17

7.1K 166 2
                                    


Nang makarating sila sa bahay ay tahimik lang siya at naghahantay sa mga sasabihin ng binata. Nakaupo lang siya sa may sofa sa sala habang ito naman ay kumuha ng alak sa ref.

"I'm sorry because that's happened. I... I run away from our home. We had a family problem, so I left there and reasoned that I was married even though I was not. "Biglang lumambot ang puso niya rito at parang kinurot iyon dahil nalaman niyang may problema ito sa pamilya.

"So... if you met him again and he asked you about me or about us, please tell him that I'm your husband." Uminom ito ng alak at napabuga ng hangin. Tumayo siya at kinuha ang alak na hawak tiyaka umupo sa kandungan nito at niyakap.

"Okay, walang problema," bulong niya rito. Naramdaman niya ang pagyakap nito pabalik sa kaniya. They stay like that for a minutes before Xion lifted her and goes to her bedroom. Sa totoo lang ay parang sila ang mag-asawa dahil sa iisang kwarto na sila natutulog at ginagawa rin nila ang mga ginagawa ng mag-asawa.

She's sorry for his husband. She wanted to stay loyal in their contract relationship, but she couldn't stop what she felt for Xion.

"Let's bath together, baby," sambit sa kaniya ni Xion habang yakap-yakap pa rin siya sa bewang. Tumayo na kasi siya at gusto niyang mag-shower dahil nalalagkitan siya.

"Pwedeng sabay pero maliligo lang dapat," ani niya habang nangingiti.

"I promise!" tinaas nito ang kanang kamay na parang nanunumpa. She giggled and nodded her head. They bathed together and Xion didn't do silly things. Pigil na pigil nga ang tawa niya dahil habang sinasabunan siya nito ay parang handa na sumabak ang kaibigan nito sa baba.

Sabay silang nag-toothbrush, skincare at ito pa ang nagpatuyo ng buhok niya. Masiyado na siyang sanay sa ginagawa ni Xion. He spoiled her a lot, not in material things but how he take care of her in a simple ways.

Magkayakap silang humiga sa kama. Nakatulog siya agad dahil minamasahe nito ang kaniyang ulo. Pagkagising niya ay wala na ito sa tabi niya. Lumabas siya ng kwarto at naabutan niya ito sa garahe na nag e-exercise. Nagbubuhat ito ng mga dumbbells. Nakailang minuto pa siya na nakatitig dito bago siya nito mapansin. Naka-airpods kasi ito at naka-focus pa sa pag-e-exercise.

"Good morning," bati niya rito. Lumapit naman ito sa kaniya habang tinataggal ang airpods na suot. Hinalikan siya nito sa labi kaya napangiti siya.

"Good morning, baby. What do you want for breakfast? I'll cook," ani nito.

"Huwag na, ako na ang bahala magluto. Ipagpatuloy mo muna 'yang pag-e-exercise mo," sambit niya.

"You sure?" Sunod-sunod na tango ang binigay niya. Dumeretso siya sa kusina para magluto ng itlog at ham. Gumawa na rin siya ng fried rice dahil bagay iyon sa ulam. Gusto niya sana ng tuyo kaso hindi pa siya nakakabili ulit. Pagkatapos niyang magluto ay sabay silang kumain ng umagahan ni Xion. 10 am ang pasok niya ngayon dahil wala 'yong isang server na pumapasok ng maaga. Nagkaroon kasi ng emergency kahapon at siya na ang nag-presinta na i-adjust na lang ang schedule niya dahil wala naman iyong problema at malapit lang ang bahay sa restaurant.

Inihatid siya ni Xion sa restaurant at umalis na rin ito kaagad. Nag-in siya at binati ang mga katrabaho. Wala pa si Dianne dahil maya-maya pa ang start ng duty nito. Sa umaga ay hindi gaano karami ang customer nila pero mayroon pa rin. Masarap naman kasi talaga ang menu nila para sa breakfast.

Dumating nag lunch time at mas dumami na ang tao, kaya sobrang busy niya ng oras na 'yon. Mabuti na lang din ay dumating na si Dianne para may katulong pa sila. Pati si Ms. Sharron ay tumutulong na rin dahil biglaang may pumasok na customer na sa tingin niya ay buong pamilya dahil sa dami.

Naging maingay ang buong restraurant at lahat sila ay hindi magkanda-ugaga dahil sa maraming ginagawa. Nakahinga lang sila ng maluwag nang dumating ang alas-dos. Nag-break na siya para makakain ng late lunch niya. Matapos ang saglit niyang breaktime ay lumabas na ulit siya at saktong nakita niya si Lloyd na papasok ng restaurant.

Nagtama ang paningin nila at ngumiti ito ng tipid sa kaniya. Siya na ang lumapit dahil pakiramdam niya siya ang pakay nito.

"Maaga ka ata," bati niya rito habang nakangiti. Umakto lang siya na parang normal. Gulat pa rin siya talaga sa mga nalaman at marami pa siyang katanungan pero ayaw niya na kasing usisain si Xion. Nang malaman niya na may problema ang pamilya nito ay hindi niya na tinanong pa dahil baka ayaw nito pagusapan.

"I want to talk with you. Atleast for five minutes? I'll order a lot so you can still do your work while talking to me." Hindi na siya tumanggi pa at tumango na lang. Mga tatlong customer na lang naman ang mayroon sila dahil hapon na. Gaya ng sinabi nito ay umorder nga ito ng marami at inorderan pa sila ng mga katrabaho niya pati si Ms. Sharron.

Pinayagan naman siya ni Ms. Sharron na makipagusap dito saglit dahil wala rin namang madaming customer.

"So, are you his longtime girlfriend? That's why you marry him?" tanong nito at alam niyang tinutukoy nito si Xion. Seryoso ang mukha at boses nito kaya sumagot na siya kaagad.

"Oo," deretsong sagot niya. Hindi siya pwedeng mautal at kabahan dahil baka mabisto siya nito.

"Hmm. That's why you have a ring on your fourth finger. I noticed it when I met you here; I thought that it was a simple accessory." Bumaba ang tingin nito sa kamay niyang nakapatong sa lamesa.

"But... Why are you working here as a server? You have a wealthy husband who became more richer because of another company placed in his hand. Is he not giving you a money?" Napahawak ito sa baba at napasandal sa kinauupuan.

Siya naman ay natigilan at hindi alam ang sasabihin. Gulat siya ngayon pero hindi niya iyon pwede ipakita.

Mayaman si Xion?

Suspetsa naman niya iyon dati noong unang kita niya pa lang dito dahil ang galaw at pananalita nito ay hindi mo masasabing galing sa hirap.

Tumikhim siya bago sumagot. "Ayaw niya akong pagtrabahuin pero nagpumilit ako. Wala rin naman kasi akong magagawa sa bahay kun'di maglinis at tumunganga na lang. Masaya naman ako sa trabaho ko," sambit niya at ngumiti ng tipid. Half truth, half lie. Totoo namang pinapatigil siya magtrabaho nito at kinukumbinsi na mag live selling business na lang ulit para nasa bahay lang ito.

Napatitig siya sa mga mata ni Lloyd at hindi niya na gusto ang inaasta nito. Oo, pumayag siya na kausapin siya nito pero hindi niya alam na pati ang personal niyang mga desisyon ay pakikialaman nito. Pakiramdam niya gusto nitong malaman ang lahat lahat sa kanilang dalawa ni Xion.

"Pasensiya na pero kailangan ko na bumalik sa trabaho," seryosong saad niya at tumayo. Napabuga ito ng hangin at tumango na parang naiintindihan siya nito.

"Okay, I understand. See you around," he plainly said and nodded at her. Hindi niya na ito napansin dahil medyo nainis siya sa paraan ng pakikipagusap nito sa kaniya. Tinuon niya na lang ang sarili sa trabaho para maalis saglit sa isip niya ang nalaman niya kay Xion.

Bigla kasi siyang na-curious sa buhay ng binata nang malaman niyang mayaman ito. Kung may kompanya ito bakit pa kailangan magtrabaho bilang bodyguard at driver sa asawa niya.

Napapikit siya saglit at winaksi ang mga nasa isipan. Mas lalo lang nadagdagan ang mga katanungan niya sa binata. Pinikit niya saglit ang mata at huminga ng malalim tiyaka umiling-iling.

"Magpapaliwanag din siya sa'yo, Aj. Hindi mo na kailangan magtanong," bulong niya sa sarili. Buong araw ay lutang siya at paminsan-minsan ay lumilipag ang isipan niya kahit paulit-ulit niyang sabihin sa sarili na hihintayin niya na lang magsabi ng kusa si Xion at magkwento tungkol sa buhay nito.

Affair with her BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon