Alora was pissed big time because of what she found out. Nakita niya ang mga pictures ni Lloyd na kasama sa club si Aj at magkasama pa ang dalawa papunta sa unit ng binata. Mas lalong kumulo ang dugo niya dahil sa dalaga.
Lloyd is mine and you dare to touch him and get near to him?!
The truth is she was getting scared, just the thought that Lloyd has feelings for that woman makes her mad. Gusto niyang magwala at saktan ang babaeng 'yon.
Nalaman niya ang tungkol sa kontrata ng dalawa dahil pinaimbestigahan niya si Aj at ang pamilya nito. Nalaman niyang laki ito sa hirap kaya sigurado siyang hindi nagpakasal ang dalawa dahil lang sa pagmamahalan. Hindi ito kilala ni Xion nang magpakasal ito sa babae kaya sigurado siyang nagkaroon ng kontrata lalo na na may lawyer si Xion na matinik at kilalang kilala sa larangan ng trabaho nito.
Money can buy and do anything. Hindi na rin siya magtataka na malaki ang binayad ni Xion sa babaeng 'yon. Xion is one of the richest young businessman around the the asia. 'Di niya mapagkakaila na napaka-talented nito. She would fall for him if she never met Lloyd.
Pagkarating niya ng pilipinas ay dumeretso agad siya sa babaeng 'yon para kumprontahin, ngayon naman ay papunta na siya sa unit ni Lloyd para ito naman ang kausapin.
Naitaas niya ang isang kilay nang makitang nagtatrabaho si Lloyd sa bahay nito. Lloys was never an work-a-holic. He just working if he's on working hours.
"You get drunk last time? What happened?" deretsong tanong niya sa binata.
"So you're the one who sends that man to check on me," he said as a matter of fact. Hindi man lang siya nito nilingon at patuloy pa rin na nakatutok sa computer nito. Lumapit siya rito nang maibaba ang gamit niya sa tabi.
"You didn't answer my calls! I did go there to paris for our plan. Sinunod kita pero anong ginagawa mo sa akin? You said you'll marry me if I succeed pero parang hindi naman 'yon mangyayari!"
"What makes you think that I'm not going to marry you?" ani nito at binaling ang tingin sa kaniya. Napahakbang siya ng kaunti dahil pakiramdam niya mainit ang ulo ni Lloyd sa kaniya.
"Y-you like Aj, didn't you?" Kinuyom niya ang kamao habang nanghihintay ng sagot nito. Isang ngisi ang pinakawala nito sa labi.
"Yes. I like her. But still, I'll marry you. Iyon ang napag-usapan natin kaya papakasalan kita pag nagawa mong paghiwalayin ang dalawa," he stated.
Umawang ang labi niya at natawa ng maiksi. He's planning to marry her but still his heart is on another woman. Pero dahil tanga siya sa pagmamahal ay kahit gano'n man lang ay payag na siya. Pag nagpakasal na sila ni Lloyd wala na itong kawala sa kaniya at doon niya sisiguraduhin na mahuhulog na ito sa kaniya.
"They legally married but with a contract. Binayaran lang ng magaling mong kapatid ang babaeng 'yon para magpakasal sila," ani niya rito at tumungo sa mini fridge ni Lloyd para kumuha ng alak.
"I know."
"Kailan pa?" kunot noong tanong niya. Wala naman kasi itong sinasabi sa kaniya. Kakausapin lang siya nito kung kailangan siya nito sa kama o kaya may ipapagawa ito sa kaniya tungkol sa plano nila.
"Last week," he plainly answered. Nilagok niya ang alak na nasa bote at nilapitan ulit ang binata. Dahil nakaupo ito ay dumeretso siya sa kandungan nito paharap. Hahalikan niya sana ito nang iniwas nito ang mukha sa kaniya.
"I'm not in the mood." Mas lalong uminit ang ulo niya dahil sa ginawa nito.
Is this because of that bitch? 'wag mong sabihin na talagang gusto mo na 'yong babae na 'yon?!
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
RomantizmCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...