Chapter 22

512 51 7
                                    

She can forget everything if she will. Gaya ng sabi niya makakalimutan din niya ang nararamdaman niya para sa lalaking iyun.

Makakalimutan? Tama ba na araw-araw namamalik-mata ka na nakikita mo siya saka aasa ka na baka nga siya yun nakita mo?

Padarag na nilapag niya ang binabasang papel sa mahogany desk niya.

"Paranoid na kung paranoid pero hindi naman ako umaasa,"bulalas niya. Kontra sa inaakusa ng kanyang isip.

Indenial ka lang..

"No way,"mariin niyang bulalas.

"Uh,siguro mamaya na lang kita kausapin,"untag ng isa sa staff niya.

Napasinghap siya ng matanto na nasa harapan pa lang niya ito.

Nasapo niya ang ulo saka humugot ng malalim na hininga.

"Sorry,Jeka.."turan niya rito.

Naalangan na ngumiti naman ito saka nilahad sa kanya ang hawak nitong papel.

"A proposal,Miss Juliet,"turan nito sa nilapag na papel sa mesa niya.

Sinulyapan niya iyun.

"Thank you,"buntong-hininga niya.

Agad naman nagpaalam si Jeka sa kanya.

"It's his fault,"usal niya na may inis sa sarili. Yes,sa sarili niya.

Dinampot niya ang papel na nilapag ni Jeka sa mesa niya. Kailangan niyang abalahin ang sarili at isip.

Pinasadahan niya ang nilalaman na proposal. Sa simula pa lang ay nakuha niyun ang atensyon niya.

Isang kilalang model agency sa pinas ang nais kumontrata sa kanya para sa pagbubukas muli ng bagong branch ng agency na nakasaad sa papel.

Napangisi siya. Mukhang malaking blessing ang parating.

Itinuon niya ang buong atensyon sa binabasa hanggan sa matapos ang oras ng trabaho ay naging magaan na ang pakiramdam niya. Ngayon lang siya makakatanggap ng bigatin client para kunin ang serbisyo niya bilang fashion designer.

She so blessed.

She driving her car pauwi sa kanyang condo unit pero dahil rush hour inaasahan na niyang aabutin na naman siya ng ilang oras sa tindi ng traffic.

Inabot niya ang kanya cellphone at kinonekta sa radio para magpatugtog ng paboritong ppop boyband at maganda makinig lagi kapag nasa kalagitnaan ka ng nakakainip na trapiko.

Agad na napangiti siya ng pumainlanlang ang isa sa paborito niyang awitin.

Sinasabayan and bawat liriko kasabay ng pagheadbang niya nasa ganun eksena siya ng sa paglingon niya sa bintana ay may namumukhaan siyang pamilyar na mukha.

Isang pamilyar na mukha ng lalaki na nasa likod ng manobela gaya niya ay tila nakikinig din ng kanta base sa buka ng bibig nito.

Natuon na ang atensyon niya sa lalaki.

That guy is look familiar.

Namamalik-mata ka na naman...

Naipilig niya ang leeg sa akusa ng isip niya.

No. He's real.

Sa pagtitig niya rito bigla ito napalingon sa kanya. Ang ngisi sa mga labi nito ay kaparehong-pareho ng kay Zayne!

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon