Nakatambay lang siya sa bahay dahil hindi pumayag si Xion na pumasok siya sa trabaho. Wala tuloy siyang nagawa kun'di umabsent ng isang linggo. Pinaliwanag niya ang nangyari sa kaniya ng gabing iyon at dahil nagkaroon ng sprain ang kamay niya hindi rin naman siya makakapag-serve ng maayos kaya pumayag si Ms. Sharron.Nakatanaw lang siya sa binata na nag-wo-workout ngayon sa may garden. Lagi ng busog ang mata niya dahil sa katawan nitong nakalantad. Mahilig ito mag-exercise dahil walang araw ata na hindi niya ito nakikita na hindi nag-e-exercise. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa jumping rope na ginamit.
Alam niyang sobrang lakas no'n dahil napatumba nito ang lalaki noong isang araw. Sigurado siya na kaya siya nitong buhatin at ibagsak sa kama.
T-teka sa kama?! Aj, pigilan mo ang utak mo!
Malakas niyang tinapik ang pisngi para magising sa katotohanan. Hindi niya alam kung bakit tuluyan na siyang naa-attract sa binata. Parang ang landi niya na dahil may iba siyang lalaki na iniisip habang may asawa siya. Kahit hindi niya naman kasi kilala at mahal ang asawa niya sa papel ay hindi pa rin maikakaila na kasal siya.
Kaya kailangan niya pigilan ang magkagusto sa ibang lalaki. Dalawang taon na nga lang siya nakakontrata sa asawa niya ay magloloko pa siya. Hindi niya pwedeng lokohin ito dahil malaki ang itinulong nito sa kaniya. Unti-unti ng umaayos ang kalagayan ng ama niya at natutustusan niya na rin ang mga pangangailangan ng pamilya niya.
Isa pa't ayaw niya na mainlove dahil ayaw niya na ulit masaktan. Naranasan niya ng masaktan dahil sa ex niyang sex lang naman pala ang habol sa kaniya. At dahil ayaw niya ibigay iyon hangga't hindi sila nagpapakasal ay nagloko naman ito sa kaniya at nag hanap ng ibang babae para sa gano'ng bagay.
Napabuntong hininga siya kasabay no'n ang pagtama ng paningin nila ng binata. Nataranta naman siya at iniwas agad ang tingin dito. Umupo siya ng maayos sa sofa at tinuon na lang ang tingin sa tv na kanina pa nakabukas habang iba naman ang pinapanood niya.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto pero hindi na siya lumingon pa. Iisa lang naman ang labas pasok sa bahay na ito, si Xion.
"Hows your sprain? Masakit pa rin ba?" tanong nito sa kaniya.
"Hindi naman na masiyado," simpleng sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa tv. Gusto niya sanang lingunin ito para makakita ng mas maganda at malapit na view sa pandesal nito pero hindi na lang. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at himasin iyon.
Hay nako self, lumalabas na naman ang kaharutan mo!
"I'm going to the supermarket, do you want to come with me?" Napallingon siya rito at napanguso nang naka-tshirt na ito.
"Oo, sasama ako," sagot niya. Boring naman dito sa bahay lalo na't ayaw siya pakilusin ng binata sa bahay dahil sa lagay niya. Eh hindi naman siya lumpo, may sprain lang ang isang kamay niya at masakit lang ang balakang niya.
"I'll just take a bath first, wait here." Tango lang ang tugon niya dahil mabilis din naman siya nito tinalikuran. Tumayo siya at dumeretso na rin sa kwarto niya para magbihis ng maayos. Naka-pajama pa kasi siya pero tapos na siyang maligo kanina. Nagpalit siya ng short na may kaiksian kaya pinartneran niya iyon ng malaking t-shirt. Sinuot niya ang nabiling sandals na itim at napatingin sa malaking salamin. Maayos na siyang tingnan kahit simple lang ang suot niya. Noong unang sweldo niya kasi sa restaurant ay bumili siya ng mga damit at sapatos, 'yong kailangan niya lang at matagal na magagamit.
May pera naman na siya ang kaso lang ayaw niya pa rin gumastos ng malaki dahil mas makakabuti kung iipunin niya ang sinasahod niya bilang contract wife.
BINABASA MO ANG
Affair with her Bodyguard
RomanceCOMPLETED || RATED 18 Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't...