Xion at patulog na sana siya nang muling mag-ring ang telepono niya. Nakapikit pa ang mata niya habang inaabot iyon para sagutin ang tawag.
"Hello?" sambit niya sa inaantok na boses.
"Hello ma'am? Baka po pwede niyo sunduin si sir? Lasing na po talaga at hindi po namin alam kung sino ang tatawagan. Nasa speed dial niya po kasi ang number niyo kaya ikaw po ang natawagan naming," mahabang paliwanag nito. Naimulat niya naman ng maayos ang mata at agad na nilayo ang cellphone sa tainga niya para makita ang screen at matukoy kung sino ang tumatawag.
Lloyd...
Binalik niya agad ang cellphone sa tainga para makausap ang nagsasalita. "Nasaan po ba 'yan kuya? Wala po bang ibang matatawagan? Hi-hindi po kasi ako—"
"Sa Luxus Club po ma'am. Wala na po kaming ibang matawagan dahil tatlo lang ang nasa contacts ni sir," putol nito sa kaniya. Napahawak siya sa noo at napatango.
"Sige po, papunta na po ako riyan," sambit niya. Hindi naman niya pwedeng hayaan ang lalaki lalo na't siya na ang kinontak ng mga staff sa club na 'yon.
Mabilis siyang nagbihis ng maayos, hindi na siya nag-ayos pa ng mukha. Nag-grab siya para mabilis na makasakay at makapunta roon.
Pag nalaman ito ni Xion ay siguradong magagalit ito sa kaniya. Maski siya ay nagtataka kung bakit siya ang nasa speed dial nito. Sinave niya ang numero nito sa kaniya dahil madalas itong tumawag at lagi niyang sinasagot dahil numero lang ang nakalagay.
Pagdating niya sa club ay medyo marami pa rin ang tao. Tinanong niya sa isang bouncer kung nasaan si Lloyd at ginaya naman siya nito sa isang vip room. Pagkapasok niya roon ay nakita niya ang lalaki na nakasandal sa sofa habang nakapikit ang mga mata. Dalawang boteng malaki ang wala ng laman at may iilan pang beer. Sa nakikita niya pa lang ay sumakit na agad ang ulo niya.
Lloyd was wasted.
"Lloyd," sambit niya at tinapik ito sa balikat. Nang hindi ito umimik ay napakamot siya sa ulo. Wala siyang ideya kung paano ihahatid ito sa bahay nito. Hindi niya alam ang address nito at mas lalong hindi niya ito kaya buhatin. Mas malaki pa ito kaysa sa kaniya at alam niyang mabigat ito para buhatin ng mapayat na katulad niya.
"Lloyd, gising! Bakit ka ba kasi naglasing?" inis na bulalas niya. Patulog na siya at naudlot pa 'yon dahil dito. Medyo gumalaw ito kaya niyugyog niya pa ang balikat.
"Gumising ka, hindi ko alam kung saan ang bahay mo at mas lalong hindi kita kaya buhatin," dagdag niya pa.
"Hmm..." Unti-unti itong dumilat at napatingin sa kaniya. "Aj? Y-you're here?" Napaupo ito ng maayos pero halatang lasing na lasing talaga dahil gumewang pa nakaupo na nga lang.
"Sino ang pwedeng tawagan? Kailangan mo ng umuwi," ani niya rito. Kahit naiinis siya sa lalaki ay nag-aalala pa rin siya dahil ganito ang sitwasyon nito. Pag nalalasing ang isang tao, kung hindi masaya ay malungkot naman o kaya may mabigat na pinagdadaanan.
She knows that Lloyd was having a hard time. May problema ito na ayaw ilabas. Sigurado siya roon dahil sa relasyon pa lang nito sa kapatid ay hindi na maganda.
"Am I dreaming? Ako ba talaga ang pinuntahan mo o ako ang pumunta sa'yo?" he laughed. Bumuntong hininga siya bago magsalita.
"Tinawagan ako ng staff gamit ang phone mo. Bakit ako ang nasa speed dial mo? Tiyaka paano ka ba makakauwi? May driver ka ba o kaya naman ibang matatawagan para tulungan kang makaalis dito?" Umiling ito at wala sa sariling ngumiti.
"I don't have anyone, Aj. I just have myself. Well, if you want to be with me, I'll be happy," he chuckled.
"Lasing ka na talaga. Tara na, iuuwi na kita. Magta-taxi tayo dahil hindi ako marunong mag-drive," sambit niya at tinulungan itong makatayo pero umiling lang ito at hinawakan siya sa kamay para paupuin muli.
"No. I'll just stay here. I want to drink more. Hindi pa naman ako lasing, natulog lang ako saglit para magkaroon ako ng lakas para sa panibagong alak," he smirked. Napairap siya rito dahil sa sinabi. Napabuga siya ng hangin nang may kinuha itong bote ng alak sa ilalim ng table. Hindi niya man lang iyon napansin kanina.
Napatitig siya kay Lloyd, guwapo pa rin naman ito kahit lasing na lasing. Maliban sa guwapo nitong itsura mukhang wala itong problema kung titingnan lang pero alam niyang marami itong mabibigat na problema o sama ng loob.
"Kung may problema ka pwede mo sa aking sabihin. Hindi puwedeng lahat kikimkimin mo, hindi puwedeng lahat ay itatago mo dahil mas masakit pag masiyado ng napuno 'yang nararamdaman mo," seryosong sambit niya rito. Natigilan ito sa pagbubukas ng alak at napayuko. Kita niya ang pag ngisi nito na parang hindi makapaniwala sa narinig.
"Do I look like a problematic person?" he joked.
"Kaya mo ba ako nilalapitan para inisin ang kapatid mo?" deretsong tanong niya rito. "Kasi kung gano'n, wala ka ring mapapala."
"Meron akong mapapala. It's either I mess with him or I'll get you," sambit nito sa natatawang boses. "Seryoso ako ng sinabi kong gusto kita. I don't know, your personality makes me want you to know more but suddenly my brother introduce you as his wife. Akalain mo 'yon? Lahat na lang ng ginugusto ko ay naagaw niya kaagad!" matabang na sambit nito.
Natahimik siya at hindi makapagsalita. Napatitig siya rito habang lumalagok na naman ng alak. Bigla siyang na-curious kay Lloyd. Sigurado siyang lahat ng ginagawa nito ay may dahilan. Hindi lahat ng tao ay perpekto, lahat may masamang ugali pero mayroon pa ring kabutihan. Ang iba nga lang ay natabunan na ng kasamaan ang puso.
"Xion is always the best. Of course, he's the legitimate son. Ako? Anak ako sa labas. Akala ko nga hindi ko na makikilala ang ama namin. Nang mamatay ang ina ng lalaking 'yon, hinanap kami ng magaling naming ama. Akalain mo 'yon? Pinatira at binuhay kami ng mommy ko sa mansyon nila. Pero sana ay hindi na lang nila iyon ginawa. Bigla ko lang naramdaman na wala akong kwentang tao, pati ang mommy ko ay kumakampi sa lalaking 'yon. He's always right, the genius one, the hard working and studious person. Ako? Black sheep sa pamilya, walang kwentang tao at puro gulo lang ang dala sa pamilya." Umawang ang labi niya dahil sa biglaang pagku-kwento ni Lloyd.
Kung lasing na ito nang maabutan niya ay mas lalo pa itong nalasing. Medyo pumipikit na ang mata nito pero lumalagok pa rin ng alak. Nakasandal na ulit ito sa sofa.
"I always feel alone. My mom is with our dad in the states. Madalang niya lang ako kumustahin at kausapin tapos lagi pang nasisingit ang lalaking 'yon. Sino ba naman kasi ang gustong kumamusta sa isang lalaking puro problema lang naman ang dala sa pamilya 'no?" tumawa ito ng bahagya at napailing pa.
"Lloyd... baka lang kasi masiyadong mataas ang pride mo at hindi mo pinapakita ang totoong nasa puso mo," ani niya rito at inagaw ang bote ng alak.
"No. I'm not rich and genius as Xion. That's why I want to be a fucking rich and famous so I can get what I want!" malakas na ani nito at humalakhak. Unti-unting humina ang tawa nito hanggang sa isang ngisi na lang ang nagawa.
"Hindi ko alam kung mag-asawa ba talaga kayo o nagpapanggap lang para makuha niya ang kompanya na iniwan ng lolo... Gusto kitang agawin... hindi dahil pag nagkahiwalay kayo ay mapupunta sa akin ang mana kun'di dahil talagang gusto na kita... Am I too straightforward?"
"I'm a mess with everything. Mukhang sa pagmamahal talo pa rin ako ha... fuck this fucking life," he murmured. Nakatulala na lang siya rito at hindi na nakapagsalita. Tuluyan na itong bumagsak at nakatulog dahil sa kalasingan. Bigla niyang naintindihan si Lloyd kung bakit ito ganito. Lloyd wants attention. Sa tingin niya ay puro mali ang napupuna ng pamilya nito sa binata dahil naging ganito ito.
Being compared to others is like a wound, it's painful. Bigla niyang na-imagine kung siya ang nasa lugar ng binata. Baka maging rebelde rin siya at kung ano-ano ang gawin para lang sa atensyon. Parang piniga ang kaniyang puso dahil sa mga nalaman. Gusto niyang pag-ayusin ang dalawang magkapatid. Gusto niyang makapag-usap ito ng seryoso at magkabati.
Napainom siya ng alak dahil sumagi ang sinabi nito tungkol sa pagpapanggap lang nila para sa kompanya ng lolo nila. Hindi niya iyon naintindihan pero sa hindi malaman na dahilan ay kumabog ng husto ang puso niya dahil sa kakaibang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
Storie d'amoreCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...