Chapter 5

561 52 5
                                    

Tahimik ang paligid na kinaroroonan niya habang abala sa kanyang pagguhit sa papel sa gitna ng paborito niyang lugar. Ang talon. This place is so peaceful. Lalo siya ginaganahan magguhit sa kanyang sketchbook. Natigilan siya sa pagguhit ng makarinig siya ng kaluskos. She know,she's safe here. She know,there's someone here na binabantayan siya at kung bakit niya iyun naisip hindi niya alam kahit hindi naman niya iyun nakikita. Muli may kaluskos sa kung saan hanggan sa mapasinghap siya ng bigla na lamang may lumabas na kung ano sa harapan niya.

Nahulog ang sketchbook niya na nasa kandungan niya. Nanlalaki ang mga mata na nakatitig siya sa kakaibang nilalang na nasa harapan niya.

It's too big!

It's a big dog!

Dog?

Pero hindi naman ito mukhang aso!

Kalahi ng aso?!

Napatili siya ng umangil ito at ang katawan lupa niya ay marahas na napabalikwas mula sa panaginip na iyun.

Humihingal na napasandal sa headboard si Princess Juliet.

"Panaginip lang pala,"usal niya sabay buntong-hininga. Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya bumaba siya ng kama.

Napasulyap siya sa digital clock na nasa side table niya at makitang pasado ala y una pa lamang ng madaling araw.

Nakayapak na tinungo niya ang pintuan ng silid niya para magtungo ng kusina sa baba pero natigilan siya sa pagbukas ng mapuna ang sliding door sa balkonahe ng silid niya.

Agad na nagsalubong ang mga kilay.

Nakasanayan na niya lagi iyun nakabukas dahil hindi siya nag-e-aircon at gusto niya ang hangin mula sa labas kaya nagtataka siya sa pangalawang pagkakataon ay nakasara ang sliding door. Tanda niya na bago siya matulog binubuksan niya iyun.

Tinungo niya ang sliding door at binuksan iyun.

"Kapag sinara ka ulit pagkagising ko mamaya,sabunot abot sakin nagsasara,"kausap niya sa sliding door saka tinungo na muli ang pintuan para bumaba.

Sisitahin talaga niya ang kung sino man ang nagsasara niyun!

Kinaumagahan,pagkamulat niya ay nakasara na muli ang sliding door kaya kahit hindi pa siya naghihilamos bumaba na siya upang magtanong sa mga kasama niya sa bahay kung sino pumapasok sa kwarto niya!

"Magandang umaga,Senyorita!"magiliw na pagbati ng matandang katiwala.

Nakasimangot na humalukipkip siya ng makarating siya sa kusina at abala na ang mga naroon para maghanda sa almusal nila. Nagtitinginan ang mga ito ng mapansin ang hitsura niya.

"Alam ko maganda ang umaga niyo lahat pero..gusto ko lang malaman kung sino sa inyo pumapasok sa kwarto ko?"

Muli nagkatinginan ang lahat sa tanong niya. Napahugot siya ng hininga.

"Guys,gusto ko lang malaman at wala naman sakin kung may pumapasok sa inyo sa kwarto ko pero..gusto ko malaman kung sino sa inyo ang nagsasara ng sliding door sa may balkonahe ko?"

"Eh,Senyorita, wala naman po pumapasok sa kwarto niyo at ako lang pumapasok roon,"agaran na pagsagot ng matandang katiwala.

"Dalawang beses na po may nagsasara ng sliding door sa kwarto ko at hinahayaan ko po yun nakabukas bago matulog since I'm not using the aircon,"paliwanag niya.

"May pumapasok ba isa sa inyo sa kwarto ni Senyorita?"pagbaling ng matandang katiwala sa mga naroroon.

Agaran naman nagsiilingan ang mga ito at tumanggi.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon