Chapter 15

467 54 5
                                    

Agad na dumapa sa carpeted floor ang kanyang anyong lobo pagkapasok nito sa silid ng dalaga.

"Kamusta?"agad nitong pangangamusta.

Hinayon ng mga malalaking mata niya ang dalawang maleta na nakabukas at may ilan ng damit na nasa loob niyun. Nakaluhod ang dalaga sa gilid niya at abala sa paghagod sa kanyang balahibo.

"Ano kaya shampoo mo? Ang ganda at mabango ang balahibo mo,"turan nito na puno ng mangha ang himig nito.

Ibinaling niya rito ang tingin. Abala ito sa paghagod sa kanyang balahibo.

"Alam mo mamimiss kita. Hindi ka naman pwede sa siyudad kasi kapag may nakakita sayo roon paniguradong pagkakaguluhan at kakalat sa buong mundo na may totoo talagang lobo,"usal nito.

Nagtama ang kanila mga mata. Masasalamin ang lungkot sa mga mata nito.

"Naisip ko nga lagi ako uuwi dito buwan-buwan para makita kita...kayo ng amo mo,"anito sabay iwas ng mga mata.

Humugot ito ng malalim na hininga. Ramdam niya na ayaw nitong pag-usapan ang nalalapit nitong pagbalik sa Manila.

"Ano gusto mo gawin natin bukod sa mahiga lang tayo dito?"tanong nito.

Nagtaas ito ng tingin sa kisame na tila nag-iisip kung ano pwede sagot sa sarili nitong tanong.

"Alam ko na!"anito sabay tayo at nagtungo sa dressing room nito at ilang segundo lang ay lumabas na ito at may bitbit na maliit na box.

Agad na sumalampak ito sa gilid niya at inabot ang isa sa paa niya.

"Mahaba ang daliri mo baka hindi kaysa ang isang bote ng cutix,"anito sabay tawa.

Hindi naman siguro niya balak lagyan ng cutix ang mga kuko natin?!

Gustuhin man nila tumutol sa nais ng dalaga ay wala na sila nagawa ng magsalita ito bago gawin ang balak nito.

"Ngayon lang,mabubura din naman saka hindi naman ito makikita ng amo,ito gagamitin ko!"anito sabay taas ng isang maliit na bote na may kulay maputlang brown.

"Saka natatabunan naman ng balahibo ang mga kuko mo kaya carry na yan,"nakangisi nito sabay bukas na nito sa hawak nitong cutix.

Lakas din pala ng trip niya...

Tahimik na nakamasid lang sila ng lobo niya habang tutok na tutok ang dalaga sa paglagay ng cutix sa mga kuko niya.

Kitang-kita sa mukha nito na nag-eenjoy ito sa paglagay ng cutix sa mga daliri niya.

"Bakit hindi ka na bumalik kanina ?"bigla nito tanong na akala mo masasagot ito ng lobo niya.

"Ang ganda sa taas ng tree house. Feeling ko nasa ibabaw ako ng mundo, "manghang-mangha nitong sabi.

"Saka hindi lang yun..yung pag-akyat namin ng amo mo sa taas ng tree house nagtataka pa rin ako kung paano kami nakaakyat roon ng ganun kabilis,"patuloy nito at sa pagkakataon iyun ay may mahihimigan na pagtataka at kuryusidad.

Tumigil ito sa ginagawa at nakatutok sa unahan ang mga mata nito na tila naroroon ang sagot sa tanong na gumugulo sa isip nito.

"Feeling ko nagmadali ang amo mo sa pag-akyat na di ko namalayan dahil kumakanta ako nun,siguro napapangitan siya sa boses ko kasi nakatapat pa naman sa tainga niya mukha ko,"anito sabay pilig sa leeg nito na tila magkamali lamang ang nasa harapan nito paniguradong masisira ang mood nito.

Bumuga ito ng hangin saka bumaling ang tingin nito sa kanya.

Inabot nito ang mukha ng lobo niya. "Misteryoso pa rin sakin ang amo mo. Pakiramdam ko nga may isang lihim na hindi ko dapat malaman mula sa kanya,"saad nito sa seryosong anyo.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon