29

5.7K 123 1
                                    


Exact 3 days na siyang nasa baguio at hindi niya alam kung tinatawagan pa ba siya ni Xion. Nakapatay na kasi ang cellphone niya at hindi na niya pa ulit iyon binubuksan. 

Sa isip niya ay mas nakabubuti ito para naman makapag-isip isip siya pero sa puso niya naman ay hindi. Kumukontra ito dahil may parte sa kaniya na gustong-gusto niya na ulit makita si Xion.

"Hay buhay," bulalas niya. Hinugasan niya ang strawberry na nabili niya sa farm na malapit. Maaga kasi siyang lumabas para na rin makapagpaaraw kahit papaano. May araw nga pero malamig naman ang ihip ng hangin.

"You good here?" Muntikan na siyang mapatalon dahil sa nagsalita. Paglingon niya ay si Lloyd iyon at may mga dalang apat na ecobag galing sa isang sikat na supermarket.

"Nandito ka pala... Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka," ani niya. Nilagay niya sa bowl ang mga linis na strawberry.

"How can I tell you when you turn off your phone," he chuckled. Umawang ang labi niya at naisara rin agad. Nakalimutan niya saglit na nakapatay nga pala ang cellphone niya at hindi ito makakatawag sa kaniya.

Tiningnan niya ang mga pinamili nitong pagkain at napakarami no'n. Parang pang dalawang linggo ata ito sa kaniya.

"Magkano 'to lahat? Babayaran ko," sambit niya dahil hiyang hiya na talaga siya rito. Pinatira na nga siya tapos ito pa mismo ang bumibili ng mga makakain niya.

"No need... Let's have lunch together so if you want to change your clothes, change now. We're going to eat outside." Hindi na siya nagtanong pa at sinunod na lang ito. Isa pa't gusto niya rin ito kausapin. Gusto niyang makilala ang isang totoong Lloyd.

Na-curious kasi siya sa mga sinasabi ng caretaker. Kahapon kasi ay nakipag-kwentuha muli ang caretaker sa kaniya at nalaman niyang ito ang kauna-unahang bahay na nabili ni Lloyd gamit ang sariling pera. Nagulat pa nga siya dahil alam na alam ng matanda.


"Mukhang rebelde at hindi matino ang unang tingin ko sa batang 'yan pero napakataba ng puso. Malungkot ang buhay niya dahil mag-isa lang siya. Noong una hindi pa nga ako naniwala na bibilhin niya ang kalapit bahay niya para may matirhan kami ng pamilya ko at ang tanging bayad lang ay tingnan ang bahay niya pag wala siya. Madalas ito umuwi rito pero sa tuwing umuuwi nakikita ko na lang na parang malalim ang iniisip at nag iinom diyaan sa labas mag isa habang nakatanaw sa malayo. Kaya nga laking tuwa ko nang malaman na mag-uuwi siya ng babae. Akala ko'y tapos na ang panahon na mag-isa lang siya sa buhay. Akala ko kasi neng ikaw ang nobya niya."


Hindi niya makalimutan ang kwentong iyon ng matanda.


Pumanhik siya sa kwarto para magpalit ng maayos na pants at blouse. Pagkatapos ay sinuklay niya lang ang buhok niya at lumabas na rin agad.


"Let's go," wika nito nang makita siyang nakaayos na. Tumango siya at sinundan ito palabas. Iba ang gamit na sasakyan nito ngayon.


Noong nakaraan na pagpunta nila rito sa baguio ay sa ibang sasakyan sila sumakay, mukhang kaibigan ni Lloyd ang may-ari at 'yon din ang nagmaneho. Hindi niya alam kung bakit gano'n ang nangyari pero hindi na lang siya nagtanong.


Sumakay sila sa sasakyan at pinaandar din 'yon agad. Nakatanaw lang siya sa labas ng kotse habang nasa byahe sila. Hindi pa niya kasi nalilibot ang baguio. Wala siya sa mood gumala sa kung saan-saan at hindi niya rin kabisado ang lugar dito.

Affair with her BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon