Nagising siya ng masakit ang katawan lalo na ang gitnang parte niya. Napatingin siya kay Xion na tulog na tulog habang nakayakap sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago dahan-dahan na inalis ang kamay nito sa bewang niya. Maaga siya nagising kaya tulog pa ito.
Nang makaalis sa kama at makatayo ay kinuha niya ang damit na binili sa kaniya at sinuot iyon. Dahil cellphone lang ang tanging dala niya ay iyon lang ang kinuha niya. Iniwanan niya na ang sirang jersey at palda, bahala na siya na mag-explain kay Maceh at sa mga kapatid.
Hindi niya na nilingon pa ang binatang tulog at dali-daling lumabas ng hotel room nito. Hindi siya nagsisisi dahil sa nangyari, ginusto niya iyon at kailanman hindi niya iyon pagsisisihan. Pero alam niya pa ring mali iyong naging decision niya kaya susundin niya na ang sinabi sa sarili na iyon na ang magiging una at huli.
Siguro makikiusap na lang siya kay francis na hindi niya na kailangan ng bodyguard dahil kaya naman niya ang sarili. Kung mapilit ito at ang asawa niya ay pwede naman iyong babaeng driver na pumalit kay Xion.
Nagtaxi siya at tinawagan ang kapatid na si aimee na pauwi na siya at ilabas ang wallet niya na nasa bag dahil wala nga siyang perang dala. Pagkarating niya ay binayaran na niya ang taxi.
"Saan ka galing ate? Bago damit mo ah," pansin nito sa ayos niya.
"Sa kaibigan ko. Biglaan kasing nandito siya at nasa hotel naka-stay. May problema kasi kaya sinamahan ko na lang," pagsisinungaling niya. Mukha naman itong naniwala dahil tumango lang.
Pumasok siya sa kwarto para kumuha ng tuwalya at bagong damit. Maliligo na siya habang hindi pa gising ang magulang niya. Pagkatapos niya maligo ay sakto paglabas niya ay nagsilabasan na ang mga kapatid para kumain ng umagahan.
"Anak, babalik ka na ba sa manila?" tanong ng kaniyang ama.
"Opo pa, marami pa akong gagawin eh. Sakto lang talaga na day-off ko ng magkasunod na araw," nagsandok siya ng kanin at ulam para kumain. Nagkwentuhan lang sila saglit at pagkatapos kumain ay kumilos na agad siya.
Nilapitan niya ang ama at ina niya para abutan ito ng pera.
"Ano 'to anak? Ang laki naman nito!" ani ng ina nang mahawakan ang 20 thousand pesos.
"Baka naman masiyado mo ng tinitipid ang sarili mo?" tanong ng ama niya. Ngumiti siya at umiling. Wala kasing nakakaalam na sobrang laki ng sahod niya kada buwan idagdag pa ang sweldo niya sa restaurant.
"Free kasi lahat ng kinakain ko pa, ma, kaya nakaipon ako ng malaki. Sainyo na 'yan panggastos pa sa mga iba. Sabihin niyo ulit pag paubos na ang mga gamot at vitamins niyong lahat para makapagpadala ako at bumili kayo ng marami." Napaka-importante ang kalusugan kaya pati ang mga kapatid niya ay pinabibilhan niya na ng vitamins at masusutansiyang pagkain.
"Maraming salamat anak," sambit ng magulang niya. Niyakap niya ang mga ito at hinalikan sa pisngi.
"Kailangan ko ng umalis ma, pa. Mag-iingat kayo rito at magsabi kayo kaagad sa akin kung may emergency ha?" bilin niya pa. Niyakap niya rin ang mga kapatid niya at inabutan niya ng pera para sa mga gusto nitong bilhin.
"Salamat dito ate!" ani ng mga ito.
"Aimee, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo. Bantayan mo 'yan ha?" Si Aimee kasi ang pinaka inaasahan niya para magbantay sa mga bata nilang kapatid.
"Oo ate, mag-ingat ka roon. Salamat ulit sa pangbili ng cellphone," tuwang-tuwa na sambit nito. Ngumiti lang siya rito at tumango. Binigyan niya kasi ito ng pambili ng cellphone dahil kita niya na sobrang luma na at basag pa ang screen. Importante rin iyon para rito dahil dalaga na at kailangan ng maayos na gadget para gamitin sa pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
RomanceCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...