38

7.8K 167 4
                                        


Nakatulala lang siya sa isang tabi at hindi magawang umimik. Iniisip niya pa rin ang lahat ng nangyari. Hindi siya makakain ng maayos dahil wala siyang gana. 

Parang hindi maayos nagpo-proseso ang utak niya at gusto niya na lang tumulala sa kawalan. Hindi pa rin siya makapaniwalang sa isang iglap ay makikita niyang nag-aagaw buhay si Lloyd.

Kitang-kita ng dalawang mata niya ang pagharang nito kaagad nang mabilis na iputok ni Alora ang baril habang nakatutuok kay Xion. Halos madurog ang puso niya nang makita ang kalagayan nito. Aaminin niya na nakaramdam din siya rito ng galit pero naiintindihan niya ang rason ng pagrerebelde nito.

"Baby... Please eat. Kahit kaunti lang," ani nito sa kaniya nang makapasok sa loob ng kwarto nila. May dala itong porridge at tubig sa tray na bitbit.

"I ordered a food that is easy to eat. Alam kong wala kang gana pero kailangan mo kumain kahit papaano," dugtong pa nito. Nang maibaba nito ang tray sa kama ay nilapitan siya nito tiyaka tumabi at hinawakan ang kamay niya.

"Magiging okay lang siya 'di ba?" marahang tanong niya rito. Hinawakan ng mahigpit ni Xion ang kamay niya at tiningnan siya ng mabuti.

"He is always strong so he will be okay. I'm sure about that so eat now. Ayaw kong pati ikaw ay magkasakit dahil hindi ka kumakain. Paano tayo magkaka-baby niyan?" malambing na ani nito. Alam niyang pinapagaan nito ang loob niya. Niyakap niya si Xion ng ilang minuto bago napagdesisyunan na kainin ang dal anito.

Masarap ang pagkain at kahit papaano ay nagkaroon siya ng kaunting gana at naubos niya ang isang maliit na bowl na dala nito. Pagkatapos niya kumain ay sabay silang naligo ni Xion. Ito ang umasikaso sa kaniya dahil wala man lang siyang kagana-gana kumilos. Nang matapos ay ito rin ang nagpatuyo ng buhok niya para makahiga na siya sa kama.

Mabilis lang siyang nakatulog at hindi siya iniwan ni Xion sa tabi niya. Paggising niya ay nasa tabi niya pa rin ito yakap-yakap siya. Siguro kung wala ito sa tabi niya ay hindi siya makakatulog dahil sa takot. Hindi mawala-wala sa emahe niya ang nangyari.

"Good morning, baby," malambing na bati ng asawa at hinalikan siya sa noo. "How's your sleep?"

"Nakatulog ako ng maayos," ngumiti siya rito.

"I'm going to the hospital... The doctor called and we need to talk—"

"Sasama ako!" putol niya agad dito. Napaupo siya agad sa kama at tiningnan ito. Pati ito ay napaupo na rin dahil sa kaniya. Bumuntong hininga ito bago tumango.

***

Nakarating sila sa hospital at sinalubong sila agad ng doctor. Nagtaka pa siya dahil nga ito mismo ang sumalubong sa kanila. Akala kasi niya ay deretso sila sa office nito.

"He's awake," bungad nito sa kanila ni Xion. Natulala naman siya saglit at napabaling ng tingin kay Xion.

"You mean, he's okay now?" paninigurado ng asawa sa doctor.

"Yes. Pero kailangan pa rin naming siya obserbahan dahil malapit sa spinal cord ang pagtama ng bala. Kailangan naming masigurado na okay na talaga siya bago naming siya i-discharge sa hospital," paliwanag pa nito.

"No problem about that. Hindi niyo kailangan magmadali sa pag-discharge sa kapatid ko. I'll pay everything as long as he will be okay," seryosong sambit ni Xion sa doctor. Magkahawak kamay silang tumungo sa hospital room nito nang matapos ang pag-uusap.

Pagkapasok nila sa room ay parang nawala ang bigat sa dibdib niya nang makita na ngang gising si Lloyd. Kasalukuyan itong binibigyan ng gamot ng nurse.

"Lloyd!" tawag niya rito at agad na lumapit.

"Hey," bati nito sa kanila nang mapansin sila. Hindi kasi agad nito napansin na may pumasok dahil nakaharang ang dalawang nurse sa gawi nila at malaki-laki rin talaga ang kwarto.

"Okay ka na? anong nararamdaman mo? Talaga okay ka na 'di ba?" sunod-sunod na tanong niya rito at pinasadahan pa ang kabuuan.

"Don't look at me like that. Baka hindi ako maging okay pag nagselos ang asawa mo. Remember? I do like you." Nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang okay na talaga ito.

"What do you want to eat?" tanong ni Xion kay Lloyd. Hindi ito lumapit sa mismong bed, dumeretso ito sa sofa at doon umupo. Nakatutok na ito sa cellphone, mukhang o-order ito ng pagkain.

"I want—"

"Tinola? Your favorite?" putol ni Xion habang nakatutok pa rin ang mata sa cellphone. Napatingin siya kay Lloyd nang natigilan ito. May kung ano ang kumislap doon at alam niya kung ano 'yon. Napabuntong hininga siya at binalingan ng tingin ang asawa.

"Iihi lang ako," paalam niya kay Xion. "Pero sa labas ako magc-cr kasi mag malaki ang banyo do'n," dahilan niya agad.

"Baby, this is a vip room so the comfort room here is bigger and—"

"Sa labas ako," pinal na ani niya at dere-deretsong lumabas ng kwarto. Hahayaan niya mag-usap ang dalawa ng masinsinan. Gusto niya magkaayos ang dalawa para sa ikabubuti ng lahat.

Ngayon ay kampante na siya at wala ng bigat sa dibdib niya dahil okay na ang binata. Hindi niya man basta-basta makakalimutan ang mga nangyari at ang emahe nitong nakaka-trauma sa kaniya ay sigurado siyang makakalimutan niya rin iyon sa paglipas ng panahon.

***

"Where's Alora?" tanong ni Lloyd sa kaniya nang makalabas sa kwarto si Aj. Binaba niya ang cellphone niya dahil tapos na siya umorder ng pagkain.

"In jail. She's crying for help." Nakakulong na si Alora lalo na't huli sa akto ang ginawa niya. Patong-patong ang kaso nito dahil sa ginawa kay Aj at kay Lloyd.

"Get her out," seryosong sambit nito sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

"He suddenly shoot the gun at me at dahil ikaw ang humarang ikaw ang natamaan. Kasalanan niya ang mga nangyari kaya bakit ko siya papalabasin sa kulungan?" mahabang lintanya niya dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

"She's not in the right mind... I know her, she has a trauma. She can't stand that she'll be alone. It's better to get her out of jail so she can have a therapy."

"After all these things you want her to get out of jail? She needs to face the consequences of what she has done."

"Just please... just this one," marahan na ani nito. Napahilamos siya sa mukha at hindi nagsalita. This is the first time he heard Lloyd begging to him. "Kasalanan ko rin naman kaya siya nagkagano'n. This is also my karma too. I know she's not in the right mind."

Hindi na siya kumibo pa at sinunod na lang ang gusto nito. Nagsabi rin siya kay Francis na magdagdag ng tao na magbabantay sa seguridad nilang dalawa, lalo na kay Aj. Hindi niya na kayang makita itong mapapahamak muli.

He stood up to leave the room but before he go outside he said what he wants to say to Lloyd.

"I'm still here as your brother. I'll forget what happened between us and move forward. So please, do the same. I'll wait till you open your heart to us, to your family. You're not alone in the first place, we are always here for you."



Pinihit niya ang doorknob at bago tuluyang maisara iyon ay narinig niya ang mahina nitong boses.



"T-thank you..." 

Affair with her BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon