Chapter 32

423 46 3
                                    

Inilapag niya ang paper bag sa katabing pintuan. He take them all. Natutuwa siya na kinukuha nito iyun. Ngunit hindi iyun sapat pa para sa kanya dahil inaamin niya na nanabik siya na makita at makausap ito ng harapan. Pinipigilan niya ang tuksong iyun na gawin iyun dahil nakapagbitaw na siya ng salita rito. She's gone crazy what she say. Sa katotohanan na hindi naman niya magagawa iyun. Nasabi lang naman niya iyun dahil sa pride at pagkapahiya pero alam ng puso niya na hindi niya kaya.

Hindi madali magmove on kung kailan sa una pagkakataon ay nagmahal siya. Ang kauna-unahan lalaki na inibig niya.

Tsk.

First love never dies,ika nga sa isang kanta.

Naiwan niya ang puso niya sa mahiwaga at misteryosong kagubatan iyun.

Naging abala siya nitong mga nakaraan linggo. Isa siya sa naging husgado sa isang kompetisyon at labis ang katuwaan niya mula ng mapili siya nagsunod-sunod na ang offer sa kanya.

Maaga siya lagi sa studio kung saan ginaganap ang daily judgement habang naghihintay inaabala niya ang sarili sa pag-iisip ng bagong disenyo sa susunod na project nila.

Dumating na ang huling araw ng pagiging judge niya. Ngayon gabi ang iaanunsiyo ang panalo na nakabase din sa ibibigay nila porsyento.

Maraming tao ang dumalo kasama ang pamilya at kaibigan ng bawat sumali. Enjoy na enjoy niya ang bawat minuto sa gabing iyun. Excited siya na ianunsyo ang tinanghal nilang panalo. Masarap sa pakiramdam na isa siya sa nagbibigay ng motibasyon at inspirasyon sa kagaya din niya sa publiko kaya sobrang pasasalamatan talaga siya.

The champion is already announced. Deserved ng tinanghal na nanalo ang puntos na binigay nila mga judger habang abala ang lahat sa kasiyahan sa off cam ng camera sa malaking entablado ay bumaba na siya upang magpahinga sa guest room para magpahinga bago dumeretso sa after event party.

Nakita niya ang pagtawag ng kanyang mommy na suportado sa kanya. Hindi naman niya na hinihiling pa na makakatanggap pa siya ng suporta mula sa ama kahit masasabi niyang may maipagmamalaki at may pinapatunayan na siya.

Sinagot niya ang tawag habang palabas ng silid na iyun dahil dinig na dinig pa din ang ingay mula sa labas.

Nakarating siya sa dulong bahagi ng studio iyun at isang masayang congratulation ang binungad ng kanyang ina na bet din nito ang nanalo dahil sumubaybay din ito gabi-gabi. Naging adviser din niya ang ina na nagagamit niya sa kung paano siya mag-advice sa mga sumali.

"Thank,Mom..sayang hindi ka nakapunta ngayon"saad niya.

Sumama ito sa business trip ng kanyang daddy na sa ibang bansa pa.

"Hay naku..naiinis pa nga ko. Natapat pa kasi na business trip ng Dad mo,"nanghihinayang nito sabi.

Gustong-gusto kasi nito makita ang bet nito sa mga sumali na siya din nanalo sa gabing iyun.

Napangiti siya. Marami naman pagkakataon na makita ito ng kanyang Mommy pero dahil may pinagkakaabalahan din ito bukod sa pag-aasikaso sa kanyang ama kaya hindi nagkaroon ng oras para makapunta.

"Si...dad? Kamusta naman?"marahan niyang tanong.

"He's okay,Hija..natanong nga niya kung nakakapagpahinga ka ba lalo na sobra busy ka bukod dyan sa pagiging judge mo,"masuyong tugon ng kanyang mommy.

Agad na pinigilan niya na maging emosyunal. Sa tuwing sinasabi nito ang lowkey pag-aalala ng kanyang daddy nagpapataba iyun ng puso niya. Hindi naman sa pareho sila ma-pride na kanyang Daddy pinapangunahan lang siya ng hiya.

Yes,sumama ang loob niya sa ama pero nawala na yun mula ng makilala niya si zayne at sa mga payo ng kanyang Lolo.

"Ahm,pakisabi po..nakakapagpahinga naman po ako,s-salamat po,"tugon niya sa pigil na maging emosyunal.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon