Chapter 38

498 61 8
                                    

Mataas ang lagnat niya...

Dinala ni Zayne ang dalaga sa tree house at maingat na ibinaba sa kawayan na upuan sapat ang haba niyun upang maituwid nito ang katawan. Basang-basa pa ang kasuotan nito.

Buntong-hininga na iniwan niya ang dalaga upang maghanap na pwedeng ipamunas at kumot para rito.

Nang makabalik siya ay nakaupo na ang dalaga. Namumungay ang mga mata nito na nag-angat ng namumutlang mukha.

Yakap-yakap nito ang sarili. Nang makalapit siya ay agad na sinunggaban siya nito ng mahigpit na yakap.

"Z-Zayne.."nangangatal nitong usal.

Sa maingat na galaw ay iniyakap niya ang isang braso sa likod nito. Mainit na mainit ang katawan nito.

"Kailangan mong magpalit ng kasuotan,"usal niya.

Mas lalo humigpit ang yakap nito sa kanya. "N-no.."

Hindi kaya nagdidileryo na siya..dapat mapainom na siya ng gamot..

"Huwag na matigas ang ulo mo,Princess Juliet,"mariin niyang tugon.

"A-ayoko..b-baka bigla ka na lang mawala ulit, "namamaos nitong usal.

"Sige na,Princess Juliet..ayokong makita kang ganito,"usal niya.

Nag-angat ito ng mukha sa kanya. Namamaga ang mga mata nito sa kabila ng pamumungay niyun ay hindi maitatago na nanggaling ito sa mahabang pag-iyak.

"D-dito na lang ako..a-ayoko na bumalik sa amin,"usal nito habang nangingilid ang mga luha nito.

Ikinulong niya ang maputla nitong mukha sa pagitan ng mga palad niya.

"Princess Juliet..."anas niya.

"G-gusto ako ipakasal sa lalaking hindi ko mahal..i-ikaw ang mahal ko. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang lalaki na mamahalin ko!"himihikbi nitong turan.

May kung anong pumipiga sa puso niya habang pinagmamasdan ang sakit at pait sa mukha ng dalaga.

"Please..please,dito na lang ako. A-ayos lang sakin---ayos lang sakin kung hindi tayo lagi magkasama!"

Mariin niya naipikit ang mga mata. Masakit para sa kanya na makita ang nasasaktan ng ganito ang dalaga. Oo,malupit ang mundo. Kung isa kang mahina talo ka. Sa kalagayan ng dalaga ngayon ay ang kahinaan nito.

Siya. Siya ang kahinaan nito.

Ipinagdikit niya ang kanila mga noo.

"Patawad,Princess Juliet. Patawarin mo ako kung bakit ka nasasaktan ngayon.."anas niya.

"Mahal kita,Zayne..please,hayaan mo akong maramdaman ko na mahal mo din ako. H-hindi ako hihingi ng kapalit. Maramdaman ko lang na mahal mo din ako,"puno ng pagmamakaawa nitong usal na mas lalo nagpapabigat sa dibdib niya.

Sa pag-angat ng mukha ng dalaga ay kasabay ng paglapat ng mga labi nito sa kanya.

Mariin at puno ng pagmamahal na halik. Halik na sana ay matugunan din ng pagmamahal.

Sa pagkakataon ito ay aminado siya na hindi niya na makokontrol ang isa't-isa.

Nanigas sa bisig niya ang dalaga ng tugunin niya ang halik nito. Nag-aalab na halik na may nag-aalab din na katugon sa damdamin nito para sa kanya.

Sa paggalaw ng mga labi niya ay nasabayan na ng dalaga. Tumutugon sa bawat diin ng halik niya.

Sinaklop sila ng init na hindi nagmula sa lagnat ng dalaga kundi init iyun na lumalabas sa kanya. Ang init ng kanyang katawa..ng kanyang pagmamahal...ng kanyang pagnanasa.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon