26

5.7K 151 3
                                    


Nakatanaw siya sa labas ng restaurant, malakas ang ulan dahil sa bagyong dumating. Hindi kasi siya nakapanood ng balita mabuti na lang na lagi siyang may dalang payong sa bag. Bilang lang sa kamay ang customer ngayong araw dahil na rin sa panahon. Ito ang last day niya sa trabaho kaya naman ay kumikilos siya ng todo kahit na sinisita siya ng mga kasamahan niya na sila na sa ibang gawain.

"Ako na magpupunas dito, sa counter ka lang muna," ani ni Dianne sa kaniya.

"Okay lang, kaunti lang naman ang lilinisan," sagot niya rito.

"Last day mo na rito kaya chill ka lang," natatawang ani nito. "Isa pa't kaunti lang ang gagawin natin kaya 'wag mong akuin ang lahat dahil kaya mo, dapat hati pa rin sa gawain," dagdag pa nito. Hindi na siya nakapalag sa kaibigan at hinayaan na itong magpunas ng mga table. Sa counter lang siya tumambay at inayos ang mga nakalagay roon. Pinupunasan niya rin ang makitang may kaunting dumi dahil hindi talaga sila busy ngayon.

"May pick up order tayo, mga 4pm daw dito kukunin lahat ng order kaya kahit 'wag daw magmadali," ani ng isang kahera. Tumango naman siya at kinuha ang lista ng mga inorder. Marami nga iyon kaya sakto lang ang oras ng pag-order sa kanila. Alas-tres pa lang kai ng hapon at may isang oras pa bago dumating ang magpi-pick up.

Nang matapos ang pagluluto sa mga order ay tumulong na siya sa pagpa-pack ng mga pagkain at mga drinks. Mabilis lang din ang oras at dumating na rin ang magpi-pick up ng food. Pagkatapos no'n ay wala na namang panibagong customer. Ilang oras ang lumipas hanggang sa naubos na ang customer sa loob ng restaurant.

"Ang swerte naman ng last day mo, hindi hussle!" Napangiti siya nang makita si Ms. Sharron na papalapit sa kaniya.

"Opo ma'am, walang masiyadong ginagawa. May iuutos po ba kayo? Pwede ko pong gawin," tanong niya rito. Umiling ito sa kaniya at tinapik ang balikat niya.

"Wala naman," ani nito sa kaniya at binalingan ang tingin ang mga kasamahan niya. "Kumuha pala kayo ng isang buong cake sa chiller natin, it's on me. Meryenda muna ang lahat dahil wala na rin naman tayong customer," anunsiyo nito na ikinatuwa ng lahat.

"Free kayong kumain pero pag biglaan nagkaroon ng customer titigil agad ha?"

"Yes ma'am! Salamat po!" pasasalamat ng iba pa. Napapalakpak naman ang iba dahil sa tuwa. Kumuha ng isang tiramisu cake si Dianne sa chiller at ito na ang naghati sa bilang nilang lahat. Masaya silang kumain at nagkwentuhan sa may counter habang nakatayong kumakain. Hanggang sa matapos sila ay wala pa ring customer.

Nang matapos ang duty niya ay naiyak pa siya dahil sa mga paalam na natanggap niya sa mga ka-trabaho.

"Mami-miss ka namin!" sigaw ni Dianne sa kaniya kaya nagtawanan ang lahat.

"Bumalik ka kung nagbago ang isip mo, kailangan ko pa rin naman ng masipag na katulad mo," ani sa kaniya ni Ms. Sharron.

"Maraming salamat po sa inyo dahil mababait kayong lahat. Lalo na noong time na bago lang ako rito, ginawa niyo ang best niyo para i-guide ako. Bibisita pa rin ako rito pag may time ako! Bebentahan ko kayo ng mga paninda ko!" ani niya at tumawa pa. Nagpaalam siya sa lahat bago tuluyang umalis sa lugar na 'yon.

Sinundo siya ng driver niya kaya mabilis siyang nakauwi. Pagkarating niya sa bahay ay umalis na rin ang driver niya. Paakyat pa lang sana siya para magbihis at gawin ang routine niya nang may mag-doorbell sa bahay. Mabilis siyang umikot para dumeretso sa labas ng gate. Pagkabukas na pagkabukas niya pa lang ay bumungad na sa kaniya ang walang emosyon na mukha ni Alora.

Nangunot ang noo niya dahil hindi niya inaasahan ang pagpunta nito sa bahay at higit sa lahat puno ng katanungan ang utak niya kung paano nito nalaman ang tinitirhan niya.

Affair with her BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon