Chapter 4

527 49 3
                                    

Naligo lang naman siya pagkatapos niya mabasa sa may talon at pagkalabas niya ng banyo wala na ang kapa na nilagay niya sa may paanan ng kama niya kaya heto siya ngayon hindi pa man nagsusuklay ng buhok  ay kumakaripas na siya pababa para hanapin kung sino man ang kumuha ng kapa sa silid niya.

"Manang!!!!"malakas na pagtawag niya sa matandang katiwala.

Napatigil at nagtataka naman ang ilan kasambahay na nakarinig sa malakas na pagtawag niya sa matanda.

"Manang!!!"

Humihingal na narating niya ang kusina at gulat na napalingon sa kanya ang matanda.

"Bakit,Senyorita? Ano ho nangyari?!"natataranta tuloy nito tanong sa kanya.

Hindi naman siya kaagad nakasagot dahil sa hingal at mabilis na pinagsalin siya ng tubig sa baso ng isang kasambahay.

"Uminom ka na nga muna. Ano ba nangyayari?"anang ng matandang katiwala.

Napangalahati naman niya ang tubig na pinainom nito sa kanya.

"Manang! Yung kapa? Sino po kumuha?!"

"Kapa? Nasa labahan. Marumi naman di ba kaya lalabhan ko mayamaya,"agad na sagot ng matanda.

Nanlaki ang mga mata niya.

"No! Malinis po yun! Nabasa lang siya!"

Napakurap-kurap ang matandang katiwala sa pagtaas ng boses niya na di naman niya intensyon na takutin to.

"Nasaan po. Huwag po niyo labhan,"pagkalma na niya sa pagsasalita.

Hindi niya gugustuhin na umiral ang atityud niya rito.

Kumalma ka,self! Nang dahil lang sa kapa yun nagkakaganyan ka!

"Ah okay,sandali! Kukunin ko,"agad na talima ng matandang katiwala.

Sinundan niya ang matandang katiwala patungo sa labahan.

Agad na hinablot niya rito ang kapa.

"Thank you po!"saad niya.

"Pasensya na,Senyorita..hindi ko alam na ayaw mo palabhan,"paghingi nito ng pasensya sa kanya.

"Pasensya na din po. Malinis naman po ito. Hayaan niyo lang po siya sa silid ko. Importante po kasi sakin ito,"pagpapasensya na rin niya sabi nito.

Nakakaunawa naman tumango ang matanda.

Malakas siya napabuga ng hininga ng makabalik siya ng kanyang silid ng mailapag niya sa may paanan ng kama niya ang kapa. Tinitigan niya iyun.

"Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kapa ka lang naman!"

Galing kasi kay Mr.mysterious eh...

Napaismid siya habang nakatitig pa rin sa kapa.

"Tsk.isasauli ko din yan sa kanya..,"kausap niya sa sarili.

Wag na..rememberance mo na.

"Well...good suggestion,self.."

Pero bakit naman nagsusuot ng kapa ang lalaking iyun?

Saan kaya ito nakatira?

Palagi naman sila nagkikita. So,ibig sabihin dito lang din sa lugar na ito nakatira?

Ipinilig niya ang ulo. Umupo siya sa gilid ng kama saka hinaplos ang kapa.

Sentimental siyang tao lalo na sa gamit gaya ng kahit anong uri ng isang tela pero iba ang pagpapahalaga niya sa kapang ito.

"Kapag hiningi niya. Babayaran ko na lang,"usal niya.

Wala na dapat bawian. Bili na lang siya ulit bago.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon