37

7.7K 143 6
                                    


Nag-umpisa na ang business niya at tuwang-tuwa siya dahil marami agad ang bumili sa kaniya. Ang mga suki niya noon at ang mga katrabaho niya sa restaurant dati ay sinuportahan siya. Nag-post din siya sa social media para kumalat pa ang page niya. As a reseller ng mga magagandang cosmetics marami ang bumibili sa kaniya dahil hindi fake ang mga tinda niya.

Ilang araw pa lang pero busy na talaga siya. Gusto pa nga siya kunan ng assistant ni Xion pero hindi siya pumayag dahil nag-uumpisa pa lang siya. Hindi siya pumayag na ito ang magpapasahod para lang magkaroon ng assistant sa Negosyo niya. Kaya niya pa naman dahil madali-dali lang ang pagbabalot ng mga orders. May printer na rin sa bahay at hindi siya mahihirapan mag-print ng mga information ng mga customer niya.

Gumagamit din kasi siya ng shopping app para hindi na siya mahirapan kung sakaling may mag-order din sa kaniya sa app na 'yon, ang mga nagde-deliver kasi ang pumi-pick up para mai-deliver ang order. Ngayon ay may kumontak sa kaniya sa facebook page at bumili ng maraming cosmetics at mga skincare, pang-freebie raw kasi iyon sa party kaya nagmamadali ang customer na 'yon na kunin.

Siya mismo ang magde-deliver sa address na sinabi nito. Pumayag naman siya dahil mukhang importante talaga ang event at marami ng inaasikaso ang customer. May mga customer kasi na pag bago pa ang pinagbibilhan ay walang tiwala ipa-deliver sa delivery app.

Nag-taxi siya papunta sa address na 'yon. Nakatanaw lang siya sa may labas ng sasakyan para makabisado ang daan. Pumasok ang taxi sa isang village, huminto lang ang sinasakyan ng nasa bandang dulo na sila ng street. Binayaran niya ang taxi driver bago bumaba bitbit ang mga products.

Nakita niya ang numero na naka-ukit sa gate ng malaking bahay kaya hindi na siya nagdalawang isip na magdoorbel.

"Aimar Joyce Balansag?" tanong ng lalaking guard ata ng mismong bahay. Ngumiti naman siya at tumango tiyaka ipinakita ang mga products na dala.

Kinuha nito ang dala, akala niya ay maghihintay lang siya roon sa labas pero sinenyasan siya nito pumasok. Pumasok naman siya dahil hindi pa naman bayad ang order ng mga ito.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay nililibot niya lang ang paningin niya. Maganda ang bahay at napaka-elegante dahil may makinang na chandelier pa.

"Pababa na si ma'am para sa bayad, ito ang juice, maupo ka muna riyan." Nagpasalamat siya sa isang kasambahay na babae. Umupo siya sa isang sofa at tinanggap niya naman ang inabot nitong juice, nagpasalamat siya muli dahil ito pa ang nagsalin ng inumin niya.

Napatingin siya sa hawak na baso, mukhang fresh juice iyon kaya natakam siya. Mainit din sa labas at saktong nauuhaw na siya kaya hindi na siya nahiyang inumin pa iyon. Halos maubos niya ang isang baso dahil sa nakaka-preskong inumin.

"You're now here." Agad siyang napalingon dahil sa pamilyar na boses. Tatayo sana siya nang bigla siyang makaramdam ng hilo, para siyang biglang inantok. Kinurap-kurap niya ang mata para piliting gisingin ang sarili.

Anong nangyayari sa akin?

"Kahit anong kurap mo riyan ay hindi mo malalabanan ang gamot. Makakatulog ka pa rin," ani nito at natawa sa kaniya. Mas bumigat ang talukap ng mata niya at parang kinakain na siya ng kadiliman. Napasandal siya sa kinauupuan at sinulyapan ang ininom niyang juice.

"Alora... a-anong gagawin mo... sa akin..."

***

Pinark ni Xion sa garahe ang sasakyan. Napatingin naman siya sa pinto dahil hindi pa lumalabas si Aj, lagi kasi siya nitong sinasalubong sa garahe pag narinig na nito ang makina ng sasakyan. Marahil ay nasa kwarto o nasa banyo kaya hindi siya narinig.

Affair with her BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon